Iba na talaga ang buhay ko ngayon kumpara nung bata pa ako. Bata parin naman ako ngayon, ayoko lang talaga magcompute ng edad ko lumalaki lang ang galit ko sa Math. Nasa kalendaryo pa naman ako, hindi tulad ng ibang nagbabasa ng blog ko wala na. Pero wag kayo mag-alala may Bingo pa, hanggang 75 yun.
Sabi nga nila ang pagiging bata ay ang pinakamasayang stages sa buhay ng tao. Malaya kang gawin ang lahat nang walang iniisip na problema. Ang lahat ay laro lamang.
Matagal ko nang hindi nagagawang ang humalakhak kasama ang mga kaibigan habang nagpapagulong sa damuhan. Nagtatawanan sa walang kwentang bagay na hindi alam kung bakit nga ba (bakit nga ba?). Tanging ang mura naming isip lang ang makakapagpapaliwanag na hindi ko na taglay ngayon.
Madalas ako maglaro sa ulan at kahit pa sa maduduming tubig ng estero wala akong pakealam, ang alam ko lang masaya ako!. Paguwi ng bahay pawisan sa maghapong takbuhan at puro dumi ang damit sabay salubong sa sermon ni nanay. "Ang dumi-dumi mo nanaman! kakaligo mo lang kanina ah!"
Hindi pa uso nuon ang downy isang banlaw kaya bumubula ako sa sermon. Pasok sa kanang tenga labas sa kaliwang tenga.. ganun lang kasimple tanggapin ang sermon. Di tulad ngayon.
Isa pa sa kinagagalit ni nanay ay ang hindi ko pagtulog sa hapon dahil ito ang prime time ng paglalaro namin. Madalas akong tumakas kahit nakakandado ang gate parang si tiyagong akyat kabisado ko kahit nakapikit ang bakod namin, tamang paglukso at paglapag na walang tunog na maririnig.
Kalog at tansing ang paborito ko at ang paglalabanan namin ay balat ng kendi, tansan at sigarilyo. Kapag ang items mo ay kakaiba yung tipong hard to find mataas ang value nito. Kaya naman kung saan saan kami napupunta hanggang makaabot sa pagawaan ng patis at toyo. Medyo malayo na ito pero wala kaming pakealam saan mang sulok yan makakuha lang ng hard to find tansan at balat ng kendi.
Madami rin akong kalokohan nuon, tiyak na di mo mabibilang at kung pwde lang siguro mabilanggo ang bata e tiyak nasa kulungan nako ngayon. Nandyan yung binansagan namin na "storm" yung matandang maputi ang buhok. Galit na galit sya sa batang maiingay tulad namin. Lalabas sya sa bahay para sermunan kami na waepek naman sa amin at lalo pa kaming magiingay sabay takbo at tago. Maya maya muling lalabas at magiinggay ulit. Nangaasar kumbaga. Buti nalang at walang sakit si Storm at di namin sya napatay sa kunsimisyon. Pero balita ko patay na sya ilang taon na din dahil sa katandaan. Sumalangit nawa at patawad po.
Ilang beses ko din nilagyan ng thumbtask ang upuan ng klasmate ko na hanggang ngayon di nila alam na ako ang may sala. Nilagyan din namin ng mga basura ang bag ng klasmate ko, tinanggal namin yung libro at notebook na di nya pansin sabay uwi. Kinabukasan galit na galit hinahanap yung notebook at libro dahil nasermunan daw sya bakit puro kalat ang nasa bag nya paguwi. Ayun wala syang assignment. Parehas na kami. Lamang lang ako dahil dala ko ang libro at notebook sa bahay tamad lang talaga gumawa ng assignment. Naidrawing ko din ang teacher ko na naka bikini sabay kusot at tapon sa basurahan hahahahaha. Binilang ko din ang manerismo ng teacher ko na "Okey... okey class ganito yan!" morethan 40 times nya itong binabangit sa klase -everyday namin itong binibilang. Maswerte pa sya at di namin binibilang yung talsik ng laway nya. Kaya siguro yung klasmate ko sa harap laging may facetowel at lumalabas after ng subject, siguro maghugas ng mukha.
Ang saya sobra.
Hindi tulad ngayon kailangan mong problemahin lahat mula sa isusuot mong damit, pantalon, hairstyle, pati load ng cellphone, Depektibong Gelpren/Boypren, Naglalakihang pores at hindi maubos na tigyawat at maramin pang iba na hindi ko kayang isulat sa dami....
Tuesday, January 12, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)