Thursday, December 17, 2009

QuizBox

Isang kaibigan ang nagsabing puntahan ko daw ang site na eto http://www.quizbox.com/ medyo kinabahan ako kasi quiz nanaman, sawang sawa na ako kaka-quiz mula kinder hanggang magapply ako ng trabaho. Buti nalang ibang klaseng quiz 'to, medyo madali lang sagutin di na kailangan ng kodigo.
Paksyet!!! Nakakagulat! after kong sagutan ang Quiz binigay nya ang sagot tungkol sa sarili ko na halos lahat tama.


Your view on yourself:
You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:
You like serious, smart and determined people. You don't judge a book by its cover, so good-looking people aren't necessarily your style. This makes you an attractive person in many people's eyes.

Your readiness to commit to a relationship:
You prefer to get to know a person very well before deciding whether you will commit to the relationship.

The seriousness of your love:
Your have very sensible tactics when approaching the opposite sex. In many ways people find your straightforwardness attractive, so you will find yourself with plenty of dates.

Your views on education
Education is less important than the real world out there, away from the classroom. Deep inside you want to start working, earning money and living on your own.

The right job for you:
You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.

How do you view success:
You are confident that you will be successful in your chosen career and nothing will stop you from trying.

What are you most afraid of:
You are afraid of things that you cannot control. Sometimes you show your anger to cover up how you feel.

Who is your true self:
You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.

Sunday, December 13, 2009

Textmate

It’s never nice when you forget the things you’re suppose to remember, But it feels worse when you remember the things you’re supposed to forget...”


Ginising ako ng isang malakas na tunog ng cellphone, halos mahulog ako sa kama kakamadaling silipin kung sino ang nagtext. Paksyet napapraning nanaman ako, walang message ang cellphone ko at saan galing ang narinig kong tunog? Tsk! Tsk!. Akala ko tuluyan na kitang nalimutan, hindi pala. Inaasahan ko na babatiin mo ako ng Happy Birthday sa text, tulad ng madalas mong ginagawa noon tuwing sasapit ang aking kaarawan.

Ito na yata ang pinaka malungkot kong kaarawan bukod sa wala ka, wala rin akong pera. Ang hirap pala magmove-on feeling ko sasabog ang dibdib ko sa lungkot at hindi ko kayang gawin ang mga bagay na wala ka. Alam mo ba na parusa para sa akin ang bawat tunog ng cellphone ko, kasi inaasahan ko parin ang text message mo at muling marinig ang inosente mong halakhak mula sa mga korni kong jokes.

Ang pag-ibig parang elevator. Kung puno na bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo gayung meron namang hagdanan?
…..Hindi mo lang pinapansin


Naisip ko (nagamit din sa wakas) na hindi ko na dapat ikahon at ipagsiksikan ang sarili ko sayo. Dehydrated nako kakaiyak maghapon at wala namang nanyayari. Sabi nga nila, marami namang iba dyan na naghahabol sa ka-gwapuhang ko, bakit di ko sila pagbigyan ngayon.

May tama sila! Kung sino man kayo… maraming salamat

December 24, 2008 bisperas ng pasko. Hindi ko malilimutan ang araw na ‘to dahil ito ang araw na una kaming nagkakilala.. Madalas ko na syang makita nuon kasama ng mga kabarkada ko pero hindi ko sya pinapansin lalo na’t kasama kita. Takot kasi ako sayo hindi mo lang alam.

Sa mga sandaling pagsasama namin ay agad nahulog ang loob ko sa kanya, at mula nuon naging malapit kami sa isat-isa. Madalas kami magkasama mula umaga hanggang gabi. Binago nya ang takbo ng buhay ko. Lalo na nung panahong nangungulila ako sayo. Siya ang naging karamay ko, tinuruan nya akong makalimot at maging manhid sa mga problema.

Habang tumatagal hindi ko alam kung gusto ko na sya o ginagawa ko lang syang dahilan. Maraming may gusto sa kanya hindi lang ako at bago pa sya dumating sa buhay ko alam kong hindi ko sya pwedeng angkinin at ipagmalaki na akin.

Sa totoo lang sya ngayon ang dahilan bakit madalas ang aking pagluha… nagiging emosyonal ako sa tuwing kasama sya at hindi mapigilan ilabas ang tunay na nararamdaman.


Sya nga pala si Red Horse ang nagbigay sa aking ng lakas ng loob para kalimutan ka.

“I LOVE YOU REDHORSE” Send this to 20 of your alcoholic friends and an INUMAN will happen later! Para maiba naman, hindi yung puro nalang miracle.

Tuesday, December 1, 2009

BIRD MO! BIRD KO! BIRD NATIN 'TO

Wala akong magawa sa araw na ito kaya naman pinagtripan ko ang mspaint ng windows. Sinubukan ko magdrawing ng bird at Kulayan ito gamit ang mouse.
Heto ang kinalabasan:



Maituturing kong isang obramaesta ang ginawa kong ito. Ginugol ko sa paggawa nito ang mga oras na tinatamad ako sa trabaho at ang imahinasyon ko. Isa itong pagkondena sa paglapastangan sa mga bird na walang kamalay-malay na kinukulayan ang balahibo para magmukhang Lady Gaga.

Kadalasan makikita ang mga bird na ito sa tapat ng elementary school(dahil mas madaling maloko ang bata) at sa simbahan (dahil madaling maloko ang walang kasalanan). Nakakulong ang ibat-ibang colored bird sa isang masikip na lalagyan at sa ibabaw nito ay isang game board. kung swerte kang manalo sa laro na 'to tiyak na mauuwi mo ang bird of your choice. Pero sigurado akong hindi ka mananalo, dahil madadaya ang GameMaster nito.

Tsk! Tsk! kawawang bird... dahil sobrang siksikan sila sa kahilang
selda, hindi maiwasan na oras-oras-minu-minuto may stampede na nagaganap at ang mahina ay tiyak na dedbol at pagpipyestahan ng langgam.

Gamemaster: Put@ng!na tatlong araw na pala itong di kumakain

Narinig ko yan dati mula kay manong gamemaster habang tinitingnan
nya kung bakit di na halos gumagalaw ang bird nya.

IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA BIRD.
BIRD MO! BIRD KO! BIRD NATIN 'TO

Thursday, November 19, 2009

Alay na tula para sa aking mahal

*****************************************************
Matagal na din ako hindi nakakapag-update ng blog...
sensya na busy lang po!
*****************************************************
Alay na tula para sa aking mahal


Sa araw-araw na kapiling ka
Tingin ko mahal na kita
Walang makakapigil sa akin
Maging sino man ay hahamakin

Sa tatlumpong minutong pagsasama
Pakiramdam ko buong araw na
Hindi ko na yata kaya
Ang Araw na wala ka

Ako'y handang maghintay
Ilang ulit mo man ako iwan
Kahit ipagtulakan
Sarili'y ipagsisiksikan

Alam kong marami akong kaagaw sayo
At kailan man hindi ka magiging akin
Gayunpaman Hindi ako marunong sumuko
Lalo na't may nakita akong puwang sayo

I love you LRT!

Monday, October 5, 2009

Sentimyento (Mula sa text)

“Kung ginalingan mo ang pagsupsop habang matigas pa ako, hindi ka malalagkitan o magkakatulo! Mabagal kang kumilos!Mabagal ka! Mabagaaal!!”
-ice candy


“Ikaw kaya nasa kalagayan ko?Cge nga.. mghapon kng mgaalaga at mgbi2bit ng di mu kaanuanu.. npakainit pa.. tpos pgayaw n sau kun san san k p ibabato.”
- brief


“Bakt ba ako lage pinag-iinitan nyo?!”
-takure


“Ako na ang ntapakan,kaw pa i2ng galit.”
-tae


“i am a butterfly.. a pretty small brown butterfly..”
- baklang iPis nag-Eemote..


“Hindi masarap ang Ketchup”
-Mang Tomas


‘Ang tagal na natin nagsama! Hindi naghiwalay! Natuto ka lang mag-mouthwash, pinalayas mo na ako. Yabang mo!’
- BAD BREATH (galit)


wag m0 k0ng dungawin, ndi ako bintana!
-cleavage.


“HAPPINESS is not found at the end of the road… It is experienced everytime you make a sudden turn!”
- Victoria Court


Hanggang kailan ako maghihintay?
-waiting shed


“gudlak sa pangarap nyo! Kng ang pangarap ko nga d natupad pangarap nyo pa kaya!”
-pichay- *bitter*


tulong! naiipit ako!
-Tback


“Hindi lahat ng party ay nkpgpapasaya”
-third party

Friday, October 2, 2009

Tamang Hinala

Umakyat sa bubong. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan sabay karipas ng takbo kaninong bubong na ba ito? May humahabol sa akin. Malaking tao, mabilis, maitim at may dalang patalim.


Nanlilisik ang kanyang mga mata...


Nariyan lang sya sa paligid pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Ano mang oras kaya nyang kitilin ang buhay ko.


Umiiyak...


Humihingi ng tulong...


"Tulungan nyo ako may humahabol sa akin gusto nya akong patayin!" nagmamakaawa kong sigaw sa isang madilim na sulok.


Kinabukasan...


Maayos na ang pakiramdam ko. Wala na ang espiritu ng usok na pumasok sa sistema ko. Wala na rin ang taong humahabol sa akin.


Nagkalat ang dugo sa paligid....


May sugat ang aking kamay...


May taong patay...

Thursday, October 1, 2009

I love fruits and vegetables!

Maraming benepisyo sa ating katawang ang pagkain ng gulay at prutas. Kaya naman ineenganyo ko kayong kumain nito para lumakas at sumigla ang katawan. Nakikita ko kasi na karamihan sa Pilipino ngayon ay puro fast food nalang ang kinakain kaya nagiging fast din ang buhay nila at dinadapuan ng kung ano-anong sakit tulad ng Cancer. Nakakatakot kaya mamatay lalo na kung may lovelife ka pa dito sa lupa.

Nuong Dekada 80 galunggong ang pagkain ng masa, at nung Dekada 90 naman instant noodles at sardinas, ngayon naman "Magic Sarap" kanin palang ulam na. Bwiseet di ba? parang niloloko nalang tayo ng mga hinayupak na yan! paano na sa susunod na Dekada tingin palang ulam na kahit walang kanin solb ka.

Eto ang mga Gulay at Prutas na mahalaga sa ating katawan:

Red Bell Pepper (di ko lang alam kung bell pepper parin ang tawag)


Sayote (Salitang ugat: paraSAyo aTE)


Mr and Mrs Carrots (Charoots! = bastos na carrots)


Peras (Wetpaks ba to?)

Tuesday, September 29, 2009

Quotes


Do unto others as you would have others do unto you.



We are shaped by our thoughts, we become what we think. When the mind is pure joy follows like a shadow that never leaves.
- Budda

Gravitation cannot be held responsible for people falling in love. How on earth can you explain in terms of chemistry and physics so important a biological phenomenon as first love? Put your hand on a stove for a minute and it seems like an hour. Sit with that special girl for an hour and it seems like a minute. That's relativity
- Albert Einstein

Any man may easily do harm, but not every man can do good to another.
- Plato

A hero is born among a hundred, a wise man is found among a thousand, but an accomplished one might not be found even among a hundred thousand men.
- Plato

By all means, marry. If you get a good wife, you'll become happy; if you get a bad one, you'll become a philosopher.
- Socrates

I can calculate the motion of heavenly bodies, but not the madness of people.
- Isaac Newton

I am proud of the fact that I never invented weapons to kill.
- Thomas Edison

Every form of addiction is bad, no matter whether the narcotic be alcohol, morphine or idealism.
- Carl Jung

It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice.
- Jose Rizal

Anong silbi ng salitang utang kung hindi mo gagamitin.
- Christopher Tano

Badtrip

Kung babasahin mo ang post ko sa ibaba aakalain mo masaya ako ngayong araw na to at yun din naman ang akala ko. Pero hindi pala. Excited na akong umuwi at nakaplano na ang lahat nang gagawin ko sa bahay. Gutom na din ako tiyak na masarap ang ulam ko kahit ano pa ito.

Gusto ko lang magsumbong sayo blogspot, ayoko magsumbong sa Tulfo brothers dahil alam ko mabwibwiset lang sila sa sumbong ko na walang kwenta pero may ebidensya. Baka ako pa kastiguhin nila, alam ko ang gusto nilang sumbo e yung may thrill at action. Wala kasing action 'to at ayoko maging marahas.

Kung alam lang nila kung gaano ako nakipagtulakan sa bus at nakipagsiksikan sa LRT kanina. Habang kausap ko sila sa phone sa LRT kita ng katapat ko ang pait ng mukha ko at pagkakulot ng buhok ko habang malumanay na masaya ang boses. Kunwari di ako badtrip at babalik nalang sa opis. Ayun nakatingin ang katapat ko wariy naawa sa akin dahil napapailing ako habang bumababa.

Ayoko na magkwento pa baka kasi may kung ano pa ako masulat dito at maispatan nila boy abunda ang blogspot ko.

Salamat sayo blogspot at sa mga readers ko (kung meron man)


Kalma lang...

Miss Google

Halos araw-araw ko binabaybay ang Ayala paliko ng Dela Rosa patungo sa mahal kong opisina, dito kasi ang tamang babaan ng mga pasahero. Ibat-bang tao ang nakakasabay at nakakasalubong ko dito. Karamihan ay mga empleyadong nagmamadaling makapasok dahil late nanaman sanhi ng araw-araw na trapik. Alam naman namin trapik at malalate kami pero iba parin talaga ang may thrill sa buhay. Yung tipong makikipagtulakan ka sa mga kapwa pasahero at halos talunin mo na ang bus mala-bruce willis makasakay lang. Hindi pa natatapos yan dahil makikipag brasuhan ka sa pagswipe ng ID sa kapwa mo empleyado, tapos kinakabahan ka tuwing may darating na sobre dahil inaakala mo memo nanaman to. whew! walang sinabi ang mga rides ng enchanted kingdom.

Kanina habang mabilis akong naglalakad tinawag ng isang babae ang aking pansin. Hindi ko alam kung bakit parang naposes ako sa kanya samantalang nakatalikod sya. Siguro dahil sa tangkad, Sexy, at Longsilky smooth hair na parang nagparebond. Binilisan ko ang paglakad upang makita ko kung kasing ganda ng likod nya ang harap nya. (Hindi yung harap na iniisip mo! pero kasama na rin yun..). Nagovertake ako sa ibang kasabay ko, presto at naabutan ko sya. Pasimple akong lumingon at tiningnan sya. Panalo! kung anong ganda ng likod ganun din ang harap. Kasi minsan may mga Talikogenic na babae, eto yung kapag nakatalikod lang maganda.

Hulmang-hulma ang kanyang sexy na katawan sa pencil cut nya na palda at blazer. Talagang nakakaakit at sigurado ako na di ako uubra sa mga ganito kaganda, medyo gwapo lang kasi ako at hindi sobrang gwapo. Malamang galing sya sa isang sikat ng coffee shop kasi bitbit nya pa ang cup nito. Gusto ko nga sana syang tanungin "Miss Google ka ba? Lahat kasi ng hinahanap ko nasa 'yo na"

Nakakatulala talaga ang ganda nya halos lahat ng pwede ko maimagine naimagine ko na nung time na yun. Tumulo nga ata yung laway ko. Ilang hakbang nya lang naiwan na ako sa haba ng hita nya. Pero nabasag ang imahinasyon ko at nabalik ako sa tunay na realidad nung itinapon nya ang kanyang hawak na cup sa kalsada. Sandali akong nahinto parang kababalik lang mula sa timespacewarp ng ganda nya. Dinamput ko ang cup na tinapon nya at may narinig akong nahalinghinan na mga babae sa likod ko. Akala siguro nila na sisipsipin ko ang straw na nasa cup na parang naglip-to-lips kami nung babae. Pero mali sila andami kayang tao, buti sana kung wala.

Maayos kong tinapon ang cup sa basurahan kasabay ng paghangga ko sa kagandahan nya. Hindi ko gawain ang mamulot ng basura ng iba, pero bakit nung araw na yun eh automatic kong pinulot? ambilis ng pangyayari.

Napatunayan ko tuloy sa sarili ko na hindi pala talaga ako tumitingin sa kaanyuan ng isang tao. At yung mga nasa likod ko na babae parang humanga ata sa ginawa ko na hindi ko naman talaga ginagawa. Instant pogi points yun ah... ang yabang tuloy ng lakad ko papunta ng office. Sobrang ganda ng mood ko halos halikan ko lahat ng babaeng makasalubong ko kasi nakagawa ako ng isang magandang bagay para sa kalikasan.

"Miss Google ka ba? sorry Yahoo ang type ko"

Sunday, September 27, 2009

Daily Horoscope ko today

source: http://www.igma.tv/horoscope/pisces

September 28, 2009: You need to be more creative when it comes to asking someone for a date. For some, being introduced to a new love prospect is possible. (By Edel C.S.)

-> totoo ba 'to? need to be more creative... hmmm... e kung ipa-kidnapped ko kaya parents nya at ang hinihingi ng mga kidnappers para pakawalan ito ay hindi pera, kundi makita kaming magka-date. Creative di ba?
Or magtxt nalang ako sa kanya: Pwede ka bang maka-date? text YES kung OO or text NO kung OO. Siguro naman matutuloy ang date namin.

Pisceans have colorful personalities. They are not only creative and friendly, they are caring and nurturing as well. They are peace loving persons and hate arguments. They see the world as a peaceful and safe place.

Career/Money

Pisceans excel in humanitarian work, social work, nursing and medicine. They are also great artists: singer, poets, writers, actors. But when it comes to handling finances, they need someone to do the budgeting for them and live on an allowance as they have this tendency to spend on things that they don't really need.

Love

They will pour out their love and affection to their partner. They are very loyal, romantic and sentimental. They seldom forget important dates. But they are also idealistic and sometimes, the harsh reality of life can be a blow to them. They must learn to build a solid foundation in the relationship to make it last. They are compatible with water signs like Cancer, Scorpio, and Earth signs like Taurus, Virgo and Capricorn.

Health

Pisceans are like sponges for they easily absorb the negative things around them. The best way for them to release stress and tension is through meditation or yoga.

Malungkot na weekend

Kung last week badtrip ang weekend ko, ngayon naman magkahalong lungkot at takot. Kelan ba ako tatantanan ng kamalasang ito? ayoko na ng ganitong weekend!

Nakakalungkot kasi 4 days ako dito sa opisina. Hindi dahil na-stranded ako sa Bagyong Undoy, dahil ito sa problem sa opisina, kaya kahit walang bagyo tiyak nandito parin ako. Nagsasawa na ko kaharap ang monitor habang ka-holding hands ang mouse. Wala na bang iba? yung livingthings naman sana...

Kakalungkot ang nanyari sa metro manila at sa mga karatig na pook nito. Lumubog nanaman tayo sa baha. This time mas matindi at mas grabe ayon sa mga tao. Maraming nastranded sa Makati dahil sa mataas na baha at dahil sa sumpa ni Binay "Ganito din sana buong bayan".
Walang pinipili ang kalamidad maging bata, matanda, magsyota, mahirap, mayaman, artista, extra o kahit politiko ka damay ka. Pantay pantay tayong lahat sa ganitong sitwasyon walang exempted hindi ito Tax.

May mga celebrity din na humingi ng tulong dahil inabot din ng baha ang kanilang bahay. Tulad ni Christine Reyes. Mabili na kumalat ang balitang eto kaya naman atat na ako magbihis upang iligtas sya. Nakaplano na ang lahat sa isip ko kung paano ko sya sasagipin bigla naman umepal ang kamukha kong Richard Gutierrez, hindi naman sya member ng rescue team... pampam lang talaga!!!. Maswerte lang sya at may Jetski sya.

Pagdating ng bonus bibili din ako nyan. Humanda ka Richard!

Hindi kasalanan ng Bagyo kung bakit nagkaganito, dati pa tayo binabagyo. Ang may kasalanan tayo... Putol na puno, Plastic na basura, Baradong estero at Baradong isipan!

Saturday, September 26, 2009

Dear Juicy Papa Chris

First of all gusto ko po maging unique na letter sender ninyo para di ninyo ako makalimutan at laging maaalala. Inilakip ko po ang picture ko sa aking liham. Siguro naman wala pang gumawa nito sa inyo. Regular na reader nyo po ako. Naniniwala po ako na cute kayo kahit nakatalikod kayo sa picture. Kelan po ba kayo haharap? hihihi
Eto po pala ang aking kwento. Sana mabigyan nyo ako ng magandang advice....
Nag-audition po ako sa StarCirle Quest ng ABSCBN last year. Sa kasamaang palad hindi po ako natanggap dito, ang sabi kasi nung mukhang empaktang nagscreen sa akin tatawagan nalang daw po ako. Hindi ko pa nga napapakita ang talent ko sinabihan kaagad ako ng ganun!. Well wishing well wala akong magagawa kung not applicable na ang talent sa ganda kong ito, ang tanging gagawin ko nalang ay antayin ang tawag nya. Kaya lang kinabukasan pinutulan kami ng telepono dahil isang taon na daw 'tong walang bayad. Gusto ko sanang bayaran nalang upang hindi putulin pero wala naman akong pera kaya ayun hindi ako naging artista ngayon. Pangarap ko pa naman sana maging leading lady ni Robin Padilla kahit kissing scene tatanggapin ko makasama ko lang sya sa pelikula. Hanggang pangarap nalang ako ngayon...
Nakakalungkot pero gayunpaman, masaya ako. Dahil dito ko po nakilala ang latest BF ko, si Christian. Katabi ko sya sa pila habang nagaaudition kami. Kinalabit nya ako at nagtanong kung anong oras na, syempre sinagot ko ang tanong nya kahit obvious na nagpapacute lang sya sa akin. Hindi sya kagwapuhan pero okey na din, mabait naman at mayaman. Hindi tulad ng ibang nanliligaw sa akin mga hampas lupang tricycle driver, sidecar driver at jeepney driver. Ilang araw lang sya nanligaw sa akin at hindi ko na sya pinahirapan, sinagot ko na kaagad, kasi parati nya ako nililibre sa starbucks. Ayoko mawala sya at yung sosyal kong bisyo na kape.
Masaya akong kasama sya papa chris pero nitong huling araw parang nanlalamig na sya sa akin. Napansin ko na halos isang beses nalang kami nagkikita sa loob ng isang buwan, wala na rin po syang goodmorning sa umaga at goodnight gabi. Hindi na rin kami umiinum ng kape sa starbucks, sa Mr Donut nya nalang ako dinadala. Paano ko po ba malalaman kung may ibang babae ang BF ko? Tingin nyo po ba pinagpalit nya na ako sa iba?

pahabol na tanong: totoo po ba ang cloning? parang feel ko magpaganun.



Love,
Ericka QC


Ericka QC,

Kung sa pagiging unique e unique ka na. Wala kang katulad, wala kang kapares, wala!wala!wala! sana maintindihan mo at wag mong maisipan na magpa-clone. Hindi ako matutuwa kapag ginawa mo yan please lang alang-alang sa kapakanan ng sanlibutan. Baka kasi magpuntahan dito ang mga aiien akalain nilang habitat nila ang earth.
Kung empakta ang nagscreen sayo e ano tawag mo sa sarili mo? (sensya na highblood nanaman ako).
Tungkol sa tanong mo heto ang mga senyales para malaman mo na niloloko kana ng bf mo:
(Eto ay mula sa survey at wala akong kinalaman dito)


* Nagpapanic kaagad pag hinahawakan mo ang cellphone nya.
* Burado ang sent items
* Minsan burado rin ang inbox
* May mga kakaibang name sa phonebook nya. tulad ng afnim binaliktad na nimfa.
* Madalas busy ang phone
* Nakangiti kapag may nagtext (hindi naman jokes yung text)
* Dalawa na ang cellphone o sim card
* Pinalitan ang password sa cellphone para di mo mabuksan
* Laging may lakad sya na di mo alam kung saan
* Inaantok o Lowbat na sya pag kausap ka sa phone. (gusto siguro kausapin yung isa)
* Tawagan mo ulit after 10mins busy na ang phone
* Hindi na picture nyong dalawa ang wallpaper nya. Sya nalang magisa para sabihin single.
* Bihira na magreply ang alibi ay walang load.
* Amoy pabangon ng babae eh yung pabango mo whiteflower lang.
* May chikinini na hindi galing sayo
* Kapag nanuod kayo ng sine wala na syang reaction, meaning napanuod nya na yun. (tanong mo sino kasama)
* Laging galit sayo
* Minsan sobrang bait (lalo na kapag muntik na mahuli)
* Wala nang Gudnight, Gudmorning, GudAfernoon, kumain knb?, Musta, at Labyu sa text.
* Minsan meron pero tiyak ko wrongsend lang sya hindi para sayo yun.
* Mas gwapo/maganda sya ngayon kesa nuon.
* Ayaw makipag holding hands/kiss sa public e dati nyo naman ginagawa yun.

Kung ako ang bf mo hindi kita ipagpapalit alam mo kung bakit? Wag mo nang alamin dahil magagalit ka din. Ang pinakamagandang maipapayo ko sayo e wag kang choossy humarap ka sa salamin at tandaan "Basta Driver Sweet Lover" bigyan mo ng daan ang mga driver mong manliligaw.

Monday, September 21, 2009

Insekto Bedtime Story part III

Politiko ka ba? Wag kang madaya magbasa ka muna ng nakaraan
Part I
Part II

III
Nilisan ni Dengdeng ang kanilang lugar upang magenroll sa ministop isang computer school sa may kanto ng recto na katabi ng bilyaran at computershop. Dahil naniniwala sya na ang katalinuhan na makukuha nya mula dito ang makakasalba sa pagkakalugmok ng kanilang lahi at ito rin ay isang yaman na di maaring maagaw ng sino man.
Masipag na masipag si Dengdeng pumasok halos araw-araw kahit sabado't lingggo at maging holiday... ang lupet! kaya lang hindi sa eskwelahan kundi sa mga katabi nito. tsk! tsk! tsk! napabarkada kasi sya sa mga walang kwentang estudyante na ang hilig lang ay maglustay ng pera na ibinibigay ng kanilang magulang. Ayun Drop lahat ng subject nya.
Hindi sya naging matagumpay sa pagkamit ng katalinuhang inaasam, gayun pa man nagkaroon sya ng malaking farm, yumaman, at nagkaroon ng sandamakmak na kaibigan sa facebook. Naging husler din sya sa larong bilyar at hinangaan ng mga estudyanteng tambay.

Muli syang bumalik sa kanilang lugar makaraan ang ilang buwan. Daladala nya ang mga trophy ng bilyaran at online game karamihan dito sya ang champion. Astig. Pero hindi ito pinapansin ng sangkalamukan at insekto world. Itinuturing parin na ang lamok ay may maliit na utak at madaling patayin ng mga tao hindi tulad ng mga lahing ipis minsan nagpapataypatayan pero sa totoo lang buhay pa sila, paraan upang makatakas sa malupit ng tsinelas. Ang mga surot naman ay magaling sa pagtago maging foam o kahoy pa yan. Matitinik sila parang bangus.
Hindi matapos tapos ang paksyon kung sino ba talaga ang lahi ng insekto ang pinaka-malakas kaya naman naisipan ng mga namumuno dito na gumawa ng paligsahan. Magtatagisan ng lakas, talino at bagsik ang mga kalahok na magrerepresinta ng bawat lahi. Medyo problemado ang lamok community kung sino ang nararapat magrepresinta sa lahi nila dahil karamihan sa kanila e maliliit ang katawan at walang bagsik. Pero may isang lamok na naglakas ng loob magtaas ng kamay upang ipaglabang ang lahi... at ito ay si Dengdeng.

Ilang araw bago ang kumpetisyon naghahanda na ang bawat lahi. Naghire ng imported coach ang mga ipis, si coach freddy coackroach, isang sikat na coach mula sa amerika. Hindi rin naman nagpatalo ang maangas na lahi ng surot, naghire din sila, si Maybadweather Sr. sikat na coach din naman ito pero di ako sure. Ang mga langaw ay kumuha ng local coach ayaw kasi nila magbayad ng mahal nagtitipid sila ngayon. Kanya-kanyang training at paraan na gagawin upang manalo. May mga naiisip din na mandaya nalang dahil aminado silang mahina ang kanilang lahi. lahi sila ng mga politiko.

ipagpapatuloy...

Tuesday, September 15, 2009

Dear Anya,

Hindi talaga kita kilala, ni hindi pa nagkatagpo ang ating landas, maging ang anino mo ay hindi ko pa nakita. Pero sa mga kwento ng kaibigan ko, parang kilala na kita. Sa mga larawan na ipinakita nya parang naroon narin ako at nagkakilala tayo. Malinaw nyang nailarawan sa akin ang mga masasayang araw ng kanyang buhay kasama ka. Napakikislot nito ang aking imahinasyon na parang nanunuod ako ng isang magandang pelikula. Kinilig ako, baduy man ito pero yan ang totoo. Mula nung lumayo ka parang nawalan na sya ng pagasa na umibig pa, hindi man nya ito aminin ramdam ko eto. Para kang taxi habang lumalayo lalong napapamahal. Ang cheesy noh! pinasaya ko lang ang pagbabasa mo baka kasi tumulo ang luha mo, ayaw nya yun. Ayoko magbigay ng konklusyon sa problema nyo kasi isang panig lang naman ang narinig ko. Madalas nya maikwento yun pero hindi ko nalang masyado binibigyan ng halaga. Wala syang galit sa sino man at yun ang pinakamagandang nakita ko sa ugali nya. Dahil kung ako yung nasa kalagayan nya, siguradong World War III na at maghahanda na ako ng mga kamikazee. Minsan ko syang pinayuhan na wag manatiling tahimik. Itinulad ko sya kay Rizal na nagsulat ng libro laban sa kastila na nangailangan pang basahin at intindihin bago maghimagsik. Matagal na processo na tingin ko hindi akma sa puso. Tumatakbo ang oras.. bawat segundo mahalaga mahirap ang maiwan hindi ito LRT na may next train na darating.
Kapag nagpupunta kami sa R.O.X para mag shopping ang mata at matunaw sa inggit lagi nya tinitingnan ang map of the world at ilalagay ang lens sa Canada. Tinanung ko sya kung bakit, ang sinagot nya lang may hinahanap sya duon. Sabi ko i-google earth nya, pero sabi nya wag na daw. hmmm... dun ko lang nalaman ikaw pala yung nasa canada. kamusta ka naman dyan? malamig ba dyan? malinis ba ang tubig at hangin? dito kasi may waterstation na bawat kanto. Natatakot ako na baka dumating ang araw pati hangin e kailangan na din bilihin. Ang sarap siguro dyan parehong malinis ang tubig at hangin. Pero di ako pwde dyan hindi dyan ang habitat ko. Si berto gusto magpunta dyan hindi dahil malinis ang tubig at hangin at hindi rin dahil dyan ang gusto nyang habitat kundi nandyan ka. Natutuwa ako dahil di ka nya kayang palitan sa kahit na sino at naisip pa nya na tatandang binata nalang sya (matanda na tatanda pa?) kahangahangang itong kaibigan ko ayaw sumuko. Seryoso sya nung sinabi nya sa akin yan at walang halong ka eklabuhan ang mga mata. Alam mo ba na natotorete na ako kapag nagkikita kami dahil walang oras na lumalampas na di ko naririnig ang salitang "Anya" at "Canada" kung pwede lang nga mute ko na ang salitang yan, pero hindi ko kaya alam kong ikagagalit nya yun sa akin. Sana dumating ang araw na magkita ulit kayo. Tiyak ko kikiligin ang mga FANS nyo at magcecelebrate ng Grand Fans Day sa Araneta.
Mukhang napahaba ata ang sulat ko sayo, o sya uuwi nako sa bahay sa office kasi ako gumagawa ng blog. Sana magkita kayo muli at magkita din tayo

Umaasa,
/C2

Wednesday, September 9, 2009

Hindi ako makatulog

Nagkalat ang mga damit,medyas, brief, etc. kaya naman pala medyo masikip na ang kwarto ko at pinuputakti na ako ng lamok's (with s madami na kasi)
Konsensya: Tamad!
Inaamin kong tamad ako, paguwi ko galing ng opisina tinatapon ko nalang ang mga gamit ko, ganito na kasi nakaugalian ko nuon pa. Makailang beses ko na ito nais baguhin pero ilang araw lang epekto at automatic na bumabalik ako sa pagiging makalat. Natural na ata sa dugo ko ang pagiging makalat sa kwarto.
Konsensya: Tsk! Tsk! Tsk!
Kaya naman naisipan ko maglinis ng kwarto sa araw na ito. Sobrang dami na pala ng kalat ko at yung mga gamit na matagal ko nang hinahanap natagpuan ko na. Binago ko rin yung design ng kwarto ko, nilipat ko nang pwesto yung cabinet at kama ko para maiba naman ang aura at baka sakaling swertehin ako.
Konsensya: Hindi totoo yan
Medyo nakakapagod pero sa bandang huli e napakaganda ng resulta! astig maayos na ulit ang kwarto ko at ang sarap humiga at matulog... Kinagabihan parang tinatawag nko ng kwarto ko at matulog sa bago nyang kanlungan.
Konsensya: Matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas! now na!
Nahiga ako sa kama, pero ilang minuto na ang nakakalipas parang di parin ako dinadapuan ng antok hanggang dumating ang madaling araw. Hindi ko tuloy alam kung bakit ba ako ganito ngayon. Marami akong suspect sa krimen na ito, una yung ininum
kong 3 basong tubig, kaya ihi ako nang ihi at di makatulog. Pangalawa ay yung kaibigan ko na 25years magreply
Konsensya: katext? kaibigan?
Bwiset ka kanina ka pa konsensya! blog ko 'to pakealamero ka wag kang pampam baka alisin kita dyan. At pangatlo yung bagong ayos na kwarto ko, inikot ko kasi yung kama ko.
Ang sakit tuloy ng ulo ko kinaumagahan, maaring nakatulog ako ng sandali pero gising ang diwa ko. Hindi ko maipaliwanag ng maayos kung ano nangyari ng gabing yun. Ayon naman sa kaibigan ko na nakausap sa chat
Konsensya: Kaibigan nanaman
Epal ka! ang sabi nya ay baka daw may ibang tao naman na nagiisip sa akin. Huwaw sabaw ganun ba yun? e sino naman yun? at parang awa nya patulugin nya ako. Kung sino ka man wag mo akong isipin wala kang mapapala.

Tuesday, September 1, 2009

Insekto Bedtime Story part II

Politiko ka ba? Wag kang madaya magbasa ka muna ng nakaraan
Part I
II
"Ilabas mo na yan..." bulong ni jobert sa sarili habang inaabangan ang pagtae ng pusa. lumingon sa likod ang pusa, tiningnan kung may makakakita sa gagawin nyang krimen. Ilang segundong umiri ang pusa at presto dumungaw na ang kapangyarihang inaantay ni jobert. Mabilis nyang dinambahan ang etchas habang hindi pa ito sumasayad sa lupa. Matagumpay nya itong nagawa habang ang pusa naman ay nabwiset dahil sa naputol na etchas. Pumikit ng sandali sa Jobert at humiling na gawin syang surot ng makapangyarihang etchas. "Kaboom" isang malakas na pagsabog. Naisip ni Jobert na isa na syang surot sa mga oras na iyon dahil sa pagsabog na narinig tulad sa mga pelikula ni Darnat at Kaptain Barbell na may sabog epek kapag magtratransform.

Mabilis syang nagpunta sa bahay ni Dingdong pero wala ito duon nasa shooting daw ang sabi ng napagtanungan nyang ipis sa loob ng bahay, kaya ang next target nya ay si Piolo. Pagdating sa bahay agad syang nagpunta sa upuan at inantay na maupo si Piolo. Ilang sandali pa at mukhang uupo na ito. "Heto na ang pagkakataon ko" sabik na sabik na si Jobert kumagat ng artistahing singgit. Matapos maupo ni Piolo... pisak ang baklitang lamok! hindi pala sya nagtransform sa pagiging surot. Mali nanaman ang chismaks ni Cristy tulad ng dati. Balitang balita sa sangkalamukan ang kabobohan ni Jobert ganun din sa buong lahi ng insekto. Kaliwat-kanan na batikos at panglalait ang natamo ng mga lamok. Laman sila ng pahayag tulad ng Tiktik, Remate, Abante, at maging Dividendazo.
"Tsk! tsk! tsk! sadyang maliit talaga ang utak ng mga lamok na 'to paniwalang paniwala kay Cristy eh ilan na ang kaso nun sa korte na libel" sabi ng isang pilosopong ipis sa isang column ng Tiktik.

Masakit ito para sa sangkalamukan, isa itong sampal sa kanilang lahi. Nagtipon-tipon ang mga lamok sa isang sikretong lugar ng Tondo at duon sila nagmeeting kung paano nila muli maibabangon ang kanilang lahi. At dahil sa dami ng attendance nung araw na yung wala silang mabuo at mapagkasunduan. Madaming idea na walang kabuluhan. Ideang hindi sapat upang makabawi sa pagkakalugmok ng kanilang lahi.

Naisipan ng isang batang lamok na si Deng-deng na simulan sa sarili nya ang pagbabagong nais makamtan.

"Ako mismo" sigaw nito sa sarili

ipagpapatuloy...

Tuesday, August 25, 2009

Insekto Bedtime Story

I
Nuong unang panahon, panahon pa ng hapon sa isang maduming lugar ng payatas kung saan nagtitipon ang ibat-ibang insekto. May isang grupo ng mga binatang insekto na naglalaro ng golf. Nang may dumaan na isang baklitang lamok na may long silky smooth hair at mukhang kabayo para magpapapansin (hindi ko alam paano ko ilalarawan ang lamok na mukhang kabayo pero yun na yun!), itago nalang natin sya sa panggalang Jobert. Si Jobert ay madalas magyabang tungkol sa mga taong kinakagat nya. Feeling nya maiimpress nya dito ang mga guys. Pero hindi. Ipinagyabang nya nung araw na yun na nakagat nya na raw si Barrack Obama at Gloria Arroyo na pawang malabong mangyari.

"Hoy baklitang lamok wag kang imbento!" sigaw ni Surita, ang baklang surot na kamukha ni Boy Abunda.
"Weh? Inggit ka lang" sagot ni Jobert
"Alam mo ba na kagabi eh kinagat ko singit ni Dingdong Dantes at Piolo Pascual?" dagdag ni surita sabay palo nito sa pwet.

"Ano ka ngayon" sigawan ng mga insektong nakakarinig sa kanilang awayan.

Walang maisagot si Jobert bagkus umuwi syang talunan at luhaan. Hindi nya nakabog ang kagandahan ni Surita. Mula noon hindi maalis sa isip nya ang sinabing pagkagat sa singit ng dalawa nyang pinapangarap na lalake. Paulit-ulit itong dumadalaw sa kanyang panaginip wariy naiingit sya...
Hanggang isang araw may narinig syang chismis mula sa kapitbahay nilang si Cristy na yung tae ng pusa na di pa sumasayad sa lupa ay may angking kakayahan upang makapag-transform sila sa kahit na anong klaseng insekto. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Jobert at dali daling hinunting ang mga pusang tumatae sa bubong.

ipagpapatuloy...

Sunday, August 23, 2009

Slumbook

Slumbook: Eto ang tactics ng mga babae kapag crush nila ang isang guy. Inaantay nilang sagutin ang tanong na "Who is your crush" feeling naman kasi nila name nila ang ilalagay duon.
Sobrang bihira ako sumagot ng Slumbook nuon, hindi ko nga alam kung bakit.. eh ang sabi naman ng nanay ang pogi ko daw. Siguro hindi lang nila ako type o sadyang di nila ma-appreciate ang kagwapuhan ko. Pero pwede rin dahilan ang lagi kong binababoy ang mga sagot kapag pinapasulat nila ako sa Slumbook.

*Sa mga klasmate ko dati na ilang beses pununit ang Slumbook na sinagutan ko... I am Sorry

Name: Christopher Tano
Nicks: Bhong, Chris, C2
Birthday: March 10 1983
Age: Compute mo nalang
Location: Malabon City
Likes: Madami
Dislikes: Madami din
Favorite time of day: Morning
What would u be as a veggie?: Talong (wag mo icompare huh)
What is your favorite book: Humpy Dumpy
School: Many to mention
Most hated subject: English
Anong brand ng bag mo: Bobcat
Anong brand ng tsinelas mo: Ramboo
Sinong artista nasa notebook mo?: Romnick Sarmienta and Sheryl Cruz
Cofee brewed or decaf?: 3 in 1
Favorite junkfood: Pompoms and Zebzeb
Favorite TV show: Batibot
Favorite color: Green
Favorite artist: Kuya bogie and ate shienna
Favorite sports: Basketball
Favorite magazine: Liwayway and Dividendazo(the sports magazine)favorite ko magbasa ng mga kabayo name
Favorite song: basta kanta ng the beatles
Favorite teacher: Mr(not sure) Bello
Who is your first kiss: Mother and Father
When was your first kiss: When i was born
Who is your Love: God and Parents
Who is your crush: Many to mention (kasama ka!)
What is crush: Crush means paghanga
What is love: Love is like a rosary that full of mystery
Motto in life: Time is Gold
Dedication: JAPAN Just Always Pray At Night

Friday, August 21, 2009

Mag bati tayo... bati-an portion

Dahil hindi naman ako artista para bumati sa TV eto ang naisip kong paraan para batiin ang mga mahal ko sa buhay. in 30 seconds lang...
timer starts now!

Hi sa mga ka-officemate ko sa Philippine Veterans Bank hindi na kayo makakapag Facebook sa oras ng trabaho promis.
Hello Nay, Tay, at sa nagiisa kong kapatid na si Cathy.
Hello sa mga classmate ko nung Elementary, Highschool at College.
Hello din sa mga kasama ko kanina sa photoshoot...Frameshots. Ang gagaling nyo!
Hello sa mga tambay sa lugar namin, dyan lang kayo ah
Hello din sa mga chismosang kapitbahay dyan lang din kayo bwiseeeeeet!
Binabati ko din si Rodel, Carl, Chris A., Erwin at Pervie sila yung kasama ko lagi maglunch. Yung softdrinks wag nyo kalimutan
Hello sa lahat ng mga kaibigan ko.
At sa nagbabasa nito Hello din sayo.

Time na po!

Monday, August 3, 2009

Bakit

Bakit ako sinalubong ng malakas na hangin na may pabugso-bugsong ulan kanina?
Bakit may nakangiting matabang lalake sa akin na feeling kilala nya ako, e diko naman sya kilala... at kahit anong restore ko ng memory di ko sya talaga kilala.
Bakit walang pila sa FX?
Bakit may nakasabay akong maganda sa FX?
Bakit may nakasabay silang pogi sa FX?
Bakit masyadong matrapik sa makati? -ganito kami lagi sa makati
Bakit lagi akong late? -tinatanong pa ba yan
Bakit sa buendia matinding ulan, sa makati maaraw?
Bakit abnormal na ang panahon? -tulad ko
Bakit umaaraw umuuulan? -rivermaya
Bakit 25years bago magreply ang bago kong dentist? -thanks at inantay nya ako kahit 730pm na
Bakit lowbat ang kakacharge ko palang na battery?
Bakit mabagal ang internet sa opisina? -saan ba ang problema
Bakit mali ang horoscope ko for the day?
Bakit ayaw magpatalo ni Mo Twister sa caller nya?
Bakit labis kitang mahal ang pinatutugtog ni chris acosta?
Bakit ngayon ka lang dumating ang sunod na kanta
Bakit ako nagpost ng blog ngayon? -kasi mabilis ang internet
Bakit elevator, paano na yung pababa... delevator
Bakit escalator, paano na yung pababa... descalator
Bakit building parin ang tawag kahit tapos na gawin ang building
Bakit ang initial reaction ng katabi kong babae kanina kapag nagugulat sya "Ay PUKE!" -ako naman "Saan?"
Bakit may nagtanong ng pinaka malupet na tanong "Bakit ako ginawa ng Diyos tapos parurusahan lang din sa dulo kapalit ng mga nagawa ko dito sa lupa eh unang una di ko naman hiniling sa kanya na gawin nya ako?"

Bakit nga ba?

Monday, May 18, 2009

Madalas ko syang makasabay sa LRT, malayo palang kitang-kita mo na sya dahil sa puti at kinis ng kutis nya, para syang glow in the dark. At dahil may girls at mens area ang LRT hindi ko sya nakakatabi hanggang tingin nalang ako. Pero di ko alam kung bakit ngayong araw ay nasa mens area sya, maaring sobrang dami ang tao sa girls area kaya lumipat sya dito, o dahil nakita nya ako (*wapak asa pa!) wala naman kasi syang kasamang lalake sya lang magisa -bakit sya nandito?.

Nilapitan ko sya... malapit na malapit at wow ang bango parang ayoko na umalis sa tabi nya. Parang nawala ang antok ko nung oras na yun. Sobrang ganda nya sa malapitan, mahaba ang kanyang buhok at maamo ang kanyang mga mata. Infatuation ba 'to o Love? ambilis naman kasi kung sasabihin kong inlove ako agad ng di ko pa sya nakakausap.Pero nung dumating na ang tren, nawala na sya bigla sa isip ko, handa na ko makipag tulakan at makipagsiksikan dahil malalate nanaman ako.

Dahil three times champion ako sa Trip to jerusalem nung elementary, mabilis ako nakaupo. "Sa wakas makakaidlip ako ng sandali" ang sabi ko sa sarili, pero nung nakita ko sya bigla akong napasalita ng "Miss dito kana" sabay pa-cute, hindi ko alam kung instinct ko ba yun o dahil sa kinain kong almusal. Bihira kasi ako magpaupo maliban nalang kung matanda at disabled. Maraming bagay ang hindi ko alam bakit ko ginagawa ngayon parang automatic ang lahat.

Biglang pumasok sa isip ko ang itsura ko, hindi ba ako mukhang antok? inaantok? may muta ba ang mata? Maayos ba ang buhok ko? nalimutan ko ba maglagay ng pabango o baka oily ang face ko?. Kaya kinuha ko ang panyo ko sa bulsa, at sa kasamaang palad nahulog ito. Mabilis kong dinampot, hindi ko alam na dinampot nya rin pala, ayun nagka-untugan kami. Pero imbes na masaktan, parehas kami nangiti at natawa. At dun na nagsimula ang makulay na mga oras ng buhay ko. Para akong nakasinghot ng katol. Panalo!

Draegon Keytol lahmowk seygoradohng tehypowk
- American cowboy na nagpupumilit managalog

***

Parehas kaming bumaba sa Gil Puyat station pero after nun di na kami nagkita dahil sa dami ng tao. At kahit anong lingon ko e di ko na talaga sya makita. Badtrip! di ko man lang pala natanong ang pangalan nya bwiseet! speechless o may daga sa dibdib ko? "Nextym nalang" yan ang nasa isip ko.

Ilang araw ko din syang tinityempuhang makasabay pero talagang mailap ang panahon, sadyang di ko na sya nakikita mula nung araw na yun. Hindi na ako umasa pa at tuluyan ko na syang kinalimutan na makita pa. Ang senti ko noh pero di totoo yan, ako pa! umaasa at patuloy na umaasa na magkikita pa kami hanggang isang araw nung late na ako umuwi galing trabaho muli ko syang nakasabay sa LRT at ang malufet pa nito katabi ko sya. Feeling ko hindi nya na ako matandaan kaya naman ginamit ko ang 'Para-paraan move'

Dagdag kaalaman:
Para-paraan move
= eto ang move na ginagamit kapag tingin mo hindi ka napapansin ng taong gusto mo mapansin ka. Simple lang gawin ito, magisip ka ng kung anong bagay na pwede mo itanong o gawin para mapansin ka. Ang mga taong gumagawa nito ay natatawag na 'Papampam'

***

Tinanong ko sya kung anong oras na, kahit may orasan ang cellphone ko. Nakangiti syang sumagot "alas-otso" lalo tuloy gumanda ang gabi ko nang makita ko syang ngumiti. "ahhmm... kaw ba yung nakasabay ko dati sa LRT na nakauntugan ko?" follow-up na banat yan. At sumagot "Ay, oo natatandaan mo pa yun?!" At dito na nagsimula ang matamis naming conversation...


Teka saan ba ang exit dito? na trap ako sa puso mo.


Mabilis ang tibok ng aking puso nung time na yun kaya kahit pagod na ako at toxic eh pilit parin ako nagpapacute. Ewan ko lang kung nahahalata nya yun. Hindi naman sya suplada, infact masaya syang kakwentuhan. Parang ayoko na nga huminto pa ang Tren kung pwede lang.
Sabay kaming bumaba ng Monumento Station at tinanong ko kung saan sya umuuuwi ang tanging sagot nya lang sa akin ay "Dito lang". At bigla syang nawala sa paningin ko. Pinilit kong hanapin sya pero sa sobrang dami ng taong naguunahang makalabas, hindi ko sya nakita, maaring natulak narin sya palabas at hinahanap din ako. Ang malas ko nga naman talaga sayang ang effort at para-paraan move. Tsk! Tsk! Pero di bale nakuha ko naman ang cellphone nya este cellphone number nya.

Mula nung araw na yun madalas ko na syang nakakatext. Umaga, hapon at gabi walang patid na kamustahan at send ng mga quotes at jokes. Kaya kahit hindi ko na sya nakakasabay sa Tren feeling ko katabi ko parin sya. Salamat sa nag imbento ng Cellphone.

Isang araw naisipan ko syang sabayan sa Tren at tinanong kung anong oras sya nanduon, mabilis naman syang pumayag na sabayan ko. Magkahalong saya at excited ang nararamdaman ko habang bumabyahe patungong LRT. At pagdating duon muli kong nakita ang kanyang kagandahan. Nakasinghot nanaman ako ng katol. This time hindi na sya makakawala sa paningin ko. Sinabi ko sakanya na nais ko syang ihatid sa kanilang bahay, pero tumanggi sya nung una. At dahil sa mapilit talaga ako... tatlo at apat na pagpupumilit, napilitan narin sya. Pagdating ng Monumento station sabay kaming bumaba siksikan nanaman ang eksena pero ang sabi ko nga di na sya makakawala pa sa paningin ko. Nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ko at mabilis na hinatak papalabas. Ang lambot ng kanyang kamay at ang bango amuy Ethyl alcohol (biro lang, pero promis ambango). Sa sobrang tuwa ko na magkahawak kami ng kamay hindi ko namalayan na naglalakad na pala kami sa lugar nila. Magaganda ang mga bahay at puno ng ilaw, para kang nasa Disneyland. Ilang minuto pa at narating na namin ang gate ng bahay nila. Napakalaki nito at pagpasok sa loob isang napakagandang bahay ang bumungad sa aking paningin. Medyo nahiya ako dahil ang yaman pala nila parang nakakahiyang tumapak sa loob ng bahay.

Bago kami pumasok sa loob ng bahay kinausap nya ako na wag daw ako kakain ng anuman kahit alukin pa ako. Medyo sumama ang tingin ko sa kanya, ano tingin nya sa akin patay gutom? well wishingwell sa 5 star hotel kaya ako nagaalmusal (joke lang). Pagpasok sa loob ng bahay agad kaming sinalubong ng magulang at mga kaibigan nya, pinakilala nya ako bilang bago nyang kaibigan. May kasiyahan pala sa loob ng bahay, parang JSProm nakabihis ng magagara ang lahat, nakakahiya talaga ang itsura ko, pero dibale sabi nga ng nanay ko "dibale nang madungis wag lang panget".

Sadali syang nagpaalam sa akin upang magpalit ng damit. At sa mga sandaling yun patuloy ako sa pagkamanghang sa mga nakikita ko. Malalaking chandelier at mamahaling mga gamit na sa pelikula ko lang nakikita. Mula sa hagdanan sandaling akong napatigil na napatulala, para syang isang anghel sa kanyang suot at feeling ko susunduin nya na ako patungong langit. Kung ganito lang ang susundo sa akin malamang wala nako ngayon. Isang lalake ang bumasag sa aking kahibangan, inalok nya ako ng makakain habang todo emote ako sa pagkakatitig sa kanya. Gusto ko gulpihin at pulbusin ang dibdib sa suntok ang lalakeng yun, pero nung makita ko, malaki pala sya at pumuputok ang maskels sa laki. Tiyak sasakit ang BRABABINTAWAN ko sa oras na gawin ko yun. Kaya kumuha nalang ako ng isang pirasong tinapay at tinikman ko, masarap parang krispy kreme, sumunod nito inalok nya naman ako ng alak. Tinikman ko ito pero hindi ko malasahan kaya muli akong kumuha, pero hindi parin.. tatlo, apat, lima wala talaga!

Mayamaya lumapit sya sa akin at tinanong kung kumain ba ako ng pagkain, muli bumalik sa aking alaala na hindi nga pala nya ako pinapakain ng anuman mula sa handa nila. "Nabigla lang ako" defensive kong sagot. Hinatak nya ako palabas habang ang lahat ay nakatingin sa akin ng masama at nanlilisik. Habang tumatakbo kami tinanong ko sya kung bakit. "Alam na nila na hindi ka namin kauri" may halong kaba ang kanyang pagsagot at ramdam ko yun sa mga higpit ng hawak nya. Paglingon ko sa likuran marami na ang humahabol sa amin, hindi ko maaninag sa sobrang dilim, pero tinitiyak ko na kamatayan kung sakaling maabutan nila ako. Madulas na malambot ang daan dahil sa mga nahulog na dahon at maulan na pahahon. Pagod nko kakatakbo pero patuloy parin kami at patuloy parin sila sa paghabol naririnig ko na malapit na malapit na sila sa akin. Mga ugol ng leon na gutom na gutom at sabik na sa muling pagkain. Nakarating kami sa isang lugar na medyo maliwanag at dito nya ako niyakap sabay nagpaalam at nagpasalamat sa mga masasayang sandali.Ganun din ako na halos ayoko na syang bitawan, pero tinulak nya ako dahil paparating na ang mga humahabol sa amin. Tumulo ang kanyang luha habang nagpapaalam hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandaling yun at patuloy na sinisisi ang sarili....


"Hoy! Gising na boy, Monumento na!" sabi ng isang security guard na malaki ang maskels. "Kanina ka pa nga namin ginigising ang sarap ng tulog mo!" dagdag ng friday cleaners sa LRT




======================================================
Question and Answer portion:

Question: Ano po ba ang pamagat?
Answer: Wala pa akong maisip na maganda sa ngayon, baka may masusuggest ka email mo lang sa orthochild@yahoo.com at kung sakaling ang entry mo ang maswerteng mapipili, ikaw ay maguuwi ng isang sakong rice na luto na.

Question: Ano po ang pangalan ng babae sa kwento nyo?
Answer: Bebang. Kaya lang di pa sya sikat malalaos na. Kaya di ko na nilagyan ng pangalan ang sagwa kasi.

Question: Inlab po ba kayo habang ginagawa nyo ang kwentong yan?
Answer: Hindi. Brokenhearted ako... Pakelam mo ba? chismosa ka!

Question: Gagawa ka pa ba ng isang maikling kwento matapos nito?
Answer: Hindi na, tama na yan!

Question: Can i get your number?
Answer: Bwiseeeeet!
======================================================

Monday, April 13, 2009

Meaningless Vacation

Maligo
Kumain
Matulog
Magtext
Mangulet
Magpagod
Tumambay
Manuod ng TV
Mag-swimming
Makipag-inuman
Magbasa ng libro
Maglaro ng Basketball
Meaningless di ba?
tapos mainit pa sa bahay
namimiss ko talaga ang OPISINA
hindi ang maraming trabaho at overtime
kundi ang AIRCON.

Tuesday, April 7, 2009

Congrats Dustin & Cynthia

Congratulation sa mga ka-batch ko nung high school na pumasa sa 2008 bar exam at sa mga papasa palang Goodluck and Godbless.
"Huwag magasawa ng maaga, nang di maabala"

Madalas ako manuod ng "That's My Boy" at "Little Ms. Philippines" sa EAT BULAGA, at heto ang madalas sabihin ng mga bata tuwing tinatanong sila ni Vic Sotto at Joey De Leon kung ano ba ang gusto nila maging paglaki:
"Gusto ko maging Doktor, dahil gusto ko makatulong sa mga may sakit!"
"Gusto ko maging Abogado, dahil gusto ko makatulong sa mga naaapi"
Madali para sa mga bata ang sabihin ang salitang eto, pero sa tulad ko, tulad mo na polluted na ang utak na kailangan narin siguro ng Brain Hour. Mahirap gawin ang salitang eto.
Makatulong? o Magkapera?
Tsk! Tsk!
Shutdown muna ang brain for 1 hour baka sakaling bumalik ulit sa dati... TABULARASA

Sample Flowchart

Pindutin para lumaki (sagwa pakinggan, english nalang)
Click the image to enlarge.


Tuesday, March 31, 2009

About the author

Isang simpleng tao na nangangarap maging host ng isang travel show, manunulat, musikero, artista porn, DJ, VJ, Direktor at makagawa ng isang indie-film at documentary. Mahilig umakyat ng bundok, magpunta sa ibat-ibang lugar, kumuha ng larawan at makipagkaibigan. Idol nya mula pa nung bata ang The Beatles, hindi maipaliwanag kung bakit. Maaring gusto nya lang ang musika nila. Isinilang at lumaki sa Dagat-dagatan, Malabon City, dito kung saan nahubog ang katalinuhan, katarantaduhan, kalokohan, at kagaguhan. Inshort buong pagkatao nya.

Preschool
School: Day Care Center
Nagsimula pumasok sa eskwelahan sa edad na apat na taon, tinawag syang saling-pusa dahil hindi naman talaga pagaaral ang pakay, kundi manggulo ng mga nagaaral.
Edad na limang taon.... eto na nagaral na sya, dito nya natutunan kung paano isulat at basahin ang mga alphabeto. Nakilala nya rin ang ibat-ibang kulay at natutong gumuhit sa pader . Paborito nya ang palabas na Batibot, lalong-lalo na ang mga kwento ni kuya bodgie at ate shienna. Unang performance nya ay ang gayahin ang pelikula ni sharon cuneta ang "pasan ko ang daigdig" sa loob ng eskwelahan at sumayaw habang kumakanta ng Gary V song "Di bale nalang kaya"

Gradeschool
School: Imelda Elementary School
Anim na taon, isa sa pinaka-batang magaaral para sa Grade1. Muntik na syang hindi payagan, ngunit, datapwat, subalit naipasa nya ang entrance exam at marunong na magbasa, nakalusot at pinayagan narin. Mula Grade1 hanggang Grade6 hindi sya naalis sa section 1 Mayabang sya Hindi sya matalino pero hindi rin naman bobo. Lagi syang Friday Cleaners dahil sa unang titik ng kanyang apelyido. Paborito nya ang magtapon ng basura dahil nakakapaglakwatsa sya habang itinatapon ang basura sa likod ng eskwelahan. Hate nya ang magbunot kasi nakakapagod.

Highschool
School: Westminster High School
Isang Chinese-Christian School ang napasukan nya. 1st year may chinese language subject sya at dahil hindi nya naman ito pinagtuonan ng pansin BAGSAK. Pero okey lang yun, hindi naman kailangan balikan at i-summer ang subject na 'to, strategy lang ng school para kumita. Naging paborito nya ang mga musika ng eraserhead dahil sa impluwensya ng klasmate nya at sa biniling tape ng tatay nya.

College
School: AMA Computer College - Caloocan
Hindi nya alam kung paano sya napunta sa eskwelahan na 'to. Basta nalang kasi sya nagexam dito kasama ang dalawa nyang katropa nung highskul. tsk! tsk! pangarap nya makapag-aral sa Unibersidang ng Pilipinas pero di nya nagawang magexam duon. Dahil tuwing magpapaalam sa highskul teacher nya na mageexam at magaaply sa mga school e nagcucuting lang silang tatlo ng tropa nya. Tinapos nya ang kursong Computer Engineering sa tulong ng PVAO Scholarship (Phil. Veterans Affairs Office). sa awa ng Maykapal.
At sa kasalukuyan sya ngayon ay nagtratrabaho na para gumawa ng blog sa WAKAS.

Monday, March 30, 2009

Congratulation Graduates Graduate ka na!

Tuwing Marso hindi na bago sa ating mga pinoy ang makakita ng "Congratulation Graduates" mula sa mga walang kwentang politiko. Nakasabit ito sa Kalsada, eskwelahan, simbahan, pedestrian crossing, beer house, hotel, motel at kung saan-saan basta maraming tao makakakita kahit sa lugar na wala silang pakealam sa mga gragraduate.Ang importante e makita ang picture at pangalan ng politikong bumabati.Kung papansinin mo ang mga tarpaulin na 'to lalo kang mabubwiset, dahil masmalaki pa ang pangalan ng politikosa mga pagbati nito. Nakahilatsa din dyan ang pagmumukha nila na naka-ngiti na parang di kayang gumawa ng kasalanan.
Parang ganito:


Hindi lang naman tuwing graduation nagkakaroon ng ganitong mga pagbati ang mga politiko. Sa lahat ng okasyon present din ang pagbati nila. "Merry Christmas and Happy New Year" "Happy Fiesta" "Welcome Alumni" "Happy Birthday" etc-etc... Lahat ng pwede batiin binabati nila kahit siguro bagong tuli "Congratulations to the newly circumsize"
Mahirap talaga pumili ng iboboto, kasi nga naman hindi pa eleksyon patuloy na sila sa pandaraya. Hindi man tahasan na pangangampanya ito e ganun narin ang ibig sabihin nila dito. Hindi naman siguro tayo mga munting bata na walang alam at madali nilang maloloko.
Ang sakit ng lipunan ay malala na pero patuloy parin tayo sa paghahanap ng lunas dito kaya kung sino-sino ang nais natin ihalal na nagbabakasakali na sila ang gamot. Kung gusto mo lumakas ang liver mo, liveraid. Para gumanda ang eyesight, Optine araw araw. Para pumuti, Metathione. Para pumayat ng walang kahirap-hirap, Fit&Right. Mataas ang sugarlevel, ampalaya plus. Sakit sa puso, Heartvit.

Lahat ng ito ay may nakasulat na "No approved Therapeutic Claims" meaning walang matibay na ebidensya na nakakapagpagaling nga ito, gayun pa man marami parin ang nagtitiwala at nagbabakasakaling mapagaling ang karamdaman nila sa paginum nito. Ganito rin ang pagbabakasakali natin na masolusyunan ang sakit ng lipunan, yun nga lang marami talaga ang mapagsamantala. Tsk! Tsk!

Thursday, March 26, 2009

Acupuncture

Sa mga masugid, masipag, matiisin at walang trabaho sa opisina kundi magbasa ng blog eto nagblog na ulit ako...
Late na ako umuwi kahapon siguro 9:20pm na at siguradong wala nang byaheng LRT ng ganitong oras. Second option ko ay ang FX from Gil Puyat to Monumento via C3 road. Kamahalan nga lang kung dito ako sasakay dahil 40pesos ang pamasahe tapos pagbaba ko ng C3 no choice kundi magspecial ng Tricycle papunta sa mismong bahay namin. Kung susumahin 75pesos lahat kamahalan di ba? kasama na dyan ang Bus from makati to Gil Puyat, compare kung aabutan ko ang LRT, 41 pesos lang. Pero hindi importante yan sa kwento ko ngayon wala lang gusto ko lang sabihin at wala ka nang pakealam blog ko 'to!
Pagsakay ko sa FX para kaming sardinas (hindi ko alam kung pwede pang gamiting ang sawikain na ito kasi napansin ko hindi na siksik ang sardinas ngayon. Its getting bigger and bigger... pero lata lang!). 3 ang nasa harap including ang driver, apat ang sa gitna (ako yung pangalawa sa gitna, at apat din sa hulihan. Siksikan di ba? Sumagot ka!
Okey eto ang nangyari habang umaandar ang FX.....
Dahil late na nga, medyo inaantok na ang lahat maliban sa driver (wag naman sana di ko pa nakikita ang panganay ko) nagulat ako dahil parang may tumutusok sa kaliwang balikat ko masakit parang karayum na marami kaya naman napalingon ako pakaliwa at sakto!!! natutulog ang katabi ko na naka bukas ang bibig, at nung paglingon ko halos mahalikan ko. Sheeet!!! tapat na tapat ang ilong ko sa bibig nya, nagising ako bigla, kung alam mo yung feeling ng nakasinghot ng Mighty Bond parang ganun gumuguhit mula ilong, lalamunan at hanggang utak wheeeww... amuy ebak promis at ang tumutusok sa balikat ko e yung balbas nya na parang Acupuncture lang. Masakit na nakakakiliti na nakakainis na parang gusto ko syang ututan bilang ganti.
Sabi dati ng teacher ko nung highschool kapag pinigil mo daw ang utot mo sa bibig daw ito lalabas, pero di ako sangayon sa mga sinabi nya na yun, gusto ko sana magconduct pa kami ng isang laboratory test kung totoo ba ito, pero wala hindi nya kaya itong patunayan. minsan kasi pinigil ko ang utot ko at inamuy ko ang hininga ko, pero hindi naman ito amuy utot. I therefore conclude mali ang mga sinasabi nya, pero kahapon parang nagdadalawang isip na ako kung totoo ba ito.
Umabot halos isang oras ang byahe ganun din ang sakripisyong ginawa ko, parang napaaga ata ang pagsasakripisyong ginawa ko, malayo pa ang semanasanta ang alam ko April pa yun, advance naman 'to.

Isa ka dito: