Ito ang paborito kong inumin nung bata pa ako halos araw araw ko hinahunting ang tindera nito na naka uniform pa na parang katulong sa mga telenovela at may dalang maliit na refrigirator este icebox.
Bukod sa pampatibay at pampalakas ng katawan masarap din ang lasa nito. walang katulad sa sarap. Kaya lang ang problema ko napakaliit nito, bitin na bitin ako wooohoho di ko na alam kung makakaya ko pa di bale nalang kaya.
Di ako kuntento sa isang bote nito kaya halos maglupasay ako sa kalsada kapag isa lang ang binili sakin ng nanay ko! halos taktakin ko ang plastik na bote, ipasok ang dila sa loob at sirain para lamang makuha ang huling patak.. ganito ako kaadik sa Yakult!!!

Nitong nakaraan muli ko syang natikman, at parang bumalik ako sa nakaraan muli kong naramdaman ang bitin na sandali... agad akong bumalik sa Ministop at bumili ng 3bote pa para laklakin at tuluyan mapatid ang pagkabitin.
Naisip ko na bakit di nila gawin 500ml ang Yakult parang softdrinks? kaya naman nagsurvey ako sa mga ka officemate ko kung bitin din ba sila sa Yakult at iisa lang ang sagot nila "Oo" kaya naman nais kong gumawa ng isang malawakang rally para sa ikapapayapa ng ating kalooban. Ang magkaroon ng Yakult 500ml!
Sugod na sa Edsa mga kapatid at nang makamit natin ang Tagumpay....
Sugod na sa Edsa mga kapatid at nang makamit natin ang Tagumpay....