Tuesday, January 12, 2010

Gusto ko ulitin

Iba na talaga ang buhay ko ngayon kumpara nung bata pa ako. Bata parin naman ako ngayon, ayoko lang talaga magcompute ng edad ko lumalaki lang ang galit ko sa Math. Nasa kalendaryo pa naman ako, hindi tulad ng ibang nagbabasa ng blog ko wala na. Pero wag kayo mag-alala may Bingo pa, hanggang 75 yun.

Sabi nga nila ang pagiging bata ay ang pinakamasayang stages sa buhay ng tao. Malaya kang gawin ang lahat nang walang iniisip na problema. Ang lahat ay laro lamang.

Matagal ko nang hindi nagagawang ang humalakhak kasama ang mga kaibigan habang nagpapagulong sa damuhan. Nagtatawanan sa walang kwentang bagay na hindi alam kung bakit nga ba (bakit nga ba?). Tanging ang mura naming isip lang ang makakapagpapaliwanag na hindi ko na taglay ngayon.

Madalas ako maglaro sa ulan at kahit pa sa maduduming tubig ng estero wala akong pakealam, ang alam ko lang masaya ako!. Paguwi ng bahay pawisan sa maghapong takbuhan at puro dumi ang damit sabay salubong sa sermon ni nanay. "Ang dumi-dumi mo nanaman! kakaligo mo lang kanina ah!"
Hindi pa uso nuon ang downy isang banlaw kaya bumubula ako sa sermon. Pasok sa kanang tenga labas sa kaliwang tenga.. ganun lang kasimple tanggapin ang sermon. Di tulad ngayon.

Isa pa sa kinagagalit ni nanay ay ang hindi ko pagtulog sa hapon dahil ito ang prime time ng paglalaro namin. Madalas akong tumakas kahit nakakandado ang gate parang si tiyagong akyat kabisado ko kahit nakapikit ang bakod namin, tamang paglukso at paglapag na walang tunog na maririnig.

Kalog at tansing ang paborito ko at ang paglalabanan namin ay balat ng kendi, tansan at sigarilyo. Kapag ang items mo ay kakaiba yung tipong hard to find mataas ang value nito. Kaya naman kung saan saan kami napupunta hanggang makaabot sa pagawaan ng patis at toyo. Medyo malayo na ito pero wala kaming pakealam saan mang sulok yan makakuha lang ng hard to find tansan at balat ng kendi.

Madami rin akong kalokohan nuon, tiyak na di mo mabibilang at kung pwde lang siguro mabilanggo ang bata e tiyak nasa kulungan nako ngayon. Nandyan yung binansagan namin na "storm" yung matandang maputi ang buhok. Galit na galit sya sa batang maiingay tulad namin. Lalabas sya sa bahay para sermunan kami na waepek naman sa amin at lalo pa kaming magiingay sabay takbo at tago. Maya maya muling lalabas at magiinggay ulit. Nangaasar kumbaga. Buti nalang at walang sakit si Storm at di namin sya napatay sa kunsimisyon. Pero balita ko patay na sya ilang taon na din dahil sa katandaan. Sumalangit nawa at patawad po.
Ilang beses ko din nilagyan ng thumbtask ang upuan ng klasmate ko na hanggang ngayon di nila alam na ako ang may sala. Nilagyan din namin ng mga basura ang bag ng klasmate ko, tinanggal namin yung libro at notebook na di nya pansin sabay uwi. Kinabukasan galit na galit hinahanap yung notebook at libro dahil nasermunan daw sya bakit puro kalat ang nasa bag nya paguwi. Ayun wala syang assignment. Parehas na kami. Lamang lang ako dahil dala ko ang libro at notebook sa bahay tamad lang talaga gumawa ng assignment. Naidrawing ko din ang teacher ko na naka bikini sabay kusot at tapon sa basurahan hahahahaha. Binilang ko din ang manerismo ng teacher ko na "Okey... okey class ganito yan!" morethan 40 times nya itong binabangit sa klase -everyday namin itong binibilang. Maswerte pa sya at di namin binibilang yung talsik ng laway nya. Kaya siguro yung klasmate ko sa harap laging may facetowel at lumalabas after ng subject, siguro maghugas ng mukha.

Ang saya sobra.

Hindi tulad ngayon kailangan mong problemahin lahat mula sa isusuot mong damit, pantalon, hairstyle, pati load ng cellphone, Depektibong Gelpren/Boypren, Naglalakihang pores at hindi maubos na tigyawat at maramin pang iba na hindi ko kayang isulat sa dami....

Wednesday, January 6, 2010

Eksena ni Nobita at Doraemon

Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal

Thursday, December 17, 2009

QuizBox

Isang kaibigan ang nagsabing puntahan ko daw ang site na eto http://www.quizbox.com/ medyo kinabahan ako kasi quiz nanaman, sawang sawa na ako kaka-quiz mula kinder hanggang magapply ako ng trabaho. Buti nalang ibang klaseng quiz 'to, medyo madali lang sagutin di na kailangan ng kodigo.
Paksyet!!! Nakakagulat! after kong sagutan ang Quiz binigay nya ang sagot tungkol sa sarili ko na halos lahat tama.


Your view on yourself:
You are down-to-earth and people like you because you are so straightforward. You are an efficient problem solver because you will listen to both sides of an argument before making a decision that usually appeals to both parties.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:
You like serious, smart and determined people. You don't judge a book by its cover, so good-looking people aren't necessarily your style. This makes you an attractive person in many people's eyes.

Your readiness to commit to a relationship:
You prefer to get to know a person very well before deciding whether you will commit to the relationship.

The seriousness of your love:
Your have very sensible tactics when approaching the opposite sex. In many ways people find your straightforwardness attractive, so you will find yourself with plenty of dates.

Your views on education
Education is less important than the real world out there, away from the classroom. Deep inside you want to start working, earning money and living on your own.

The right job for you:
You're a practical person and will choose a secure job with a steady income. Knowing what you like to do is important. Find a regular job doing just that and you'll be set for life.

How do you view success:
You are confident that you will be successful in your chosen career and nothing will stop you from trying.

What are you most afraid of:
You are afraid of things that you cannot control. Sometimes you show your anger to cover up how you feel.

Who is your true self:
You are full of energy and confidence. You are unpredictable, with moods changing as quickly as an ocean. You might occasionally be calm and still, but never for long.

Sunday, December 13, 2009

Textmate

It’s never nice when you forget the things you’re suppose to remember, But it feels worse when you remember the things you’re supposed to forget...”


Ginising ako ng isang malakas na tunog ng cellphone, halos mahulog ako sa kama kakamadaling silipin kung sino ang nagtext. Paksyet napapraning nanaman ako, walang message ang cellphone ko at saan galing ang narinig kong tunog? Tsk! Tsk!. Akala ko tuluyan na kitang nalimutan, hindi pala. Inaasahan ko na babatiin mo ako ng Happy Birthday sa text, tulad ng madalas mong ginagawa noon tuwing sasapit ang aking kaarawan.

Ito na yata ang pinaka malungkot kong kaarawan bukod sa wala ka, wala rin akong pera. Ang hirap pala magmove-on feeling ko sasabog ang dibdib ko sa lungkot at hindi ko kayang gawin ang mga bagay na wala ka. Alam mo ba na parusa para sa akin ang bawat tunog ng cellphone ko, kasi inaasahan ko parin ang text message mo at muling marinig ang inosente mong halakhak mula sa mga korni kong jokes.

Ang pag-ibig parang elevator. Kung puno na bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo gayung meron namang hagdanan?
…..Hindi mo lang pinapansin


Naisip ko (nagamit din sa wakas) na hindi ko na dapat ikahon at ipagsiksikan ang sarili ko sayo. Dehydrated nako kakaiyak maghapon at wala namang nanyayari. Sabi nga nila, marami namang iba dyan na naghahabol sa ka-gwapuhang ko, bakit di ko sila pagbigyan ngayon.

May tama sila! Kung sino man kayo… maraming salamat

December 24, 2008 bisperas ng pasko. Hindi ko malilimutan ang araw na ‘to dahil ito ang araw na una kaming nagkakilala.. Madalas ko na syang makita nuon kasama ng mga kabarkada ko pero hindi ko sya pinapansin lalo na’t kasama kita. Takot kasi ako sayo hindi mo lang alam.

Sa mga sandaling pagsasama namin ay agad nahulog ang loob ko sa kanya, at mula nuon naging malapit kami sa isat-isa. Madalas kami magkasama mula umaga hanggang gabi. Binago nya ang takbo ng buhay ko. Lalo na nung panahong nangungulila ako sayo. Siya ang naging karamay ko, tinuruan nya akong makalimot at maging manhid sa mga problema.

Habang tumatagal hindi ko alam kung gusto ko na sya o ginagawa ko lang syang dahilan. Maraming may gusto sa kanya hindi lang ako at bago pa sya dumating sa buhay ko alam kong hindi ko sya pwedeng angkinin at ipagmalaki na akin.

Sa totoo lang sya ngayon ang dahilan bakit madalas ang aking pagluha… nagiging emosyonal ako sa tuwing kasama sya at hindi mapigilan ilabas ang tunay na nararamdaman.


Sya nga pala si Red Horse ang nagbigay sa aking ng lakas ng loob para kalimutan ka.

“I LOVE YOU REDHORSE” Send this to 20 of your alcoholic friends and an INUMAN will happen later! Para maiba naman, hindi yung puro nalang miracle.

Tuesday, December 1, 2009

BIRD MO! BIRD KO! BIRD NATIN 'TO

Wala akong magawa sa araw na ito kaya naman pinagtripan ko ang mspaint ng windows. Sinubukan ko magdrawing ng bird at Kulayan ito gamit ang mouse.
Heto ang kinalabasan:



Maituturing kong isang obramaesta ang ginawa kong ito. Ginugol ko sa paggawa nito ang mga oras na tinatamad ako sa trabaho at ang imahinasyon ko. Isa itong pagkondena sa paglapastangan sa mga bird na walang kamalay-malay na kinukulayan ang balahibo para magmukhang Lady Gaga.

Kadalasan makikita ang mga bird na ito sa tapat ng elementary school(dahil mas madaling maloko ang bata) at sa simbahan (dahil madaling maloko ang walang kasalanan). Nakakulong ang ibat-ibang colored bird sa isang masikip na lalagyan at sa ibabaw nito ay isang game board. kung swerte kang manalo sa laro na 'to tiyak na mauuwi mo ang bird of your choice. Pero sigurado akong hindi ka mananalo, dahil madadaya ang GameMaster nito.

Tsk! Tsk! kawawang bird... dahil sobrang siksikan sila sa kahilang
selda, hindi maiwasan na oras-oras-minu-minuto may stampede na nagaganap at ang mahina ay tiyak na dedbol at pagpipyestahan ng langgam.

Gamemaster: Put@ng!na tatlong araw na pala itong di kumakain

Narinig ko yan dati mula kay manong gamemaster habang tinitingnan
nya kung bakit di na halos gumagalaw ang bird nya.

IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA BIRD.
BIRD MO! BIRD KO! BIRD NATIN 'TO

Thursday, November 19, 2009

Alay na tula para sa aking mahal

*****************************************************
Matagal na din ako hindi nakakapag-update ng blog...
sensya na busy lang po!
*****************************************************
Alay na tula para sa aking mahal


Sa araw-araw na kapiling ka
Tingin ko mahal na kita
Walang makakapigil sa akin
Maging sino man ay hahamakin

Sa tatlumpong minutong pagsasama
Pakiramdam ko buong araw na
Hindi ko na yata kaya
Ang Araw na wala ka

Ako'y handang maghintay
Ilang ulit mo man ako iwan
Kahit ipagtulakan
Sarili'y ipagsisiksikan

Alam kong marami akong kaagaw sayo
At kailan man hindi ka magiging akin
Gayunpaman Hindi ako marunong sumuko
Lalo na't may nakita akong puwang sayo

I love you LRT!

Monday, October 5, 2009

Sentimyento (Mula sa text)

“Kung ginalingan mo ang pagsupsop habang matigas pa ako, hindi ka malalagkitan o magkakatulo! Mabagal kang kumilos!Mabagal ka! Mabagaaal!!”
-ice candy


“Ikaw kaya nasa kalagayan ko?Cge nga.. mghapon kng mgaalaga at mgbi2bit ng di mu kaanuanu.. npakainit pa.. tpos pgayaw n sau kun san san k p ibabato.”
- brief


“Bakt ba ako lage pinag-iinitan nyo?!”
-takure


“Ako na ang ntapakan,kaw pa i2ng galit.”
-tae


“i am a butterfly.. a pretty small brown butterfly..”
- baklang iPis nag-Eemote..


“Hindi masarap ang Ketchup”
-Mang Tomas


‘Ang tagal na natin nagsama! Hindi naghiwalay! Natuto ka lang mag-mouthwash, pinalayas mo na ako. Yabang mo!’
- BAD BREATH (galit)


wag m0 k0ng dungawin, ndi ako bintana!
-cleavage.


“HAPPINESS is not found at the end of the road… It is experienced everytime you make a sudden turn!”
- Victoria Court


Hanggang kailan ako maghihintay?
-waiting shed


“gudlak sa pangarap nyo! Kng ang pangarap ko nga d natupad pangarap nyo pa kaya!”
-pichay- *bitter*


tulong! naiipit ako!
-Tback


“Hindi lahat ng party ay nkpgpapasaya”
-third party

Isa ka dito: