Tuesday, March 31, 2009

About the author

Isang simpleng tao na nangangarap maging host ng isang travel show, manunulat, musikero, artista porn, DJ, VJ, Direktor at makagawa ng isang indie-film at documentary. Mahilig umakyat ng bundok, magpunta sa ibat-ibang lugar, kumuha ng larawan at makipagkaibigan. Idol nya mula pa nung bata ang The Beatles, hindi maipaliwanag kung bakit. Maaring gusto nya lang ang musika nila. Isinilang at lumaki sa Dagat-dagatan, Malabon City, dito kung saan nahubog ang katalinuhan, katarantaduhan, kalokohan, at kagaguhan. Inshort buong pagkatao nya.

Preschool
School: Day Care Center
Nagsimula pumasok sa eskwelahan sa edad na apat na taon, tinawag syang saling-pusa dahil hindi naman talaga pagaaral ang pakay, kundi manggulo ng mga nagaaral.
Edad na limang taon.... eto na nagaral na sya, dito nya natutunan kung paano isulat at basahin ang mga alphabeto. Nakilala nya rin ang ibat-ibang kulay at natutong gumuhit sa pader . Paborito nya ang palabas na Batibot, lalong-lalo na ang mga kwento ni kuya bodgie at ate shienna. Unang performance nya ay ang gayahin ang pelikula ni sharon cuneta ang "pasan ko ang daigdig" sa loob ng eskwelahan at sumayaw habang kumakanta ng Gary V song "Di bale nalang kaya"

Gradeschool
School: Imelda Elementary School
Anim na taon, isa sa pinaka-batang magaaral para sa Grade1. Muntik na syang hindi payagan, ngunit, datapwat, subalit naipasa nya ang entrance exam at marunong na magbasa, nakalusot at pinayagan narin. Mula Grade1 hanggang Grade6 hindi sya naalis sa section 1 Mayabang sya Hindi sya matalino pero hindi rin naman bobo. Lagi syang Friday Cleaners dahil sa unang titik ng kanyang apelyido. Paborito nya ang magtapon ng basura dahil nakakapaglakwatsa sya habang itinatapon ang basura sa likod ng eskwelahan. Hate nya ang magbunot kasi nakakapagod.

Highschool
School: Westminster High School
Isang Chinese-Christian School ang napasukan nya. 1st year may chinese language subject sya at dahil hindi nya naman ito pinagtuonan ng pansin BAGSAK. Pero okey lang yun, hindi naman kailangan balikan at i-summer ang subject na 'to, strategy lang ng school para kumita. Naging paborito nya ang mga musika ng eraserhead dahil sa impluwensya ng klasmate nya at sa biniling tape ng tatay nya.

College
School: AMA Computer College - Caloocan
Hindi nya alam kung paano sya napunta sa eskwelahan na 'to. Basta nalang kasi sya nagexam dito kasama ang dalawa nyang katropa nung highskul. tsk! tsk! pangarap nya makapag-aral sa Unibersidang ng Pilipinas pero di nya nagawang magexam duon. Dahil tuwing magpapaalam sa highskul teacher nya na mageexam at magaaply sa mga school e nagcucuting lang silang tatlo ng tropa nya. Tinapos nya ang kursong Computer Engineering sa tulong ng PVAO Scholarship (Phil. Veterans Affairs Office). sa awa ng Maykapal.
At sa kasalukuyan sya ngayon ay nagtratrabaho na para gumawa ng blog sa WAKAS.

Isa ka dito: