Thursday, January 6, 2011

Her name is Lina

"Importante lang naman ang isang bagay kapag kailangan mo, pero kapag hindi na BASURA nalang eto sayo"
 Inaamin ko na naging makasarili ako. Ang gusto ko lang ay yung makuha ang gusto ko.
Ang kulet nya promis! mamatay ka man.
Ginugulo nya ako sa email. Hindi nya ba napapansin na wala na akong gusto sa kanya at iniiwasan ko na sya. Nakuha ko na ang gusto ko! tapos!!!

Minsan nga ni replyan ko na sya sabi ko: "Lina, tama na ang pagpapadala mo sa akin ng email ayoko na! tama na! itigil na natin 'to tutal nakuha ko na ang gusto ko sayo" hindi naman sya nagreply dito.

Hindi ko rin sya masisi kasi ako ang unang lumapit sakanya at nagpapansin kaya siguro feeling close at email ng email. Mabait naman sya at walang kibo kaya inisip ko nalang na siguro napagutusan lang sya na guluhin at bwisitin ang buhay ko. Kung sino? hindi ko alam...

Kaya ayun, nakaisip ako ng solusyon ilalagay ko nalang ang mga email nya as spam email. Hehehe matalino man ang matsing mas matalino parin ang may saging!

Pero kelan lang muli syang nagparamdam sa akin this time hindi na sa email... kundi sa Facebook! WTF

1 comment:

Kura said...

Pagkatapos mong kunin ang lahat sa kanya ngayon basura na ang tingin mo. masyado ka! hahah! Ok lang yan. Hindi lang ikaw ang gumamit sa kanya. Marami... Marami tayo. =) Minsan dalawin mo pa rin siya, tandaan mo wala ka sa kinalalagyan mo kundi dahil sa kanya. hahaha!

Isa ka dito: