Isipin mo linggo ngayon.... at nanunuod ka ng cooking show sa TV.
Pilipino Style Spaghetti (papa chris version)
Ingredients:
pisong Pamintang durog
3 pisong Bawang
3 pisong Sibuyas
1/4 kilo giniling na baboy
1 bote ng Ketsup
Murang Hotdog sa palengke (ussually maasim na ang lasa.)
Tomato Sauce
3 kilong murang spaghetti pasta
konting mantika (pwede manghingi sa kapitbahay para mas tipid.)
Asin
Asukal
Instructions:
1. Magpakulo ng Tubig na may asin. kapag kumulo na ilagayang spaghetti pasta ng 20-30 minuto. Hanguin at alisinang tubig
2. Gisahin ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Ilagay ang hotdog at giniling na karne.
4. Maglagay ng Asin at Paminta ayon sa iyong panglasa.
5. Ihalo ang tomato paste. (Lagyan ng tubig ang lata, ihalo din para sulit)
6. Ihalo din ang Ketsup. (sulitin lagyan din ng tubug at ihalo)
7. Lagyan ng Asukal ayon sa panglasa.
8. Tunawin ang gawgaw sa isang tasang mainit na tubig at ihalo.(pampalapot lang)
9. Paghain sa mesa lagyan ng keso.
10. Ipamigay sa kapitbahay at asahan na hindi nila huhugasan ang platong pinaglagyan(kainis! dagdag hugasan, yan kasi angkasabihan ng mga tamad na kapitbahay nuong unang panahon)
Sunday, July 6, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)