Tuesday, July 13, 2010

Sulat para kay EX

Dear Ex,

Kamusta? sana mas masaya ka ngayon kesa nung mag BF/GF tayo. Alam ko marami akong pagkukulang sayo nuon. Gayunpaman mahal na mahal mo parin ako.

Maraming salamat nga pala sa lahat ng pinagdaanan natin. Alam mo bang sobrang saya ko tuwing kasama ka. At yun ang bagay na hindi matutumbasan ng iba.

Alam ko din naman na naging masaya ka sa piling ko maski paano. Wag mong i-deny yan kasi ilang beses kita nahuling nakatitig sa akin. Medyo natakot ako sayo kasi naman kapag tinitigan mo ako para kang manyak! Gigil na gigil at anu mang oras handang kumagat, yun pala kinilig ka lang…

Pasensya na din sa kakulitan ko tuwing itetext kita ng Gudam! Gudafternun! Gudnyt! I love you sweetdreams! Muah muah muah (may kasamang emoticons) Wat gawa mo? kumain ka na ba? At sangkatutak na miscol kapag hindi ka nagreply dahil nagdodownload ka sa kubeta. Sa mga cheesy line ko sayo na kahit korni benta parin sayo. Hindi ko tuloy alam kung pinaplastik mo ako o mababaw ka lang talaga. Sorry pinanganak akong makulet.

Kung minsan para kang chicharon, nakakahighblood ka ambilis mo kasi mapikon ang akala kong debate lang natin nauuwi sa personalan hanggang sa hindi tayo magpansinan. Infairness naman sayo mabilis mawala ang galit mo konting lambing ko lang okey ka na.

Hindi sumagi sa isip ko na darating pala ang araw na ito
Ang araw na kinakatakot ko na hindi na tayo tatawagin mag syota.
Pero ganun talaga nagbabago ang panahon,

Ang pag-ibig parang ulan. Kung kelan di ka handa, saka bubuhos. Kahit magtago ka, mababasa ka. Kung kelan naman nag-eenjoy ka, saka naman titila at mawawala.

Natandaan mo pa ba ang text na ‘to? sana Oo

Nagmamahal,
Ang iyong asawa


9 comments:

phrench said...

love it bro.... galing... x-gf kasi asawa mo na sya.. whahahha.. kinilig ako dun.. hahaha...

Renz said...

ASTIG! akala ko sad ending na :)

Kura said...

ayiiii! mukang malapit ng makarating yan sa dapat puntahan a. Yan ba ang babasahin mo sa simbahan sa wedding day mo? ASTIG!

Chris aka C2 said...

fiction lang po mga sinusulat ko wag kayo maniwala sa akin, sinungaling po ako!

Abou said...

naks... hehe

ayos

uberjessicalopez said...

hanep

chilaxjukebox said...

best post i've read so far pre :)

ItsK.hearts♥ said...

Henep ! kakakilig namn :))
nice one po

Chris aka C2 said...

salamat

Isa ka dito: