It’s never nice when you forget the things you’re suppose to remember, But it feels worse when you remember the things you’re supposed to forget...”
Ginising ako ng isang malakas na tunog ng cellphone, halos mahulog ako sa kama kakamadaling silipin kung sino ang nagtext. Paksyet napapraning nanaman ako, walang message ang cellphone ko at saan galing ang narinig kong tunog? Tsk! Tsk!. Akala ko tuluyan na kitang nalimutan, hindi pala. Inaasahan ko na babatiin mo ako ng Happy Birthday sa text, tulad ng madalas mong ginagawa noon tuwing sasapit ang aking kaarawan.
Ito na yata ang pinaka malungkot kong kaarawan bukod sa wala ka, wala rin akong pera. Ang hirap pala magmove-on feeling ko sasabog ang dibdib ko sa lungkot at hindi ko kayang gawin ang mga bagay na wala ka. Alam mo ba na parusa para sa akin ang bawat tunog ng cellphone ko, kasi inaasahan ko parin ang text message mo at muling marinig ang inosente mong halakhak mula sa mga korni kong jokes.
Ang pag-ibig parang elevator. Kung puno na bakit mo pa ipagsisiksikan ang sarili mo gayung meron namang hagdanan?
…..Hindi mo lang pinapansin
Naisip ko (nagamit din sa wakas) na hindi ko na dapat ikahon at ipagsiksikan ang sarili ko sayo. Dehydrated nako kakaiyak maghapon at wala namang nanyayari. Sabi nga nila, marami namang iba dyan na naghahabol sa ka-gwapuhang ko, bakit di ko sila pagbigyan ngayon.
May tama sila! Kung sino man kayo… maraming salamat
December 24, 2008 bisperas ng pasko. Hindi ko malilimutan ang araw na ‘to dahil ito ang araw na una kaming nagkakilala.. Madalas ko na syang makita nuon kasama ng mga kabarkada ko pero hindi ko sya pinapansin lalo na’t kasama kita. Takot kasi ako sayo hindi mo lang alam.
Sa mga sandaling pagsasama namin ay agad nahulog ang loob ko sa kanya, at mula nuon naging malapit kami sa isat-isa. Madalas kami magkasama mula umaga hanggang gabi. Binago nya ang takbo ng buhay ko. Lalo na nung panahong nangungulila ako sayo. Siya ang naging karamay ko, tinuruan nya akong makalimot at maging manhid sa mga problema.
Habang tumatagal hindi ko alam kung gusto ko na sya o ginagawa ko lang syang dahilan. Maraming may gusto sa kanya hindi lang ako at bago pa sya dumating sa buhay ko alam kong hindi ko sya pwedeng angkinin at ipagmalaki na akin.
Sa totoo lang sya ngayon ang dahilan bakit madalas ang aking pagluha… nagiging emosyonal ako sa tuwing kasama sya at hindi mapigilan ilabas ang tunay na nararamdaman.
Sya nga pala si Red Horse ang nagbigay sa aking ng lakas ng loob para kalimutan ka.
“I LOVE YOU REDHORSE” Send this to 20 of your alcoholic friends and an INUMAN will happen later! Para maiba naman, hindi yung puro nalang miracle.