Wednesday, July 16, 2008

LRT (Lightweight Railway Transportation?)


07.17.2008
Maaga ako gumising ngayon, dahil ayoko na malate pa ulit sa trabaho tulad kahapon. Ayoko na mag-file ng halfday, dahil halos lahat ng OT ko eh napupunta lang sa mga halfday na file ko. bale wala lang yung OT na ginagawa ko.

Paggising ko nagtimpla kaagad ako ng isang tasang kape at ininum, tapos diretso na sa banyo para maligo. Malamig masyado ang tubig pero di ko ito alintana, ang mahalaga makaligo ako at makaalis ng maaga para hindi na ma-late.

Alas-siete kinse nasa LRT nako, sakto lang para makarating ako sa tamang oras ng pasok (8:30am). Medyo mahaba ang pila, pero natural lang naman yung ganito kahabang pila kapag umaga. Pero ilang minuto na at hindi parin umuusad ang pila, parang di na yata ito natural. Ilang sandali pa ulit eh humahaba na ang linya ng pila.

Dumaan ang ilang minuto ganun parin, at ang pila halos umabot na sa kabilang istasyon sa haba. Mabuti nalang at hindi na umulan tulad kahapon.

Habang nasa pila, nakita ko ang dati kong officemate na si Bon, halos isang taon ko rin sya naging officemate pero ngayon ko lang nalaman na dito rin pala sya sa Caloocan nakatira. Maya-maya pa nagdatingan na rin yung mga madalas ko makasabay sa LRT. Si Boy Sando, payat lang sya pero feel nya magsando tapos yung barong nya nakasabit lang sa balikat nya. Si Boy Epal, kahit sino basta gusto nya kausapin eh kakausapin nya. Si Boy taba at si Boy Tatoo. Hindi ko na siguro kailanga pa i-describe dahil malamang alam mo na kung ano itsura nila...
Hindi ko naman sila kilala at hindi rin nila ako kilala, pero isa lang ang tiyak ko kapag nagkita kami duon... LATE NA AKO!.

Umabante na ang linya, di dahil sa pinapapasok na ang tao, kundi nainip na ang ibang nasa pila, magjejeep nalang daw sila. May lumapit sa akin na estudyante yata yun, at nagtanong kung umaandar daw ba ang LRT, ang sabi ko "Oo umaandar ang LRT" nagtawanan sila, pero ako hindi natawa naiinis na ako sa tagal.

Sayang ang effort na ibinigay ko. Mahirap kaya gumising sa malamig na umaga... daig pa nito ang awit ng Ibong Adarna. Hindi na rin ako nag Breakfast at nagtiis maligo ng malamig na tubig makapasok lang ng maaga, tapos eto late nanaman.

Kahit anong effort mo kung di rin talaga aayon ang pagkakataon wala din.

Nang makapasok na ako sa LRT tska ko lang nalaman na may sunog pala na malapit sa Libertad Station kaya ang Tren ay hanggang Gil Puyat lang, sakto lang dahil dito naman talaga ako bababa. Ang balitang ito ay hatid ni Boy Epal, kinausap nya kasi yung katabi nya... nagtanong siguro o umepal lang talaga saya para maging bida sa loob ng tren.

Pahinto-hinto ang takbo ng tren parang prusisyon, pero ok na rin kesa naman magjeep ako. Baka pagdating ko sa opisina e magamoy usok ako o di kaya magkasakit ng TB sa usok ng tambutso.

BUKAS GIGISING ULIT AKO NG MAAGA PROMIS!!!

Isa ka dito: