Monday, November 17, 2008

Searching for Yakult 1.5 Liters

Ayan yung katibayan na wala nga 1.5 Liters na YAKULT, kasi ayon sa kakilala ko na si Arnel (di tunay na panggalan) e may Yakult daw sa Japan na 1.5 Liters...


Monday, October 20, 2008

How to enjoy the taste of Beer

Beer is the world's oldest and most widely consumed alcoholic beverage and the third most popular drink overall after water and tea.It is produced by the brewing and fermentation of starches, mainly derived from cereals — the most common of which is malted barley, although wheat, corn, and rice are also widely used. Most beer is flavoured with hops, which add bitterness and act as a natural preservative, though other flavourings such as herbs or fruit may occasionally be included. Alcoholic beverages fermented from non-starch sources such as grape juice (wine) or honey (mead) or distilled after fermentation are not classified as beer. - source: http://en.wikipedia.org/wiki/Beer

Dito sa Pilipinas ito ang pinaka paboritong inumin ng mga magbabarkada. Kaya naman sibak-sibak ang mga gumagawa nito. Limpak-limpak na salapi ang makukuha nila sa mga parokyano ng Beer. Kadalasan kasabay nito ang pulutan, usok, at walang humpay na tuksuhan at tawanan.
Hindi naman talaga masarap ang Beer, bagkus mapait ang lasa nito... kaya kung tutuusin hindi naman talaga ito ang nagpapasarap ng inuman, kundi ang mga KAIBIGAN. Bonus nalang ang mga banda, chicks, makukulay na ilaw at pulutan.

Tuesday, October 14, 2008

A Trip to the Stars

Stardust
Location:1182 Quezon Ave. Q.C
Description: Night Club
Date: 10-10-2008
Guilty people: Genesis, Dante, Cute, Henry, Chris, Toni

Ito ang unang beses ko makapasok sa Stardust (hindi ko rin masabi kung ito na nga ba ang huli). Pero hindi ito ang unang beses ko nakapasok sa ganitong lugar. Sa totoo lang madami narin, pero nabibilang pa naman sa mga daliri ko at ng katabi ko. Mahilig talaga ako sa ganitong lugar Hindi ako mahilig sa ganitong lugar promis at ni minsan ako pa nagaaya hindi pa ako nagaya magpunta sa ganitong lugar, maaring sa Mall lang at Gym. Taong kuripot kasi ako, mas gugustuhin ko pa kasi ipamigay ang mga pera ko sa mahihirap nating kababayan kesa sa mga GRO (*wapak!) nagbibiiro lang po...


The Dance
Halos lahat ng napuntahan kong Night Club e halos pareparehas lang ang dance move. Abante-abante Giling Atras-atras Giling Kaliwa-kaliwa Giling Kanan-kanan Giling lapit sa tubo bubukaka tatalikod yuyuko... asus!
I therefore conclude iisa lang ang choreographer ng mga Night Club

The Sounds
I got it from my mama- Wil. I. Am.
Lean like a cholo - Down
Soulja boy - soulja boy
Umbrella - Rihanna
Careless Whisper - George Michael

DJ: "And now.... let's welcome our first set of Lovely ladies"
Kung mapapansin mo din, halos lahat ng DJ sa mga Night Club magkakaparehas ng boses... yung tipong buong-buo na parang may plema sa lalamunan na mahirap maalis.

The Dress
Swimsuit, Sexy Night Dress, Hot Night Dress, basta sleeping dress na ready to fight!
Usually Color Red dahil ito ang kulay na nakakaakit sa mga Kalalakihan.
Highheels - hindi pwede ang flat shoes dahil mas nakakaakit ang matangkad.
Topless - kapag madaling araw na tska lalabas ang mga babae hindi tinatablan ng lamig... at nandyan narin ang mga matang naglalakihan habang nirerecord sa kanilang photographic memory.

The Girls
Medyo malabo na ang mata ko kaya kung ako ang huhusga at nakainum na, lahat sila aprub sa akin. "Ayun... yung number.... basta yun! ano pangalan nun? tawagin mo table ko sya!"

The Cost
*note: Prices may vary depending on size, color, and currencies exchange rates

Php400/hour - ang number na color green (eto ang tinatawag na GRO)
Php560/hour - Model (sila yung mas maganda sa GRO)
Php800/hour - Solo (may kasama nang ladies drink, maaring mas maganda ito sa Model)

Hindi ko lang sure kung binabawasan din sila ng Tax, Pag-big, Philhealth, SSS, GSIS, Tardiness, Undertime. Meron din kaya silang overtime? 13th month pay? Christmas bonus?

Kung ikukumpara mo ang 800/hr nila sa isang empleyado na nagpakadalubhasa ng 4 na taon sa Unibersidad, Nagtake ng ibat-ibang exam, Nagreview sa mamahaling review center, Naghirap gumawa ng kodigo, Nagbayad sa Prof, Nagpagawa ng Project, siguro iisipin mo din mag GRO nalang.

Eco101:
The Law of Supply and Demand.
Limited supply, lots of demand.
Limited nga ba ang supply ng GRO sa bansang Pilipinas? bakit maraming Demand?
Kailangan na bang magimport tayo ng GRO from China? Hindi kaya may melamine naman ang maiimport natin na GRO galing sa kanila?

"Mabuhay ang mga Pokpok"

Monday, September 15, 2008

The LactobacillusShirotaStrain


Ito ang paborito kong inumin nung bata pa ako halos araw araw ko hinahunting ang tindera nito na naka uniform pa na parang katulong sa mga telenovela at may dalang maliit na refrigirator este icebox.
Bukod sa pampatibay at pampalakas ng katawan masarap din ang lasa nito. walang katulad sa sarap. Kaya lang ang problema ko napakaliit nito, bitin na bitin ako wooohoho di ko na alam kung makakaya ko pa di bale nalang kaya.
Di ako kuntento sa isang bote nito kaya halos maglupasay ako sa kalsada kapag isa lang ang binili sakin ng nanay ko! halos taktakin ko ang plastik na bote, ipasok ang dila sa loob at sirain para lamang makuha ang huling patak.. ganito ako kaadik sa Yakult!!!
Nitong nakaraan muli ko syang natikman, at parang bumalik ako sa nakaraan muli kong naramdaman ang bitin na sandali... agad akong bumalik sa Ministop at bumili ng 3bote pa para laklakin at tuluyan mapatid ang pagkabitin.
Naisip ko na bakit di nila gawin 500ml ang Yakult parang softdrinks? kaya naman nagsurvey ako sa mga ka officemate ko kung bitin din ba sila sa Yakult at iisa lang ang sagot nila "Oo" kaya naman nais kong gumawa ng isang malawakang rally para sa ikapapayapa ng ating kalooban. Ang magkaroon ng Yakult 500ml!
Sugod na sa Edsa mga kapatid at nang makamit natin ang Tagumpay....

Monday, September 8, 2008

Ang Sumpa

Isang sumpa ang bumabalot sa apat na sulok ng aming eskwelahan nung ako'y elementary pa. Isa itong bangungot para sa mga batang magaaral. Dahil tiyak tatlong K ang mararanasan mo... Kahihiyan, katatawanan at kawalang ng tiwala sa sarili sa oras na mapasaiyo ang sumpa. Dinapuan nito ang klasmate kong si Alfred (di tunay na pangalan). Hindi ko inaasahan na magkakaganito sya dahil isa sya sa mga malilinis kong klasmate (madungis kasi kami dati).
Isang araw may napansin akong dumi sa kanyang uniform sa bandang kaliwa ng bulsa. Mabilis na tumakbo sa isip ko na ito ay tae... Oo positive tae nga! malinaw pa ang mga mata ko at para itong microscope nakikita ko ang bacteria.
Napansin ko na medyo balisa nga sya at hindi mapakali kaya positibo akong dinapuan nga sya ng sumpa. Nagtawanan kaagad ang mga kolokoy kong klasmate dahil sa nakakatawang stuff sa kaliwang bulsa ni Alfred. Todo deny pa ito at sinabing chocolate lang daw yun. Pero isa sa mga klasmate ko ang naglakas loob na sumubok itong amuyin (wow tamang trip!). Inilapit nya ang ilong sa hinihinalang tae ngunit sa kasamaang palad e napasobra ito at nadikit sa ilong nya *wapak! Napasigaw sya na parang nanalo sa lotto Taaaaeeee NGA! Put@NgNa!!!! Tae!!!! mabilis syang tumakbo sa kubeta upang hugasan ang ilong na nadikitsa chocolate este tae pala!Hindi mapigil ang tawanan sa loob ng classroom habang hiyanghiya naman si Alfred sa nangyari. Sa totoo lang awang-awa ako sa kanya pero mas lamang parin ang katatawanan kaya tumawa narin ako hahahaha.

Moral lesson: Hindi inaamoy ang chocolate, tinitikman ito...

Gumawa ako ng isang imbestigasyon kung saan nga ba galing ang sumpang ito. Inisa-isa ko ang sunod-sunod na pangyayari hanggang dumating ako sa kongklusyon na si Mang Johnny pala ang salarin. Sya yung Janitor namin sa skul, businessman na din at the sametime. Kapag nakita ka nito na palakad-lakad sa paligid ng eskwelahan ay tatawagin ka, pero wag ka mabahala dahil di ka nito isusumbong sa titser o prinsipal ang dapat mo lang gawin ay bumili ng tinda nyang bayabas na halos dalawang buwan na yatang di nabebenta kumbaga sa tao amuy lupa na! halos tubuan na ito ng ugat, pero dahil takot ka ma-guidance at mapatawag ang magulang sa skul eh tiyak na ibibili mo na ang natitira mong pera sa kanya. May mga variety din naman syang tinda tulad ng yema, manggang hilaw at sampaloc, pero ang talagang ibebenta nya sayo ay yung old bayabas. Napansin ko na tinatamad syang linisin ang CR dahil mas mahal nya ang pagiging businessman nya. Minsan nga nahuli nya kaming pakalat-kalat sa labas at tinawag, ang buong akala ko bebentahan nya kami ng old bayabas yun pala ay paglilinisin kami ng kubeta. Anak ng tokwa't baboy naman! gawin ba kamin janitor? pero dahil bata kami at madaling matakot e sinunod na namin ang utos nya. Ang buong akala nya naman maloloko nya kami dahil pag alis nya agad kaming tumigil sa paglinis at tumakbo papuntang canteen (section 1 yata 'to).
Mabaho, Madumi at puno ng kwentong kababalaghan at nakatatakutan ang CR sa school namin kaya maging ako ay takot umihi dito ng mag isa. Paano nalang yung mga batang natatae?maghahanap pa ba sila ng kasabay tumae? kung malakas naman ang loob mo at di ka takot sa mga kwentong multo e tiyak ang papatay sayo ay ang amoy nito.... paano ka dudumi kung ang inodoro ay barado at may naka-load na din?
Nagpapasalamat ako dahil sa malapit lang ang eskwelahan sa bahay namin, siguro mga tatlumpung hakbang pasulong at 5 hakbang paatras lang bahay na namin. Kung kaya't nalagpasan ko ang sumpa, muntik na din ako duon. Buzzer beater lang!

Hindi naman pala Johhy talaga ang pangalan ni mang johnny, tinawag lang itong johnny dahil sa trabaho nyang 'Janitor' kung sino ang nagbansag sa kanya at kelan ay di ko masasagot... wala daw clue. Ganun din daw kasi ang pangalang ng janitor ng kaibigan ko sa ibang eskwelahan. Isa lang ang masasabi ko.. Johnny Rocks!!!

Nung Elementary ka, may natae din ba sa klasmate mo? o ikaw mismo? kung ikaw mismo kalimutan mo na ito at magpalit na kaagad ng pangalan at magparetoke ng mukha. Wag mong aminin na ikaw yun nakakahiya.

Moral lesson: WALA

Sunday, September 7, 2008

Giant Modess


Kung nagtratrabaho ka sa makati area at napadaan ka sa underpass nito, malamang nakita mo na ang famous Giant Modess...
Mga ilang linggo napansin ko na parang unti-unti itong natatanggal sa pagkakadikit, siguro may mga taong gusto nakawin ito hindi ko matukoy kung babae ba lalake o mga di-tiyak ang nag nais maiuwi ang Giant Modess. kamuzta naman sila! kasya ba sa kanila ito? Buti nalang at may mga guard sa underpass kaya siguro hindi nila ito madaling matangal sa pagkakadikit!

Thursday, September 4, 2008

Dearest Papa Chris

My Dearest Papa Chris,

Nahihilig po ako sa street foods nitong nagdaan na school year. Sarap na sarap ako tuwing kinakain ko sila, nakakaadik narin kung minsan at dito nauubos ang baon kong pera sa eskwela. Feeling ko rin tumataba na ako ng husto... Halos araw-araw ko po kasi silang nadadaanan sa tuwing papasok at uuwi ako. Nangangati ang lalamunan ko kapag di ako nakatikim ng favorite kong fishball, kikiam, squidball, kwek-kwek, sagot't gulaman, isaw, betamax, tokneneng and many more...
Hindi po pera o di kaya yung pagtaba ko ang problema ko now!
Nais ko lang po malaman kung ang fishballs po ba ay bayag ng fish?
at ang quidballs po ba ay bayag ng squid? e yung kikiam po, saan kaya gawa ito? at bakit tinawag na kikiam?


Lubos na gumagalang,
Miss Toni


Miss Toni,

Bwiseeeet! buong akala ko matatahimik na ang mundo ko sa mga letter sender hindi pa pala. Alam mo ba na parang nakainum ako ng dalawang paketeng extra joss nang mabasa ko ang liham mo.
Walangjo na tanong yan, may bayag ba ang isda? mahilig ako magluto ng isda, pero ni minsan dko pa nasalat na may bayag nga ito. Tinanong ko din ang kumpare kong si google ukol sa tanong mo at heto ang sagot nya:
Honestly, it depends on the type of fish. For example, male betta fish generally have long, flowing fins, while females are generally duller in color and have shorter fins. Livebearers, such as guppies, mollies, and platys, are slightly more difficult to tell, but it isn't so hard if you know what you are looking for. The anal fin of a male livebearer is pointy, while the female's hangs down like a flag. For other fish, like certain cichlids and other fish, sometimes color plays a factor in the determination of gender. In general, the brighter the color of the fish, the more likely the fish is a male. A lot of times, females are larger than males. All of this, as I said before, depends on the type of fish. For specifics, look up the fish whose gender you wish to determine to better identify your fish's gender.

Wala rin syang nabangit ng may balls nga ang fish, at ngayon ko lang nakitang nagkamot ng ulo ang kumpare kong yan! heto pa, pati ang squid mukhang wala din http://www.nzherald.co.nz/section/2/story.cfm?c_id=2&objectid=10348470 click mo ang link na yan...

Saan nga ba gawa ang kikiam?
ito ay gawa sa ground pork and vegetables wrapped in bean curd sheets then deep-fried until golden. hindi lang malinaw kung saang parte ng pork nila kinukuha ang laman pero nakasisigurado ako na hindi ito galing sa K ng baboy lalo na kapag lalake ang kinatay nila.

ang salitang kikiam naman ay mula sa salitang instik at kung di nyo naitatanong ang inyong likod ay may lahing instik ayon sa mga ninuno ko at nag aral din po ako ng salitang intsik nung highskul kaya madali kong masasagot yan!
Ang salitang pilipino ay may mga rules o batas na sinusunod tulad ng 'kung anong bigkas,sya ring sulat' tulad ng cake... sa tagalog keyk
kaya ang Que-kiam ay isinalin din sa tagalog 'kikiam' pero ang mga istudyanteng absent nung itunuro ito sa klase e ang buong akala nila kiki-am (ano 'to text message kiki sa am(umuga))mga bastos!!!!

Nawa'y nasagot ko ang malaki mong problem...
/papa chris

Monday, July 21, 2008

Kwentong LRT

Nasa LRT na ako bago mag 7:30 ng umaga, di ko pa nakikita si Boy Sando, Boy Epal, Boy Taba at Boy tatoo.... isa lang ang ibig sabihin nito, malaki ang posibilidad na hindi ako ma-late sa trabaho.

Pag-akyat ko sa LRT siksikan nanaman... makikipagtagisan nanaman ako ng lakas sa mga kapwa ko pasahero ng LRT.

Dumating ang unang tren, heto na at ready to fight na ang lahat parang takeshi's castle ang labanan... nagsuguran na ang lahat (pati ako!) pagpasok ko wala palang aircon kaya puro pawis ang dumampi sa braso ko maging sa barong at mukha ko. Muli akong lumabas dahil alam ko naman na may natitira pang oras para ma-buzzer beater ko ang grace period ng Timetrak, kesa naman magtiis ako sa Sauna bath LRT.

Dumating ang pangalawang tren, swerte at walang laman... pero skip train pala ito sa blumentrit station. Dumating ang pangatlong tren ilang segundo lang, at maswerte at wala din itong laman at sa wakas bumukas! Unahan nanaman kami parang trip-to-jerusalem ang labanan at matagumpay akong nakaupo. Kalagitnaan ng byahe, bilang may kumausap sa akin isang lalake nagtanong kung sa makati daw ako nagwowork, sinagot ko naman ng "Oo". tapos nakipag kilala na sya sa akin dun ko napansin na di pala sya lalake sya ay di-tiyak! sa boses palang alam ko na kaagad kaya lang nagduda pa ako, pero nung nagtanong na ng pangalan ko.. ayun alam ko na!



Biglang tumunog ang kampana, nagliparan ang mga kalapati at nagdilim ang kalangitan.... at tumugtog ang parokya ni edgar:

"One look and then yun iba namalagkit dumikit ang tingin ng mata one smile,iba na ang ibig sabihin'di na friends,ang tingin nya sa akin....... This guy is inlove wtih you pare"



Kungwari inaantok ako at nagtulog-tulugan mode nalang para di na nya ako makausap, pero makulit parin panay ang kausap sakin. Nakakahiya naman kung aawayin ko sa loob ng tren dahil wala naman syang ginagawang masama at being professional di ito tama. Tama! mukhang tatamaan na sya sa akin Grrrrr.... nilabas ko ang muscles ko! (para matakot! at isipin na gusto ko na syang sapakin) pero wa-epek puta! naiinis talaga ako!

Tiniis ko nalang ang galit ko dahil isang istasyon nalang naman. Bago ako umalis naisipan pa nya na magtanong ng number ko, kunwari wala akong narinig at bumaba nalang kaagad. Buti nalang at di na sya sumunod pa, dahil kung hindi malamang makita nila si Son Goku na nagsupersaiyan.

Hindi ito ang unang encountered ko sa mga ganyang tao dito sa LRT, meron pa nga nanghahawak pa ng pototoy! sinasamantala nila ang pagiging siksikan. Ok lang sana kung opposite sex, kaya lang same sex! punyetang buhay 'to... akala ng mga babae siguro sila lang ang nagiging biktima ng mga manyakis na lalake, kami rin pong mga lalake eh nabibiktima rin ng kapwa naming lalake. For me its not a big deal, dahil di nya naman ito kayang kunin nakakabit kaya ito, naka bulldog super glue ito kahit baliktarin kabit parin ehehehe!!!

Kapag ako'y nababato
Pinaglalaruan ko ang birdie ko
Ang cute-cute naman kasi
Kaya ko siya binili
My birdie is my bestfriend
Ang dami naming maliligayang sandali
Madalas ko siyang pinapakain ng birdseed
Mahal kita 'o birdie ko, 'wag kang lalayo!
Don't touch my birdie!
Resist temptation please!
You don't have to grab my birdie
Just call it, and it will come!
Ang birdie ko ay nakakatuwa
Parang cobra na mahilig mantuka
Kapag nilabas na mula sa kulungan
Tuluy-tuloy na ang aming kasiyahan
'Di naman ako madamot talaga
Ayaw ko lang na hinahawakan siya ng iba!
Ang birdie ko ay medyo masungit
Konting hawak lang siguradong magagalit!
Huwag ka sanang magalit sa akin
Tuwing ang birdie ko ay aking hihimasin
Sana'y maunawaan mo
Mahal na mahal ko ang birdie ko pati mga itlog nito!

-Parokya Ni Edgar-

Sunday, July 20, 2008

Patay na si SpongeBob

Nakakaawang tingnan si Bob habang naka handusay sa isang pampublikong daanan. Ayon sa SOCO si Bob daw ay natagpuang patay dakong alas-singko ng umaga. Hindi pa maipaliwanag ang tunay na nangyari sa isang sikat na aktor, pero ang maugong na balita mula sa mga saksi, maaring na-rape daw ito dahil wala nang salawal nang matagpuan. (nasaan na nga ba ang parisukat na salawal ni bob?)

Thursday, July 17, 2008

Eheads & ELungs


Finally after more than 5 years of waiting... the pinoy band that mattered ERASERHEADS together again for one night only concert on August 30 2008.
Una kong napakinggan ang eheads sa radyo, "toyang" ang unang hit single nila tapos kinabukasan nakita ko na may Tape album kami ng eheads (UltraelectroMagneticPop) binili ng tatay ko, hindi ko alam na nagustuhan nya rin pala ang kanta na yun. Pero bago ko sila nagustuhan fan nako ng 'The Beatles' nanghihiram nako ng tape sa klasmate ko na ganun din ang hilig, grade 3 pala kami nun at ang tape na hinihiram ko ay tape ng tatay nya. Ang tape kasi namin sa bahay Nazareth, Led Zeppelin, ABBA, at mga Instrumental, walang Beatles. Kaya nagulat ang tatay ko bakit ako may Beatles na tape at bakit yun ang nakahiligan ko samantalang hindi ko naabutan ang mga yun. Ang sagot ko ay "Ewan!" hindi ko rin alam kung bakit, dahil siguro nagustuhan ko ang musika, tono at lyrics ng kanta?. Baliktad nga ang nangyari, ako may tape ng 'The Beatles' tatay ko 'EraserHeads' weird.

Highschool ako nung nag-hit ang Eraserheads, sikat na sikat yung mga kanta nila at kapag may bagong album, tiyak naguunahan ang mga klasmate ko magbilihan. Payabangan kung sino ang unang magkakaroon ng bagong album... Hindi pa uso nuon ang CD at Mp3 player, kaya naman sa Blank tape pa ako kumukopya, isa na siguro ako sa kauna-unahang pirata dito sa pilipinas dahil cant afford ako sa tape nilang 200 pesos. Pero iba parin yung original copy kasi mas maaapreciate mo yung album kung may lyrics with picture na kasama.
Nitong martes ko lang natiyak na may concert nga ang Eheads, kaya naman sabik na sabik ako na marinig ulit ang hit songs nila, at makita na muling kumpleto ang banda. Nagtext ako sa dating kong klasmate nung highschool at ibinalita na may reunion concert sila. (isa rin kasi sa mga fanatiko ng Eheads yun). Hindi sya makapaniwala sa text ko, at hindi rin siguro ako kapanipaniwalang tao, kaya naman pinagtawanan lang nya ako.
Nagpunta ako sa Ticketnet.com para tingnan kung magkano ang ticket price, pero walang Eheads concert dun, kaya naman nag search ako at naki balita sa Chat. At ayun may nakapagbigay alam sa akin na Free concert daw ito at sa CCP Open ground gaganapin ang concert. For more info mag-log on daw ako sa Marlboro.com kasi sila yung sponsor at magbibigay ng libreng ticket.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, nagpunta nga ako sa site, pero nangailangan pa ng kung ano-anong ID number para makapag sign-up. Tinitiyak nila na 18 above nga ang magreregister sa site. At dapat nagyoyosi ka tinatanong din kung anong brand ang favorite mong ipasok sa baga mo (Pwede magsinungaling!).
Problema ko kung ayaw ko magsinungaling? Kasi nilalagay sa database yung name mo at ipapasa nila ito kay San Pedro para kunin kana (Biro lang... )
Isa pang problema, hindi nakalagay dun kung Second-hand smoker ka tulad ko at kung anong brand ang libre mong nasisinghot o favorite mong singhutin.
Problema nga talaga 'to mga tol!
Mga smokers lang ba ang pwedeng manuod sa EraserHeads One night concert?
Paano naman kaming Second-hand smokers?
Yung hindi smokers? at walang pambili ng yosi?
Yung dating smokers na ngayon ay may sakit ng TB?
Yung may TB at huminto na mag Yosi?
Hindi ba pwedeng gawin 2nights concert? yung isa sa smokers! yung isa sa second-hand smokers! ASTIG di ba? suggestion lang po ito..... Salamat!

Wednesday, July 16, 2008

LRT (Lightweight Railway Transportation?)


07.17.2008
Maaga ako gumising ngayon, dahil ayoko na malate pa ulit sa trabaho tulad kahapon. Ayoko na mag-file ng halfday, dahil halos lahat ng OT ko eh napupunta lang sa mga halfday na file ko. bale wala lang yung OT na ginagawa ko.

Paggising ko nagtimpla kaagad ako ng isang tasang kape at ininum, tapos diretso na sa banyo para maligo. Malamig masyado ang tubig pero di ko ito alintana, ang mahalaga makaligo ako at makaalis ng maaga para hindi na ma-late.

Alas-siete kinse nasa LRT nako, sakto lang para makarating ako sa tamang oras ng pasok (8:30am). Medyo mahaba ang pila, pero natural lang naman yung ganito kahabang pila kapag umaga. Pero ilang minuto na at hindi parin umuusad ang pila, parang di na yata ito natural. Ilang sandali pa ulit eh humahaba na ang linya ng pila.

Dumaan ang ilang minuto ganun parin, at ang pila halos umabot na sa kabilang istasyon sa haba. Mabuti nalang at hindi na umulan tulad kahapon.

Habang nasa pila, nakita ko ang dati kong officemate na si Bon, halos isang taon ko rin sya naging officemate pero ngayon ko lang nalaman na dito rin pala sya sa Caloocan nakatira. Maya-maya pa nagdatingan na rin yung mga madalas ko makasabay sa LRT. Si Boy Sando, payat lang sya pero feel nya magsando tapos yung barong nya nakasabit lang sa balikat nya. Si Boy Epal, kahit sino basta gusto nya kausapin eh kakausapin nya. Si Boy taba at si Boy Tatoo. Hindi ko na siguro kailanga pa i-describe dahil malamang alam mo na kung ano itsura nila...
Hindi ko naman sila kilala at hindi rin nila ako kilala, pero isa lang ang tiyak ko kapag nagkita kami duon... LATE NA AKO!.

Umabante na ang linya, di dahil sa pinapapasok na ang tao, kundi nainip na ang ibang nasa pila, magjejeep nalang daw sila. May lumapit sa akin na estudyante yata yun, at nagtanong kung umaandar daw ba ang LRT, ang sabi ko "Oo umaandar ang LRT" nagtawanan sila, pero ako hindi natawa naiinis na ako sa tagal.

Sayang ang effort na ibinigay ko. Mahirap kaya gumising sa malamig na umaga... daig pa nito ang awit ng Ibong Adarna. Hindi na rin ako nag Breakfast at nagtiis maligo ng malamig na tubig makapasok lang ng maaga, tapos eto late nanaman.

Kahit anong effort mo kung di rin talaga aayon ang pagkakataon wala din.

Nang makapasok na ako sa LRT tska ko lang nalaman na may sunog pala na malapit sa Libertad Station kaya ang Tren ay hanggang Gil Puyat lang, sakto lang dahil dito naman talaga ako bababa. Ang balitang ito ay hatid ni Boy Epal, kinausap nya kasi yung katabi nya... nagtanong siguro o umepal lang talaga saya para maging bida sa loob ng tren.

Pahinto-hinto ang takbo ng tren parang prusisyon, pero ok na rin kesa naman magjeep ako. Baka pagdating ko sa opisina e magamoy usok ako o di kaya magkasakit ng TB sa usok ng tambutso.

BUKAS GIGISING ULIT AKO NG MAAGA PROMIS!!!

Tuesday, July 15, 2008

Oily ba ang face mo Inday?

Dear Papa Chris,

Kami po ay nakatira sa ilalim ng tulay somewhere in Makati Area. Matagal na po kaming ganito, isang kahig isang tuka... katunayan tindera lang po sa palengke si Daddy, si Mommy naman po Janitress sa isang Big Company here in Makati. Isang beses sa isang araw lang kami kumain, at tuyo pa ang ulam... How sad di ba?!
Pero di po iyan yung problem ko, eto po:
Oily po ang face ko, Meron po ba kayo maipapayo kung paano ito mawawala?
Hereditary po ba ito kasi oily din ang face ng daddy ko....
How much po ba magpaconsult kay Dra. Bello?

Thanks and More Powers,
Inday



Oily ba ang face mo Inday?
pwes! maswerte ka!
Alam mo ba na nagkakagulo na ang bansang Pilipinas dahil sa langis na yan! at yang pagmumukha mo lang pala ang solusyon sa problema natin.

Isa kang bayani kung sakaling kaya mo magproduce ng 10litro kada araw.
Malamang patayuan ka pa ng sarili mong company sponsored by the Goverment c/o Madam Arroyo.

Pero wag ka basta papayag na abusuhin nila, dahil kayamanan mo yan.

Kung inaakala mo na madali lang gumawa ng Gasolina mula sa Oily mong face e, nagkakamali ka! may tinatawag na Oil Refining o Pagsala sa Tagalog bago ito maging Gasolina.

Marami at ibat-iba ang processong pwedeng gawin:

May tinatawag na Fractional Distilllation.
Kung saan pinapakuluan ang krudo at sa pamamagitan nito, nakakaproduced ng Kerosese, Gasoline, Gas, Diesel at iba pa....

Meron din namang tinatawag na Chemical Processing.
May tatlong paraan ang Chemical Processing
1. Cracking
2. Unification
3. Alteration
Ang Hirap diba?
Kaya ikaw Inday, wag ka basta nalang papayag sa mga gustong gawin sa face mo kung sakaling madiscover ka ng Arroyo family. Karapatan mong tumanggi....
Wag mo din sisihin ang mga magulang mo kung bakit Oily ang face mo! Hindi naman ito Hereditary o namamana. Talagang pinagpala ka lang! Try mo gamitin yan sa pagprito ng isda.
Bilib din ako sa lakas din ng loob mong magpakonsulta kay Dra. Bello, wala na nga kayo makain gusto mo pa magpakunsulta sa kanya! Walangya ka....
Lovelots,
Papa Chris

Tuesday, July 8, 2008

Pilipinas... Bow!

sa politika...
-ang gumagawa ng batas ang numero unong lumalabag dito.
-legal na magnanakaw ang mga nasa gobyerno.
-pa-simpleng kumakandidato na kahit malayo pa ang eleksyon (deny to death pa!)
-magka-tropa ang pulis at magnanakaw.
-pwedeng ilipat ang petsa ng holiday.
-may 'pro' at 'anti'
-lahat ng president may impeachment complain.
-legal ang sugal sa text.

Sa kalsada...
-overload ang mga pampasaherong sasakyan.
-trabaho ng trapik enforcer ang manghuli, hindi magayos ng trapik.
-hindi nagsusukli ang taxi driver.
-favorite ng pulis ang kulay violet. hate nya ang orange.
-favorite tapunan ng basura yung pader na may nakasulat na 'bawal magtapon dito'
-favorite din umihi ng lalake sa pader na may nakasulat na 'bawal ihi putol tite'
-hindi nasusunod ang bus stop.
-gusto ng pasahero sa mismong gate ng bahay nila sya ibababa ng bus.
-bawat kanto may pila ng tricycle.
-may tumatawid sa ilalim ng overpass.
-meron din sa ibabaw ng underpass.

Sa eskwelahan...
-ang pamagat ng lupang hinirang ay "bayang magiliw"
-usong assignment kapag pasukan ang manila paper, cartolina, cardboard, crayola, bunot, dustpan, basahan.
-may bayad ang test paper.
-madumi ang toilet.
-Sideline ng tindera ang pagiging teacher (elementary)
-Sideline ng mahihilig sa special project ang pagiging teacher (highschool)
-parang kabuteng nagsusulputan sa bakanteng building ang mga computer/caregiver schools.
-business na ang education.
-may bilyaran sa tabi ng mga school.
-may inuman sa tabi ng mga school.
-may computershop sa tabi ng mga school.
-may pokpok sa loob ng school.-may manyakis na prof. (lahat ng kasarian)
-may manyakis na estudyante. (karamihan)
-vandalism sa kubeta, hagdanan, upuan at pader.

Sa Television naman..
-Cooking show every sunday morning.
-showbiz chikka naman sa hapon.
-tagalized mexican, korean, chinese, japanese novela.
-sa showbiz kapag pogi, bading.
-kapag malaki tiyan, buntis.
-kapag pumayat, adik.
-kapag mataba, wala nang raket.
-commercial model turned actor.
-actor-turned politician.
-politician-turned actor.
-automated texm8 ang mga artista.

Sa opisina naman...
-3days lang ang life span ng ballpen.
-nagchachat habang nasa opis.
-telebabad habang nasa opis.
-ginagawang chat ang email.
-nagpprint ng assignment ng anak.
-Uso ang chain message sa email.
-chismosong mga guard.
-mautos sa mga OJT.
-mautos sa katrabaho.
-natutulog sa opis.
-ma-epal sa opis.
-naglalaro ng PSP sa opis
-naglalaro ng rubix cube sa opis.
-matagal mag-lunch.
-sobrang matagal mag-lunch (sa goverment office)
-pumapasok para mag-antay ng uwian.
-may lamok sa opis (samin meron, ewan ko sa iba)
-gumagawa ng blog habang nasa opis.
-nagbabasa ng blog habang nasa opis.
Natatawa habang nagbabasa...

Monday, July 7, 2008

Text

Hobbies na nating mga pinoy ang magbasa ng text na iba.
Wag kana mag kunwari pa.. kasama ka sa tinutukoy ko!
Kaya heto magbasa ka....

(Mag text na nabasa ko habang nasa LRT ako...)

Bata1: Lahat tayo nagmula kay eba at adan.
Bata2: Hindi yan totoo sabi ng tatay ko! nagmula daw tayo sa unggoy.
Bata1: Hindi natin pinaguusapan ang pamilya nyo kaya wag kang epal!

***
Sabi nila: kung sino may kailangan sya lumapit..

"Pano yng nalu2nod??

***

JUAN TO POSO NEGRO SERVICE on d phone:
JUAN: helo gud pm manong, humihigop po ba kau ng poso negro?
PNS: yes sir, bket po?

JUAN: Masarap?

***

GF: taguan tau!
BF: cge ba! ano premyo ko pg nhnp kta?
GF: Sex tau...
BF: uy wow! Eh pno pg d kta nhnap?
GF: iiihHh... kainis 2, basta! ns likod lang aq ng Drum okey...

***

ang alamat ng Maganda...

Isang araw...

Pinanganak ka..

-THE END-

nice naman!...

tandaan: ang alamat ay kathang isip lamang at
malayo sa katotohanan =))

***
Pickup lines (from text ulit)

may payong ka ba?
Inuulan ka kse ng kagandahan.

Charger ka ba?.. pa-charge naman oh..
i feel empty kasi without you..

magaling k ba sa geometry?
perfect ka kasi sa lahat ng angles eh..

Aanhin pa ang sinabawang gulay
kung sayo pa lang, makulay na ang buhay?

B: Hindi ka ba nalulungkot?
G: Why?
B: Kasi nag-iisa ka sa puso ko.
B: Alam mo gs2 ko maging Satellite..
G: Huh? Bakit Nman?
B: Para Mkaikot Ako sa Mundo mo..

shabu ka ba??
kasi im addicted to you!

may MMDA ba jan??
kasi nagbungguan puso natin..

lam mo...kung posporo ka at posporo din ako,
MATCH tayo...

manong guard: "miss, check ko lang po bag niyo. para kaseng...napasama ang puso ko."

Sunday, July 6, 2008

Pilipino Style Spaghetti (papa chris version)

Isipin mo linggo ngayon.... at nanunuod ka ng cooking show sa TV.

Pilipino Style Spaghetti (papa chris version)

Ingredients:
pisong Pamintang durog
3 pisong Bawang
3 pisong Sibuyas
1/4 kilo giniling na baboy
1 bote ng Ketsup
Murang Hotdog sa palengke (ussually maasim na ang lasa.)
Tomato Sauce
3 kilong murang spaghetti pasta
konting mantika (pwede manghingi sa kapitbahay para mas tipid.)
Asin
Asukal

Instructions:
1. Magpakulo ng Tubig na may asin. kapag kumulo na ilagayang spaghetti pasta ng 20-30 minuto. Hanguin at alisinang tubig
2. Gisahin ang bawang at sibuyas sa mantika.
3. Ilagay ang hotdog at giniling na karne.
4. Maglagay ng Asin at Paminta ayon sa iyong panglasa.
5. Ihalo ang tomato paste. (Lagyan ng tubig ang lata, ihalo din para sulit)
6. Ihalo din ang Ketsup. (sulitin lagyan din ng tubug at ihalo)
7. Lagyan ng Asukal ayon sa panglasa.
8. Tunawin ang gawgaw sa isang tasang mainit na tubig at ihalo.(pampalapot lang)
9. Paghain sa mesa lagyan ng keso.
10. Ipamigay sa kapitbahay at asahan na hindi nila huhugasan ang platong pinaglagyan(kainis! dagdag hugasan, yan kasi angkasabihan ng mga tamad na kapitbahay nuong unang panahon)

Monday, June 23, 2008

Ang Arte-Arte mo... Artista ka ba?

Ginagawa pa....

Papa Chris On-Call

This time phone call naman ang ating sasagutin....

Caller #1: Papa chris, May problema ako medyo nakakahiyang sabihin kasi… kasi…
Papa Chris: Ano ba yun sabihin mo na, wag kang mahiya.
Caller #1: Ano kasi e… ahhhmm
Papa Chris: Ganito para di ka mahiya, Takpan mo nalang yung mukha mo!
Caller #1: Kakahiya baka malaman ng parents ko
Papa Chris: Baguhin mo yung boses mo, gayahin mo yung boses ng chipmunks!
Caller #1(Boses Chipmunks): Kasi po nitong nakaraan araw medyo malamig ang panahon
Papa Chris: Ano naman kung malamig ang panahon?
Caller #1(Boses Chipmunks): Tumatayo po kasi ang ano ko… yung ano ko po! Alam nyo nay un!
Papa Chris: Ano naman ang problema dun?
Caller #1(Boses Chipmunks): Napansin ko po na napapadalas ang pagjajakol ko. Flag ceremony ko na po yung sa umaga, tanghalian, hapunan at may extention pa bago matulog….. Baka may mabibigay Kayong payo sa akin upang maiwasan ko itong bago kong bisyo. Masama po ba ito?
Papa Chris: Alam mo normal na ang pagiging manyak sa ganyang edad. Dumadaan talaga ang mga binata sa ganyang stage… abnormal ka kung di ka dumaan dyan. Mapalad ka at may palad ka! Gamitin mo yan. Kung payo ko ang hihingin mo para maiwasan ang pagbabate simple lang ang masasabi ko. Kapag naramdaman mong tumayo tumalon ka ng sampung beses. Iwasan mo ang lugar na walang tao. Tulad ng kubeta, kwarto, kwarto ng iba!!! Dun ka sa maraming tao, ito yung DeadSpot.

Reflection:
Kumpisalan…
Boy: Father patawarin nyo po ako kasi po nagjajakol po ako
Father: Ilang taon ka na ba iho?
Boy: 17 na po…
Father: Aba! 17 ka na pala dapat chinuchupa ka na, lika dito.

*******************************************************************************************

Caller #2: Papa Chris ano po ba ang scientific name ng cactus?
Papa Chris: Peromyscus eremicus
Caller #2: eh yung frog po?
Papa Chris: Hyla arenicolor Cope
Caller #2: Square root po ng 9?
Papa Chris: Punyeta ka! Ginawa mo akong si Ernie Baron (Sumalangit nawa). Kay Google mo tanong yan, wag sakin.

*******************************************************************************************

Caller #3: Magandang araw po, nais ko lang po sanang humingi ng tulong.
Papa Chris: Saan ka ba tumatawag? Hindi po ito 911
Caller #3: Sa inyo po…
Papa Chris: Kilala mo ba kung sino ako?
Caller #3: Hindi po.
Caller #3: Ay wrong send pala. Sori

*******************************************************************************************

Caller #4: Gud eve po, bakit po kaya hindi ako makapagsend ng text message?
Papa Chris: Wala kang load!

*******************************************************************************************

Caller #5: Hi po, ask ko lang po sana kung ano po ba yung Global Warming? At ano po ba yung epek nito?

Papa Chris: Iha, assignment ba yan? Wala kang pinagkaiba sa caller natin kanina ginawa mo ‘kong si ka ernie. Pero gusto ko yang tanong mo na yan. Ang Global Warming ay yung pagpalit ng klima ng mundo natin…. Isa sa mga sanhi nito ay ang Carbon Dioxide mula sa sinunog na Gas ng mga sasakyan. Kung mapapansin mo dati alas-8 ng umaga hindi pa masyado mainit, pero ngayon alas-7 palang eh sobrang init na. Alas onse palang ng umaga pawisan na ang kili-kili ng mga tao ngayon, kaya naman sibak-sibak ang factory ng Deodorant. Sila ang kumikita sa Global Warming. Sabihin mo sa titser mo yan!

Caller #5: Salamat po, pwede paki ulit…. Di ko po napindot yung record.

*******************************************************************************************

Caller #6: Papa Chris, bakit po arinola ang madalas inireregalo kapag bagong kasal? Ano po ba yung significant nun?
Papa Chris: May asawa ka na ba?
Caller #6: Opo
Papa Chris: Gaano kayo kadalas mag sex nung unang buwan nyo?
Caller #6: Ihi lang po ang pahinga!
Papa Chris: Kita mo! Sinagot mo na din yung tanong mo… gusto kasi ng tao na yun bigyan ka ng pahinga. Mas madali Kasi kung sa arinola ka nalang iihi kesa sa kubeta.
Caller #6: Sino po ba nagpauso magregalo nyan… I mean yung unang nagregalo po.
Papa Chris: Hindi ako Geologist para masagot yan. Pero ang alam ko lang Lalake ang nakaisip mag-regalo nyan.

Reflection:
“Ihi lang ang pahinga, may boso pa!”

Sunday, June 22, 2008

Usapang Tax

Tax is a financial charge or other levy imposed on an individual or a legal entity by a state or a functional equivalent of a state (for example, secessionist movements or revolutionary movements). -source: http://en.wikipedia.org/wiki/Tax

Tuwing bubuksan ko ang payslip ko, at makikita ang Tax na ibinabawas sa akin sumasama na ang loob ko. Naiintindihan ko naman ang kahalagahan ng Tax, sang-ayon ako sa Batas na ito. Walang duda malaki ang naitutulong nito sa Bansa.

"Tax can result in anything from the mechanisms of slavery to the fruits of re-distributive social revolution, depending on the details of its implementation."

Highschool at College may Subject akong Economics, at natatalakay dito ang Taxation sa Pilipinas. Hindi ako lumiliban sa klase,always present! pero ang isip ko, cutting classes nagiisip kung ano ang ulam na masarap sa karinderya. Hay ang tagal naman matapos ng klasena 'to. "Press the button to eject the teacher" yan yung nakasulat sa desk ko. Hindi ko alam kung sino yung nagsulat nito. Malamang boring yun sa teacher o sa subject. Ako sa Subject.
Hindi ko pa ramdam ang tax nuon, hanggang sa nagkaroon na ako ng trabaho. Head of the family ang inilagay ko. Mas maliit daw ang tax na ibabawas kapag ganito ang status mo. Pero parang waepek!. Anino na ng trabaho ang Tax. Mahirap magtrabaho sa Pinas halos pagpawisan ang singit mo at dumugo ang brain cells kakaisip. Pero ang sahod? hmmm.... pangbinata!
Nakakabwiset lang kasi kapag naiisip mo ang hirap ng trabaho. At kung saan napupunta ang Tax na ibinabawas sa sahod mo. Ito yung ginagamit sa mga Goverment Projects at ipinapasahod sa mga Goverment Officials and Employees. Tapos kapag dumaan ka sa kalsada lubak-lubak, at kapag minamalas kapa huhulihin ka ng mga buwayang pulis. Kung ano-anong violation ang isasampa sayo hanggang mapilitan ka mag-abot ng lagay. Take note, di sila tumataggap ng ibang national hero, ang gusto nila si Manuel Roxas o di kaya si Ninoy.
Sa tanggapan naman ng Gobyeno, ito ang scenarion na makikita mo...
Nagdadaldalan na parang nasa palengke lang.
Nagchachat, internet, at nagprint ng assignment ng kanilang anak.
Nagtetext.
Nagpapaload.
Palakad-lakad.
Chismisan.
Kumakain.
Telebabad.
Kliyenteng nahi-highblood na sa haba ng pila.

Bwiset diba?. Kasi mula sa butil ng pawis mo ang sahod na natatanggap nila, tapos di ka mapagsilbihan ng mahusay.
Handa ako magbigay ng malaking buwis, pero sana katanggap-tangap naman ito. Sulit kumbaga.

Saturday, June 21, 2008

Dear Papa Chris (3rd edition)

Dear Papabol Chris,

Isa po ako masugid na taga subaybay ng inyong programa.
At dahil dyan naisipan ko po na lumiham at idulog ang ang
sarili kong problema. Napansin ko na mabilis at maganda naman
ang inyong response sa mga lumiliham. Maliban nalang po sa PH Care,
kasi po may brand na PH Care... at nagamit kona ito (hihihihi).

Ito po ang aking problema:
Ilang boyfriend na rin po ang nagdaan sa akin pero lahat sila ay iniwan po ako.
Masakit dahil ibinigay ko ang lahat. As in lahat-lahat! at kahit na ano handa ako
ibigay, maliban lang sa anak. Matagal ko na itong ipinagdarasal, na sana isang
araw ay mabigyan kami ng boyfriend ko. Marami narin akong sinubukan. Nandyan
yung sumayaw ako sa obando. Nagdasal at nagalay sa fertility statue, Nagpakunsultasa doktor, albularyo, manghuhula, at dun sa kapitbahay naming parang kuneho (hehehe).
Sinubukan narin po naminang ibat-ibang style pero waepek!!!
Marahil ito na po ang dahilan kung bakit nila ako iniiwan. Hindi ko maibigay ang bagay na makakakumpleto ng pamilya. Kaya naman naisipan ko ikwento ang problema ko sayo papa chris baka sakaling may maganda kang payo, at makapagbigay ng tulong.

Lovelots,
Rodel (Muah!!)




Rodel,

Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa! MALANTUDAY ka iha, este iho
kahit anong sayaw mo sa obando, marilao, bucaue, bulacan e hindi
ka mabubuntis dahil wala kang Martres/Ovary naintindihan mo ba?
Muli mong balikan ang Grade 6 notebook mo, kung may naisulat kasa
reproductive organ. kung wala naman dun sa dati mong klasmate kung
buhay pa ang notebook nya. Baka kasi ginawa nang pambalot ng tinapa.
Mahirap talaga yang problema mo! idinamay mo pa ako.
Walangjo naman kahit anong posisyon ang gawin nyo di talaga bubukol yan.
May kasabihan na "Kung di ukol, di bubukol" i-print mo yan at isabit sa pintuan
mo harap at likod para lagi mo matandaan. Tungkol naman sa PH care, alam
mo ba na kabubukas lang ng factory na yan matapos ko sagutin ang liham.
Nawa'y nalinawan ka sa sagot ko. Kung malabo, Magsalamin ka! mata mo lang
ang malabo.


/Papa chris

Monday, June 2, 2008

Tinimbang ka ngunit kulang

kahapon ng umaga pagising ko diretso ako ng kubeta, bubuksan ang gripo at sabay buhos ng tubig 'whooosh put@*#$ ang lamig!" (yan ang madalas kong ritwal sa umaga). Tapos kukuha ako ng paborito kong shampoo ('di ko na sasabihin kasi magiging product endorser na dating ko). Medyo nagulat ako sa paborito kong shampoo kasi naiba yung kulay at lumaki. Sabi dito 30 persent more! WoW naka tipit kami! akalain mo yun may libre din pala sa hirap ng buhay ngayon... Subalit hindi dyan nagtatapos ang kwento ko. Kasi naghihinala pa rin ako (Tamang hinala kasi ako nung araw na 'yun) kinuha ko yung dating lalagyanan kinumpara ko yung laman ng luma at laman ng bago. Alam mo ba kung ano nalaman ko? (sumagot ka ng "ano?" para maganda usapan natin). "Ano?" eh di parehas lang ang laman ng bago at luma. Walang hiya yan!. Lumaki lang ang lalagyanan at nadagdagan ng babaeng modelo na mas maganda kesa sa dati (pero mas malaki yung sakop ng buhok kesa sa mukha ng babae). Hindi lang yan, tinanong ko din ang nanay ko kung magkano ang bili sa bagong paborito kong shampoo (sumagot ka naman ng "magkano?"). "Makano?" mas mahal ng dalawang piso kesa dati kasi daw may "30 persent more" anak ng tinapa! nagdadag tayo para sa lalagyan?. Bwiset talaga naloko at ninakawan nanaman tayo ng mga punyetang bisnesman na yan ok lang sana kung mahihirap maiintindihan ko pa. Dito sa pilipinas yung mga mayayaman at makapangyarihan ang syang magnanakaw at manloloko! ang mayayaman lalong yumayaman ang mahihirap patuloy na niloloko ngunit walang magawa (dayain ka ba naman sa pamamagitan ng mga produktong kailang mo tulad ng pagkain at gamit sa pangaraw-araw). Wala na talaga! masyado na kurap, maitim ang budhi, kili-kili singit at kuyukot ng mga taong ito..... Kaya ako? bibili parin at gagamitin parin ang paborito kong shampoo kasi nga paborito ko eh! at wala na akong magagawa. Kung pwede lang pigain yung lalagyanan eh gagawin ko para lang masulit ko! ayaw mapiga eh! nasugatan lang ako...bye! uuwi nako!

Note: Matagal ko na po ito na post sa Friendster now ko lang upload sa blogger.

Stars are Blind

Nakaugalian ko na tuwing sasakay ako ng LRT o MRT ay kukuha akong libreng dyaryo at magbabasa.
Kadalasan mga isyung politikal at isports ang binabasa ko. Ngunit sa araw na ito eh horoscope ang napagdiskitahan ko (hindi ko alam kung may kuneksyon ito sa kinain ko kaninang umaga).
sabi dito: wag masyado magpakapagod at may swerte daw na darating. (Wow ano kaya un?)!
lucky number:8,9,10,17lucky color: blue and green

kaya pagdating ko sa trabaho agad akong umupo at nagpahinga... para swertehin! hehehe.
Sinubukan ko naman mgbrowse sa website ng horoscope at heto naman ang sinasaad: Prepare yourself for various distractions today: they will be pleasant ones that could guide you towards new interests and hobbies (and new friends too) but they will be distractions. Staying focused will seem quite hard today, especially when you’re not in the mood for work or school.luck num 6,15,23,24,38,47horoscope.com

Matapos ko mabasa naguluhan ako para yatang rereglahin ako sa mga nabasa ko kasi magkaiba! sino ba talaga ang totoo sa dalawa at hindi lang yan! naghanap pa ako ng ibang dyaryo at iba din ang sinasabi. Hindi ko tuloy alam kung anong lucky number ko at kung anong kulay ng damit ang susuotin ko (blue, red, black, gray, pink... ewan!). Paano ba talaga sila magbasa ng kapalaran? Meron ba itong basehan? Paano? Bakit laging may horoscope sa dyaryo? sa divedendazo wala? (eh sila dapat ang meron nito para alam nila kung anong number ng kabayo ang tatayaan nila di ba?)

Una pinagaaralan ang mga posisyon ng tala at planeta (Astrology ang tawag dito) sa araw ng kapanganakan ng bawat tao kung paano ito nakakaapekto sa ugali, pagibig, pera, at swerte. Binubuo ito ng 12 sign (aries, leo, virgo, taurus, gemini, canser, libram scorpio, sagittarius, capricorn, aquarius at pisces). Matapos makalap ang impormasyong mula sa Astrology gagawin itong horoscope at isusulat sa mga pahayagan. Sa madaling salita nagsimula sa science (astrology) tapos sa hula (horoscope) at nagtapos sa tsismis (Dyaryo). Ngunit nalilito ako sa mga lucky number? saan ko ba ito magagamit? sa ending?, sa karera?, sa lotto? eh yung lucky color? sa damit ba? sa brief?, sa pantalon?, sa ballpen? kakalito! HINDI NAMAN KASI PINAPALIWANAG ITO NG MGA NAGSUSULAT NG HOROSCOPE! madam auring, madam tusia, madam veronica, mr xerex PAKIPALIWANAG NAMAN PO!
BADTRIP! HINDI AKO SINUWERTE SA ARAW NA ITO! (10-29-06)

Flip (Flippino?)

Isang araw napagtripan ko kalikutin ang ilog ko, hindi ko alam kung bakit....(trip ko lang siguro yun dahil walang magawa) at may nakapansin sa akin sinabihan ba naman ako ng "Mukha kang Flip!" nabasag ang kahibangan ko sa pagsundot ng aking ilong at napahiya sa aking pinaggagagawa, pero masarap ang bagay na ito nakakalibang try mo!Hindi yung ilong ko ang gusto kong pagusapan natin, kundi yung salitang "Flip".

Ano ba ibig sabihin nun? bakit ako sinabihang mukhang Flip? may tagalog ba nito? naglaro sa akin isipan kung ano ibig sabihin nito at ito ang natuklasan ko Flip: Goodlooking, Agreeable to the eye or to correct taste; having a pleasing appearance or expression; attractive; having symmetry and dignity. (Pawang walang katotohanan po itong nasa itaas at gawa-gawa ko lang)
***Ito po ang tunay:Flip: to become insane, irrational, angry, or highly excited (verb: go mad, go crazy)Flip (slang), a slang word used to refer to Filipinos(source: http://en.wikipedia.org/wiki/Flip)

Hindi ako matinong tao at inaamin ko yan at siguro alam mo din yan bago ko pa malaman. Hindi lang kahulugan ng salitang "Flip" ang natuklasan ko sa internet, maging ang salitang-ugat nito. Ito raw ay galing sa salitang Filipinos (opo tama po ang binabasa nyo!) slang language daw yung Flip for Filipinos na ang meaning eh "fucking little island people or funny little island people". Kung isa kang pinoy at nabasa mo ang bagay na ito eh tiyak rereglahin ka! magiinit ang ulo mo sa tao/mga tao na nagimbento ng salitang ito, at kung hindi mo mapigilan ang sarili baka makapatay ka pa ng sampung libong american cockroach! (Interesting facts: American cockroaches are the largest of the common roaches.) Flip man ako, ikaw, tayo eh hindi ko alam. Wala akong pakealam sa opinion ng iba, may sarili akong opinion! At akin nalang yun....... Pero kung pipilitin mo ako eh sasabihin ko din naman.

Ikaw: Cge na please, ano ba opinion mo?
Ako: Pilitin mo muna ako.....
Ikaw: uhmmm... eto tatlong daan pwede na ba?
Ako: May prinsipyo ako sa buhay, pero dahil kaibigan kita cge na na nga! hindi ka naman iba sa'kin, ilagay mo nalang sa bulsa ko...
Ikaw: ......
Ako: Bilis habang walang nakatingin.

***Nuong Abril 20, 1999, sa Columbine High School, Colorado, USA, dalawang istudyante ang pumatay sa labing dalawang kapwa nila istudyante at isang guro, habang dalawamput apat naman ang sugatan, matapos ang pangyayari agad nilang sinunod ang kanilang sariling buhay. Gamit ng dalawa ang sawed-off shotgun, 9mm Hi-point carbine, 9mm TEC-9 semi-automatic pistol at ibat-ibang pang pampasabog! (isa lang masasabi ko sa kanilang dalawa ASTIG!)Pero may mas astig pa dyan, si Andrew kehoe school board member ng Bath Consolidated School. Matapos patayin ang sariling asawa at sunugin ang kanilang bukirin eh sinunod ang iskuwelahang pinapasukan, sunod-sunod na pagsabog at kumitil ng 48 katao. Karamihan ay istudyanteng nasa ikalawa at ikaanim na baytang ng nasabing eskuwelahan. (Lupet!)
(Interesting Facts: Ang naunang nabangit ay ginawan pa ng RPG (role playing game) video games kung saan pwede ka gumanap na isa sa dalawang astig na istudyante at gayahin ang trip nila.)
Flip: to become insane, irrational, angry, or highly excited (verb: go mad, go crazy)Flip (Slang): a slang word used to refer to ______ (kaw na bahala maglagay, labas nako dyan)

PVB Death Administrator

This time isang tula ang aking handog hehehe
Maiba naman...

"PVB Death Administrator"

Ako'y lubos na nababahala
Tuwing pangalan nya'y nakikita
Dahan-dahan pipindutin
email nya wag sana para sakin

Malungkot na balita kanyang hatid
Mga luhang walang patid
Tibay ng samahan laging nandyan
Handang kang damayan kaibigan

Hawak nya ang buhay mo!
Gusto mo pa email ko?
Sympathy & Condolences
Message nya sayo....

Friday, May 23, 2008

Dear Papa Chris (2nd edition)

Due to insisting public demand nagbabalik po ang ating programang "Dear Papa Chris"

Hello Papa Chris,
Ako po ay si Jenny, 17 taong gulang at kasalukuyang nagaaral ng highskul. Nagsulat po ako para humingi ng payo tungkol sa aking pagdadalaga. Nitong nakaraan po kasi may tumubo sa pisngi ko. Tagyawat po yata ito, pero sabi ni tatay tigyawat si nanay naman taghiyawat... Nakakalito po kasi talaga. Nahihiya po ako kc medyo malaki sya at namumula. Marami na rin po akong sinubukan na gamot. Napanuod ko po yung commercial ni Dawn Zulueta, Vitamin E po yata yun. Pagtapos inumin ng gamot gumanda ang kutis nya, at yung bulaklak bumalik din yung ganda blooming in an instant. Pero nung nagpunta ako sa botikang malapit sa amin, mahal pala ang isa nito. Cant afford ako!. May nakita akong alternatibo na kaparehas din ng gamot na yun. Ganun din ang epekto tulad sa commercial naging blomming ang bulaklak. Saktong meron kami nito! PH Care angtatak! ginagamit siguro ni Nanay ayaw nya lang sabihin sa akin. Itinago nya pa ito sa loob ng Kubeta ang buong akala nya hindi ko makikita. Walang nakalagay na instruction sa paginum kaya hinulaan ko nalang. Hindi ko rin makita yung box na lalagyanan. Siguro tulad din ito ng ibang gamot, isang kutsarita sa umaga at bago matulog. Pero Hindi ko masabi kung epektib nga ba kasi wala paakong nakikitang pababago o mali yung paginum ko. Papa Chris, ano ba ang tamang paginum ng gamot na ito?. Salamat.

/Jenny



Kabobong Jenny,

Ang commercial ni Dawn zulueta at ang commercial ng Lactacyd ay may parehas na bulaklak pero di ibigsabihin parehas sila. Punyeta ka!!! Ang PH Care ay hindi tatak, malamang Lactacyd ang tatak nyan. Hindi rin iniinum yan!!! Pang hugas sa Pepe yan! sa Pepe! sa Pepe! Magbasa ka kasi. Nahihighblood ako sa problema mo. Tungkol naman sa tumubo sa pisngi mo, pimples nalang ang itawag mo wag nang kung ano-ano pa.
Mukhang nagkamali ka ng pinagtanongan kasi hindi naman ako doktor. Nextym, kung maynextym kapa!. Wag kang iinum ng kung ano-ano, maaring makaapekto ito sayo. Baka magmukha kang pekpek kakainum ng Lactacyd at biglang may bumulwak na regla sa mukha mo.

Lubos na Highblood,
Papa Chris

Thursday, May 22, 2008

Mahilig ka ba sa Showbiz?

Mahilig ka ba sa showbiz? kung ang sagot mo ay hindi 90% SINUNGALING KA!!! kunwari ka pa! alam ko naman na alam mo na si Piolao Pascual ay napapabalitang bading. At magpahanggang ngayon problemado parin ng mga chizmoso/chizmosa kung sino at ano ba talaga ang kanyang love interest.
Nuong bata ako gustong gusto ko magshowbiz dahil feel ko maging sikat. Gusto koyung hinahangaan ako ng maraming tao, tinitilian at pinagkakaguluhan. Pero nuon yun nung bata pa ako. Habang lumalaki kasi ako napagisip-isip ko na wala naman talaga akong talent na katulad ni Aiza. Maliban sa pangongopya at gumawa ng kodigo,mukha naman daw kasi na hindi ko kayang gawin ang ganung bagay ayon sa mga naging teacher ko.

Unhealthy din kasi matatawag ang mundo ng showbiz. Puyatan to the max ang artista.Kahit madaling araw basta trip ng direktor na magshoot go ka parin at dapat mukhangfresh ka kahit tatlong patong na ang eyebugs mo! hindi pwedeng umangal at maginartelalo na kung beginners ka lang. Wala kang "K" as in Karapatan. Para kang papet kungsabihin nilang sayaw, sayaw ka rin. Hubad! hubad kaagad...(sibak sibak ang crew!).Nandyan din sa bakuran ng showbiz ang mga Chizmoso at Chizmosa ( Ex. Boy Abunda, kris Aquino,Lolit Solis, John Lapuz, Cristy Fermin, Jobert Sucaldito)
Magholding hands lang kayo ng leading lady mo e siguradong nagSex na ang lalabas kinabukasan sa mga dyaryo! Hindi ka rin pwdeng uminom ng sobra, Bad image ang dating kung lalake ka at sa babae naman tiyak pagkakamalan kang buntis.
Nandyan din ang mga mapagsamantalang manager. Mamanyakin ka at paaasahin na bibigyanng trabaho wala naman pala. At wala na rin akong tiwala sa showbiz dahil wala na dawvirgin sa showbiz maliban nalang sa mga going bulilit.

Kung ang kapit bahay nyo ay may pagkakahawig sa mga ito. Magingat kayo!!!


ogie diaz - chizmoso (di tiyak)

cristy fermin - chizmosa

Jobert Sucaldito - Pwedeng Chizmoso, Pwede ring Chizmosa



Boy Abunda - Parehas lang sila ni Jobert!!!!



Saturday, May 10, 2008

Tips sa mga walang pera pero gusto makipag-date

Mahirap na talga ang buhay ngayon. Kulang na ang supply ng bigas,kaya box-office hit ang PPA Rice. Ultimo vintage brief ng lolo mo e ibebenta mo na magkapera lang. Tapos papasok pa ang lovelife sa buhay mo, hindi mo naman ito mapipigilan dahil parte yan ng buhay. Kaya naman nangalap ako ng tips mula sa ibat-ibang tao kung paano makakatipid kapag makikipag date.

1.Magdasal bago ang lahat.Relihiyoso tayong mga pilipino kaya lahat ng bagay na ginagawa natin ay may kasamang dasalmaging pagtaya sa lotto, sabong, jueteng, at maniwala kayo sa hindi ang snatcher, holdaperat politiko nagdadasal bago gumawa ng kasalanan. Amen!Bumalik tayo sa topic. Kapag wala kang pera, gumising ng madaling araw. Tipong madalim pa ang paligid na halos wala kang makita. Ipikit mo lang ang iyong mata. Tandaan gawin itong walang nakakakita. Huminga ka ng malalim. Dahan-dahan mo idilat ang iyong mata. Presto!kung ano ang unang gamit na makita mo, ibenta mo. Isipin na papalitan mo din ito kapag nagkapera ka na.

2.Mag survey bago ka makipag-date. Alamin ang mga value meal. Kung may combo meal yun ang piliin. Isa alang-alang din ang lugar ng kakainan, mas ok kung sa medyo walang tao para makapag-usap naman kayo nang hindi nagsisigawan dahil baka tumalsik ang laway mo. Dyahe! minus 40pogi points yan.

3.Huwag magdala ng barya. Minsan ang mga tsuper tamad magcompute ng pamasahe, kaya mas ok sakanila yung sakto yung bayad."Wala ka bang barya? kalalabas ko lang e!". Kung suswertehinka at yung ka-date mo may bariya syempre libre kana. Wag kalimutan magsabi ng "salamat! mamaya magpapabarya nako..." (with smile ha)

4.Wag masyado maglaka-lakad. Kasi kapag napagod ang ka-date mo tiyak na magugutom yan.

5.IKwento mo yung mga bagong pelikula para mawalan sya ng gana panuorin ito. Pwede ka rin naman magibento ng istorya kahit di mo pa ito napapanuod. With action para talaga mawalanng gana!


sa mga gustong magbigay ng iba pang tips, mangyari po lamang mag email email: christopher.tano@gmail.com

Cool nga ba ang summer?

Cool nga ba ang summer? Hindi ko alam kung saan nanggaling ang bukambibig na yan,kasi hindi naman talaga cool ang summer. Summer nga, ibig sabihin mainit... ok lang sya?! Malamang ang nakaimbento ng salitang "cool ang summer" ay isang ibang klaseng nilalang na hindi kinakapitan ng init sa katawan. Maswerte sya at hindi nya na kailangan pa magsuot ng basahan shirt kapag summer. Ito yung damit na kulang na sa pansin, nakatago sa pinaka ilalim ng kabinet. Kandidato rin sa Basahan shirt yung mga damit na pinamimigay ng libre kapag pasko at ng mga kumakandito kapag eleksyon. Kadalasan kasi maninipis ang tela nito na halos pati
buhok mo sa katawan bakat (kung meron man).

Kapag ganitong panahon, talaga naman matindi ang sikat ng araw. Kung nasa beach ka, sigurado naka-kunot ang noo mo sa tindin ng liwanag na nakukuha ng iyong mga mata. Hindi ka mageenjoy kasi hindi mo matititigan ang mga babaeng naka two-piece! two-peace! o two-pieces? kasi morethan one di ba? swimsuit nalang. Kung babae ka naman, ganun din hindi ka mageenjoy hindi mo masyado makita ang wankata ng mga papa. Kaya para magenjoy masuot ka ng shades, proteksyon ito sa matinding liwanag ng araw. Hindi halata na titig na titig sa mga wankata ng bebot! at papa!

Nitong nakaraan buwan nagpunta ako sa beach. Napansin ko na hindi na balanse ang kalikasan, kasi marami nang bubuyog ang nagkalat sa dalampasigan. Pero hindi pala ito bubuyog, mga fashionista daw sila ayon sa isang bubuyog na nakausap ko. Ito ang uso ngayon dude!, sabi nya sa akin. Malamang napagiiwanan na nga ako, pero mas ok kung di ko susuutin yan kasi malamang hindi bubuyog ang kalalabasan ko kundi bangaw!

Senyales na summer na!
Kapag may nakita kang batang lalake na nakasuot ng palda.
Nauubos na ang dahon ng bayabas.
Apoy na ang ibinubuga ng electric fan.
Medyo tumaas ng 50% ang electric bill. Medyo pa lang yan!
Medyo tumaas din ang bill ng tubig.
Marami nang bubuyog sa beach. Kahit sa mall meron din.
Paiksian na ng suot. Panalo!
Nagsusulputan na ang tindahan ng halo-halo.
Mabenta ang ice candy.
Sports minded na ang mga SK.
May basketball league sa bawat baranggay. daming papabols!
Marami bading na nagkalat sa basketball court.
Hindi lang dreams ang wet, pati kilikili. ehehehe!


....to be continue! pagod nko magsulat

Thursday, May 8, 2008

Dear Papa Chris

Dear Papa Chris,
Sunod-sunod ang problemang naganap sa buhay ko ngayon, sa bawat dagok halos masubsob ako.. di ko na alam kung ano ang aking gagawin kaya naisipan ko humingi ng payo mula sa iyo. Nagsimula ang kalbayo ng buhay ko mula nung pumasok sa buhay ko si SARAH. Mahal ko sya papa chris, kaya naman halos araw araw tinitext ko siya. Mula umaga hanggang gabi. Na halos makalimutan ko na kumain ng almusal, tanghalian, hapunan at maging pagpasok sa trabaho. Kapag na sa trabaho, nakakalimutan ko na ang utos ng boss ko dahil sa busy ako kakatext sa kanya. Ganun din sa pagpapakainin kila twit-twit yung alaga kong ibon, at kay mokslok yung aso ko, ayun tigok!. Maliban nalang sa pusang alaga ko. Madiskarte kasi sya, tirador ng ulam ng kapit bahay hehehe!. Isang araw nautusan ako ng boss ko ma isarado ang opisina, dahil panay ang text ni SARAH naubusan ako ng load at mabilis ako nag-out sa trabaho. Kinabukasan nagulantang nalang ang buong opisina, kasi malinis na daw. Wala na yung upuan, lamesa, computer, at yung paboritong aquarium ni boss. Resign. Dito palang nagsimula ang mabigat na problema ko papa chris. Dahil wala na akong trabaho ngayon, wala na din akong pangtustos sa bisyo kong text. Para pala itong yosi... nanginginig ang hinlalaki ko, naglalaway, namumula ang mata at tinutubuan ng pangil. Malungkot ako kasi hindi ko na natitext si SARAH. Miss ko na sya. Papa chris, mahal din ba ako ni SARAH? kasi napansin ko hindi na sya nagttext. Kailangan ako pa yung unang magttext bago sya magreply. Napansin ko rin na hindi man lang sya nagtatanong tungko sa akin, parang wala sya pakealam. Sa sobrang galit ko itinapon ko ang cellphone ko at napaluha ako... naalala ko nung una ko syang itinext. Umaga yun ng sabado, may biglang nagtext sa cell phone ko "GUSTO MO BANG MAKATEXT SI SARAH?". syempre maganda sya at gwapo naman ako (ehem!) bagay kami diba, kaya dali-dali ko syang itinext. SARAH ON tapos send ko sa number nya. maiksi nga lang yung number kaya madali kong natandaan (di ko na sasabihin baka itext nyo pa! clue 4 na numbers lang). Tapos duon na nagsimula ang maganda naming samahan, biruin mo kahit kumakanta sya sa TV nagagawa parin nya mag-text sa akin. Habang sumasayam nagrereply saya, kaya naman alam ko nung panahon na yun e mahal nya ako. Hindi tulad nitong huling araw na wala na akong load sa cell phone. Masakit para sa akin yun papa chris. Sana di ko nalang sya nakilala. Sana di ko nalang sya minahal. Payuham mo ako papa chris, di ko na ito kaya...
Nagmamahal,Betong

Kabobong betong,
Matanong lang kita, adik ka ba? para ka kasing nakalanghap ng usok ng katol (biro lang)Dapat siguro magpakunsulta ka na sa doktor, dahil ayon sayo na kapag di ka nakakapagtexte nanginginig ang mga hinlalaki mo. Sinyales na yan ng -- di ko matandaan kung anong sakit yan, pero may sakit ka!. Kung ayaw mo naman magpunta ka sa pinakamalapit na albularyo magpatawas ka baka may sapi ka. Alam mo ba na dumugo ang brain ko habang binabasa ko ang liham mo. Walangya ka akala ko kungsinong Sarah na yung katextmate mo, pero maswerte ka parin dahil hindi si Sarah jane yan.Mapunta tayo sa mga tanong mo, una kung mahal ka ba ni Sarah? Ang sagot ko hindi! walang pakealaman, opinyon ko 'to. Pangalawa kung bakit di sya nagttext kapag di ka nagttext? syempre automated yan! no text no reply policy. Pangatlo kung mahal ka nya? Hindi, Hindi Hindi. At kung payo ko naman ang gusto mo. Simple lang ito WAG KA MAGTEXT lalo na sa ARTISTA.

Ang lahat ng ito ay kagagawan ng mga punyetang telecom companies tulad ng - (wag nalang baka makulong pa ako) mga wala silang magawa sa buhay kaya naisipan nilang gumawa ng ganitong bagay. simple lang ang rason, gawin alternatibong sugal-libangan ang pagtetext kesa naman maglaro ka ng kara-kruz o sakla. Bakit ko nasabing sugal-libangan ang bagay na ito? kasi para magkaroon ka ng load, kailangan mo bumili sa tindahan ng load. Ibat-ibang variety ang pwedeng mabili. pasa-load/share-load para sa nagtitipid. 30, 60, 115 naman para sa may pera. 100-500 pesos cardload para sa sosyal. Matapos mo mabili 'to ang pera mo ay automatic na-convert sa load. Dito na papasok ang kalokohan ng mga walanghiya. Kasi sa bawat text mo kay SARAH mababawasan ka ng 2.50 pesos. At ang walang kamalay-malay na si Sarah, inuulan na ng text habang kumakanta at telebisyon. Pero syempre may komisyon dito si sarah.

Para sa inyong katanungan, payo o comments mangyari po lamang mag text sa CHRIS(space)ON at send sa 2366.

Isa ka dito: