Monday, July 21, 2008

Kwentong LRT

Nasa LRT na ako bago mag 7:30 ng umaga, di ko pa nakikita si Boy Sando, Boy Epal, Boy Taba at Boy tatoo.... isa lang ang ibig sabihin nito, malaki ang posibilidad na hindi ako ma-late sa trabaho.

Pag-akyat ko sa LRT siksikan nanaman... makikipagtagisan nanaman ako ng lakas sa mga kapwa ko pasahero ng LRT.

Dumating ang unang tren, heto na at ready to fight na ang lahat parang takeshi's castle ang labanan... nagsuguran na ang lahat (pati ako!) pagpasok ko wala palang aircon kaya puro pawis ang dumampi sa braso ko maging sa barong at mukha ko. Muli akong lumabas dahil alam ko naman na may natitira pang oras para ma-buzzer beater ko ang grace period ng Timetrak, kesa naman magtiis ako sa Sauna bath LRT.

Dumating ang pangalawang tren, swerte at walang laman... pero skip train pala ito sa blumentrit station. Dumating ang pangatlong tren ilang segundo lang, at maswerte at wala din itong laman at sa wakas bumukas! Unahan nanaman kami parang trip-to-jerusalem ang labanan at matagumpay akong nakaupo. Kalagitnaan ng byahe, bilang may kumausap sa akin isang lalake nagtanong kung sa makati daw ako nagwowork, sinagot ko naman ng "Oo". tapos nakipag kilala na sya sa akin dun ko napansin na di pala sya lalake sya ay di-tiyak! sa boses palang alam ko na kaagad kaya lang nagduda pa ako, pero nung nagtanong na ng pangalan ko.. ayun alam ko na!



Biglang tumunog ang kampana, nagliparan ang mga kalapati at nagdilim ang kalangitan.... at tumugtog ang parokya ni edgar:

"One look and then yun iba namalagkit dumikit ang tingin ng mata one smile,iba na ang ibig sabihin'di na friends,ang tingin nya sa akin....... This guy is inlove wtih you pare"



Kungwari inaantok ako at nagtulog-tulugan mode nalang para di na nya ako makausap, pero makulit parin panay ang kausap sakin. Nakakahiya naman kung aawayin ko sa loob ng tren dahil wala naman syang ginagawang masama at being professional di ito tama. Tama! mukhang tatamaan na sya sa akin Grrrrr.... nilabas ko ang muscles ko! (para matakot! at isipin na gusto ko na syang sapakin) pero wa-epek puta! naiinis talaga ako!

Tiniis ko nalang ang galit ko dahil isang istasyon nalang naman. Bago ako umalis naisipan pa nya na magtanong ng number ko, kunwari wala akong narinig at bumaba nalang kaagad. Buti nalang at di na sya sumunod pa, dahil kung hindi malamang makita nila si Son Goku na nagsupersaiyan.

Hindi ito ang unang encountered ko sa mga ganyang tao dito sa LRT, meron pa nga nanghahawak pa ng pototoy! sinasamantala nila ang pagiging siksikan. Ok lang sana kung opposite sex, kaya lang same sex! punyetang buhay 'to... akala ng mga babae siguro sila lang ang nagiging biktima ng mga manyakis na lalake, kami rin pong mga lalake eh nabibiktima rin ng kapwa naming lalake. For me its not a big deal, dahil di nya naman ito kayang kunin nakakabit kaya ito, naka bulldog super glue ito kahit baliktarin kabit parin ehehehe!!!

Kapag ako'y nababato
Pinaglalaruan ko ang birdie ko
Ang cute-cute naman kasi
Kaya ko siya binili
My birdie is my bestfriend
Ang dami naming maliligayang sandali
Madalas ko siyang pinapakain ng birdseed
Mahal kita 'o birdie ko, 'wag kang lalayo!
Don't touch my birdie!
Resist temptation please!
You don't have to grab my birdie
Just call it, and it will come!
Ang birdie ko ay nakakatuwa
Parang cobra na mahilig mantuka
Kapag nilabas na mula sa kulungan
Tuluy-tuloy na ang aming kasiyahan
'Di naman ako madamot talaga
Ayaw ko lang na hinahawakan siya ng iba!
Ang birdie ko ay medyo masungit
Konting hawak lang siguradong magagalit!
Huwag ka sanang magalit sa akin
Tuwing ang birdie ko ay aking hihimasin
Sana'y maunawaan mo
Mahal na mahal ko ang birdie ko pati mga itlog nito!

-Parokya Ni Edgar-

Isa ka dito: