Sunday, July 18, 2010

Halika laruin mko!

Lumaki ako sa isang lugar na hindi uso ang high-tech na laruan, okey lang naman dahil wala pang inggit ang isip ko. Pero inaamin ko na gusto ko din magkaroon ng Family Computer, eto na kasi ang pinaka astig nuon. Kapag meron ka nito sa lugar namin tatlong bagay lang pumapasok sa isip ko.
Una, ang tatay mo ay seaman, yung pagumuuwi laging naka maong na jacktet at parang may hepatitis - kulay dilaw ang leeg at daliri dahil sa ginto.
Pangalawa, galling middle east ang tatay mo kaparehas ng porma ng seaman pinagkaiba lang nila mas maraming pasalubong na chocolate at may picture sila katabi ang magandang kotse na hindi naman sa kanila. Sila din ang salarin bakit sandamakmak ang Ownertype Jeep na may nakasulat “Katas ng Saudi” (Alam ko mabaho ang katas ng Saudi pero di ko alam na nagiging pera pala iyon at nakakabili ng owner)
Pangatlo, may tita ka sa Japan. Sila ang mga japayuki na sobrang ganda, mapuputi at makikinis. Kaya hindi ako makapaniwala nung minsan pinagmamalaki ng kalaro ko tita nya japayuki, kasi nung makita ko ‘to mukhang kubrador lang ng jueteng, hindi maputi at flawless. “Weh di nga? Yan yung tita mo! Sige nga nasaan ang family computer nyo, pakita mo sakin”

Hindi rin nagtagal nagkaroon din kami ng Family Computer salamat kay tatay, dahil naarbor nya ang lumang family computer ng tito kong seaman, problema lang wala kaming bala kaya nanghihiram pa kami ng 100-in-1 tapos kapag ayaw gumana iihipan yung loob ng bala, baka may dumi lang o kulang sa laway.

Gayunpaman hindi parin kayang tumbasan ng Family Computer ang mga laro ko nuon…

Hindi ko alam ang tawag sa ginagawa naming nuon, parang nagaapir ang mga kamay namin habang kinakanta eto:

Nanay, Tatay
Gusto ko tinapay
Ate , Kuya,
Gusto ko kape
Lahat ng gusto ko ay susundin mo
ang magkamali ay pipingutin ko
Isa Dalawa Tatlo

Ki-Ki-Kinagat ako ng putakti
dinala ako sa makati
binigyan ako ng One...
One two three

Si Si Si Nena ay bata pa, kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.
Si Nena ay dalaga na kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.
Si Nena ay matanda na, kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.

Sarah Sarah princesa
Lavinya Lavinya isnabera
Lottie Lottie iyakin
Pinagalitan ni Mis Minchin

Eto naman yung paraan para malaman kung ikaw nga ba ang magiging taya:

Mangga, mangga hinog ka na ba?
Oo Oo hinog na ako!
Kung hinog ka na ay umalis ka na


JAK EN POY! Hale hale hoy! Sinong matalo syang unggoy!
JAK EN POY! Hale hale hoy! Sinong matalo syang kabayo! (vesion ng baklita)


Monkey monkey anabel how many monkey did you see? (magsasabi ng number yung huling naituro tapos bibilangin, at ang huling bilang maaring alis o taya – hindi maiwasan na magkaroon ng dayaan dahil nabibilang na agad ng naituro kung sino posibleng mataya, maliban nalang kung mahina sa math ang kalaro mo!)

Langit Lupa impyerno,
im im impyerno,
saksak puso tulo ang dugo
patay o buhay dalahin sa ospital
uno, dos, tres sya ang alis... alis!


Chinese garter song:

RED WHITE and BLUE.. Stars over you. Mama said, Papa Said, I LOVE YOU

I... Love... you teleber-teleber
isnooky, dina bonnevie...
sharon, sharon love gabi!
Teleber-teleber...

10-20-30-40-50-60-70-80-90-100
*dead for all – meaning bubuhayin nya ang mga kakamping di marunong magbilang! nyahaha

Eto naman yung pagbibilang ng teks:

Isang babae binarako sa tabi paglabas buntis = 17
Isa-dalawa-tatlo-apat-cha = 9
*Isa=2
*Cha=1

Pang-asar na kanta:

Ang kapal ng mukha. Di na nahiya.
Dapat sa’yo pasabugin ang mukha!
Ulo-ulo lang di kasama katawan,
‘pag kasama katawan, sabog pati laman

One two three asawa ni marie
araw gabi walang panty

Sabihin mo sa ate mo break na kami
nakita ko ang panti nya ganun kalaki

Paboritong laro:
Bahay-bahayan
Luto-lutuan
Shake-shake shampoo
Agawan base
Agawan panyo
Agawan syota
Pikpakboom
Siato
Luksong tinik
Luksong bakla
Habulan-gahasa
Hide and sex

*eto ang blog na dumugo ang utak ko kakaisip sa mga laro namin nuon, marami pang hindi ko na isinama dahil nagka-brain damage ako!


Isa ka dito: