Saturday, May 10, 2008

Tips sa mga walang pera pero gusto makipag-date

Mahirap na talga ang buhay ngayon. Kulang na ang supply ng bigas,kaya box-office hit ang PPA Rice. Ultimo vintage brief ng lolo mo e ibebenta mo na magkapera lang. Tapos papasok pa ang lovelife sa buhay mo, hindi mo naman ito mapipigilan dahil parte yan ng buhay. Kaya naman nangalap ako ng tips mula sa ibat-ibang tao kung paano makakatipid kapag makikipag date.

1.Magdasal bago ang lahat.Relihiyoso tayong mga pilipino kaya lahat ng bagay na ginagawa natin ay may kasamang dasalmaging pagtaya sa lotto, sabong, jueteng, at maniwala kayo sa hindi ang snatcher, holdaperat politiko nagdadasal bago gumawa ng kasalanan. Amen!Bumalik tayo sa topic. Kapag wala kang pera, gumising ng madaling araw. Tipong madalim pa ang paligid na halos wala kang makita. Ipikit mo lang ang iyong mata. Tandaan gawin itong walang nakakakita. Huminga ka ng malalim. Dahan-dahan mo idilat ang iyong mata. Presto!kung ano ang unang gamit na makita mo, ibenta mo. Isipin na papalitan mo din ito kapag nagkapera ka na.

2.Mag survey bago ka makipag-date. Alamin ang mga value meal. Kung may combo meal yun ang piliin. Isa alang-alang din ang lugar ng kakainan, mas ok kung sa medyo walang tao para makapag-usap naman kayo nang hindi nagsisigawan dahil baka tumalsik ang laway mo. Dyahe! minus 40pogi points yan.

3.Huwag magdala ng barya. Minsan ang mga tsuper tamad magcompute ng pamasahe, kaya mas ok sakanila yung sakto yung bayad."Wala ka bang barya? kalalabas ko lang e!". Kung suswertehinka at yung ka-date mo may bariya syempre libre kana. Wag kalimutan magsabi ng "salamat! mamaya magpapabarya nako..." (with smile ha)

4.Wag masyado maglaka-lakad. Kasi kapag napagod ang ka-date mo tiyak na magugutom yan.

5.IKwento mo yung mga bagong pelikula para mawalan sya ng gana panuorin ito. Pwede ka rin naman magibento ng istorya kahit di mo pa ito napapanuod. With action para talaga mawalanng gana!


sa mga gustong magbigay ng iba pang tips, mangyari po lamang mag email email: christopher.tano@gmail.com

Cool nga ba ang summer?

Cool nga ba ang summer? Hindi ko alam kung saan nanggaling ang bukambibig na yan,kasi hindi naman talaga cool ang summer. Summer nga, ibig sabihin mainit... ok lang sya?! Malamang ang nakaimbento ng salitang "cool ang summer" ay isang ibang klaseng nilalang na hindi kinakapitan ng init sa katawan. Maswerte sya at hindi nya na kailangan pa magsuot ng basahan shirt kapag summer. Ito yung damit na kulang na sa pansin, nakatago sa pinaka ilalim ng kabinet. Kandidato rin sa Basahan shirt yung mga damit na pinamimigay ng libre kapag pasko at ng mga kumakandito kapag eleksyon. Kadalasan kasi maninipis ang tela nito na halos pati
buhok mo sa katawan bakat (kung meron man).

Kapag ganitong panahon, talaga naman matindi ang sikat ng araw. Kung nasa beach ka, sigurado naka-kunot ang noo mo sa tindin ng liwanag na nakukuha ng iyong mga mata. Hindi ka mageenjoy kasi hindi mo matititigan ang mga babaeng naka two-piece! two-peace! o two-pieces? kasi morethan one di ba? swimsuit nalang. Kung babae ka naman, ganun din hindi ka mageenjoy hindi mo masyado makita ang wankata ng mga papa. Kaya para magenjoy masuot ka ng shades, proteksyon ito sa matinding liwanag ng araw. Hindi halata na titig na titig sa mga wankata ng bebot! at papa!

Nitong nakaraan buwan nagpunta ako sa beach. Napansin ko na hindi na balanse ang kalikasan, kasi marami nang bubuyog ang nagkalat sa dalampasigan. Pero hindi pala ito bubuyog, mga fashionista daw sila ayon sa isang bubuyog na nakausap ko. Ito ang uso ngayon dude!, sabi nya sa akin. Malamang napagiiwanan na nga ako, pero mas ok kung di ko susuutin yan kasi malamang hindi bubuyog ang kalalabasan ko kundi bangaw!

Senyales na summer na!
Kapag may nakita kang batang lalake na nakasuot ng palda.
Nauubos na ang dahon ng bayabas.
Apoy na ang ibinubuga ng electric fan.
Medyo tumaas ng 50% ang electric bill. Medyo pa lang yan!
Medyo tumaas din ang bill ng tubig.
Marami nang bubuyog sa beach. Kahit sa mall meron din.
Paiksian na ng suot. Panalo!
Nagsusulputan na ang tindahan ng halo-halo.
Mabenta ang ice candy.
Sports minded na ang mga SK.
May basketball league sa bawat baranggay. daming papabols!
Marami bading na nagkalat sa basketball court.
Hindi lang dreams ang wet, pati kilikili. ehehehe!


....to be continue! pagod nko magsulat

Isa ka dito: