Tuesday, September 15, 2009

Dear Anya,

Hindi talaga kita kilala, ni hindi pa nagkatagpo ang ating landas, maging ang anino mo ay hindi ko pa nakita. Pero sa mga kwento ng kaibigan ko, parang kilala na kita. Sa mga larawan na ipinakita nya parang naroon narin ako at nagkakilala tayo. Malinaw nyang nailarawan sa akin ang mga masasayang araw ng kanyang buhay kasama ka. Napakikislot nito ang aking imahinasyon na parang nanunuod ako ng isang magandang pelikula. Kinilig ako, baduy man ito pero yan ang totoo. Mula nung lumayo ka parang nawalan na sya ng pagasa na umibig pa, hindi man nya ito aminin ramdam ko eto. Para kang taxi habang lumalayo lalong napapamahal. Ang cheesy noh! pinasaya ko lang ang pagbabasa mo baka kasi tumulo ang luha mo, ayaw nya yun. Ayoko magbigay ng konklusyon sa problema nyo kasi isang panig lang naman ang narinig ko. Madalas nya maikwento yun pero hindi ko nalang masyado binibigyan ng halaga. Wala syang galit sa sino man at yun ang pinakamagandang nakita ko sa ugali nya. Dahil kung ako yung nasa kalagayan nya, siguradong World War III na at maghahanda na ako ng mga kamikazee. Minsan ko syang pinayuhan na wag manatiling tahimik. Itinulad ko sya kay Rizal na nagsulat ng libro laban sa kastila na nangailangan pang basahin at intindihin bago maghimagsik. Matagal na processo na tingin ko hindi akma sa puso. Tumatakbo ang oras.. bawat segundo mahalaga mahirap ang maiwan hindi ito LRT na may next train na darating.
Kapag nagpupunta kami sa R.O.X para mag shopping ang mata at matunaw sa inggit lagi nya tinitingnan ang map of the world at ilalagay ang lens sa Canada. Tinanung ko sya kung bakit, ang sinagot nya lang may hinahanap sya duon. Sabi ko i-google earth nya, pero sabi nya wag na daw. hmmm... dun ko lang nalaman ikaw pala yung nasa canada. kamusta ka naman dyan? malamig ba dyan? malinis ba ang tubig at hangin? dito kasi may waterstation na bawat kanto. Natatakot ako na baka dumating ang araw pati hangin e kailangan na din bilihin. Ang sarap siguro dyan parehong malinis ang tubig at hangin. Pero di ako pwde dyan hindi dyan ang habitat ko. Si berto gusto magpunta dyan hindi dahil malinis ang tubig at hangin at hindi rin dahil dyan ang gusto nyang habitat kundi nandyan ka. Natutuwa ako dahil di ka nya kayang palitan sa kahit na sino at naisip pa nya na tatandang binata nalang sya (matanda na tatanda pa?) kahangahangang itong kaibigan ko ayaw sumuko. Seryoso sya nung sinabi nya sa akin yan at walang halong ka eklabuhan ang mga mata. Alam mo ba na natotorete na ako kapag nagkikita kami dahil walang oras na lumalampas na di ko naririnig ang salitang "Anya" at "Canada" kung pwede lang nga mute ko na ang salitang yan, pero hindi ko kaya alam kong ikagagalit nya yun sa akin. Sana dumating ang araw na magkita ulit kayo. Tiyak ko kikiligin ang mga FANS nyo at magcecelebrate ng Grand Fans Day sa Araneta.
Mukhang napahaba ata ang sulat ko sayo, o sya uuwi nako sa bahay sa office kasi ako gumagawa ng blog. Sana magkita kayo muli at magkita din tayo

Umaasa,
/C2

Wednesday, September 9, 2009

Hindi ako makatulog

Nagkalat ang mga damit,medyas, brief, etc. kaya naman pala medyo masikip na ang kwarto ko at pinuputakti na ako ng lamok's (with s madami na kasi)
Konsensya: Tamad!
Inaamin kong tamad ako, paguwi ko galing ng opisina tinatapon ko nalang ang mga gamit ko, ganito na kasi nakaugalian ko nuon pa. Makailang beses ko na ito nais baguhin pero ilang araw lang epekto at automatic na bumabalik ako sa pagiging makalat. Natural na ata sa dugo ko ang pagiging makalat sa kwarto.
Konsensya: Tsk! Tsk! Tsk!
Kaya naman naisipan ko maglinis ng kwarto sa araw na ito. Sobrang dami na pala ng kalat ko at yung mga gamit na matagal ko nang hinahanap natagpuan ko na. Binago ko rin yung design ng kwarto ko, nilipat ko nang pwesto yung cabinet at kama ko para maiba naman ang aura at baka sakaling swertehin ako.
Konsensya: Hindi totoo yan
Medyo nakakapagod pero sa bandang huli e napakaganda ng resulta! astig maayos na ulit ang kwarto ko at ang sarap humiga at matulog... Kinagabihan parang tinatawag nko ng kwarto ko at matulog sa bago nyang kanlungan.
Konsensya: Matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas! now na!
Nahiga ako sa kama, pero ilang minuto na ang nakakalipas parang di parin ako dinadapuan ng antok hanggang dumating ang madaling araw. Hindi ko tuloy alam kung bakit ba ako ganito ngayon. Marami akong suspect sa krimen na ito, una yung ininum
kong 3 basong tubig, kaya ihi ako nang ihi at di makatulog. Pangalawa ay yung kaibigan ko na 25years magreply
Konsensya: katext? kaibigan?
Bwiset ka kanina ka pa konsensya! blog ko 'to pakealamero ka wag kang pampam baka alisin kita dyan. At pangatlo yung bagong ayos na kwarto ko, inikot ko kasi yung kama ko.
Ang sakit tuloy ng ulo ko kinaumagahan, maaring nakatulog ako ng sandali pero gising ang diwa ko. Hindi ko maipaliwanag ng maayos kung ano nangyari ng gabing yun. Ayon naman sa kaibigan ko na nakausap sa chat
Konsensya: Kaibigan nanaman
Epal ka! ang sabi nya ay baka daw may ibang tao naman na nagiisip sa akin. Huwaw sabaw ganun ba yun? e sino naman yun? at parang awa nya patulugin nya ako. Kung sino ka man wag mo akong isipin wala kang mapapala.

Tuesday, September 1, 2009

Insekto Bedtime Story part II

Politiko ka ba? Wag kang madaya magbasa ka muna ng nakaraan
Part I
II
"Ilabas mo na yan..." bulong ni jobert sa sarili habang inaabangan ang pagtae ng pusa. lumingon sa likod ang pusa, tiningnan kung may makakakita sa gagawin nyang krimen. Ilang segundong umiri ang pusa at presto dumungaw na ang kapangyarihang inaantay ni jobert. Mabilis nyang dinambahan ang etchas habang hindi pa ito sumasayad sa lupa. Matagumpay nya itong nagawa habang ang pusa naman ay nabwiset dahil sa naputol na etchas. Pumikit ng sandali sa Jobert at humiling na gawin syang surot ng makapangyarihang etchas. "Kaboom" isang malakas na pagsabog. Naisip ni Jobert na isa na syang surot sa mga oras na iyon dahil sa pagsabog na narinig tulad sa mga pelikula ni Darnat at Kaptain Barbell na may sabog epek kapag magtratransform.

Mabilis syang nagpunta sa bahay ni Dingdong pero wala ito duon nasa shooting daw ang sabi ng napagtanungan nyang ipis sa loob ng bahay, kaya ang next target nya ay si Piolo. Pagdating sa bahay agad syang nagpunta sa upuan at inantay na maupo si Piolo. Ilang sandali pa at mukhang uupo na ito. "Heto na ang pagkakataon ko" sabik na sabik na si Jobert kumagat ng artistahing singgit. Matapos maupo ni Piolo... pisak ang baklitang lamok! hindi pala sya nagtransform sa pagiging surot. Mali nanaman ang chismaks ni Cristy tulad ng dati. Balitang balita sa sangkalamukan ang kabobohan ni Jobert ganun din sa buong lahi ng insekto. Kaliwat-kanan na batikos at panglalait ang natamo ng mga lamok. Laman sila ng pahayag tulad ng Tiktik, Remate, Abante, at maging Dividendazo.
"Tsk! tsk! tsk! sadyang maliit talaga ang utak ng mga lamok na 'to paniwalang paniwala kay Cristy eh ilan na ang kaso nun sa korte na libel" sabi ng isang pilosopong ipis sa isang column ng Tiktik.

Masakit ito para sa sangkalamukan, isa itong sampal sa kanilang lahi. Nagtipon-tipon ang mga lamok sa isang sikretong lugar ng Tondo at duon sila nagmeeting kung paano nila muli maibabangon ang kanilang lahi. At dahil sa dami ng attendance nung araw na yung wala silang mabuo at mapagkasunduan. Madaming idea na walang kabuluhan. Ideang hindi sapat upang makabawi sa pagkakalugmok ng kanilang lahi.

Naisipan ng isang batang lamok na si Deng-deng na simulan sa sarili nya ang pagbabagong nais makamtan.

"Ako mismo" sigaw nito sa sarili

ipagpapatuloy...

Tuesday, August 25, 2009

Insekto Bedtime Story

I
Nuong unang panahon, panahon pa ng hapon sa isang maduming lugar ng payatas kung saan nagtitipon ang ibat-ibang insekto. May isang grupo ng mga binatang insekto na naglalaro ng golf. Nang may dumaan na isang baklitang lamok na may long silky smooth hair at mukhang kabayo para magpapapansin (hindi ko alam paano ko ilalarawan ang lamok na mukhang kabayo pero yun na yun!), itago nalang natin sya sa panggalang Jobert. Si Jobert ay madalas magyabang tungkol sa mga taong kinakagat nya. Feeling nya maiimpress nya dito ang mga guys. Pero hindi. Ipinagyabang nya nung araw na yun na nakagat nya na raw si Barrack Obama at Gloria Arroyo na pawang malabong mangyari.

"Hoy baklitang lamok wag kang imbento!" sigaw ni Surita, ang baklang surot na kamukha ni Boy Abunda.
"Weh? Inggit ka lang" sagot ni Jobert
"Alam mo ba na kagabi eh kinagat ko singit ni Dingdong Dantes at Piolo Pascual?" dagdag ni surita sabay palo nito sa pwet.

"Ano ka ngayon" sigawan ng mga insektong nakakarinig sa kanilang awayan.

Walang maisagot si Jobert bagkus umuwi syang talunan at luhaan. Hindi nya nakabog ang kagandahan ni Surita. Mula noon hindi maalis sa isip nya ang sinabing pagkagat sa singit ng dalawa nyang pinapangarap na lalake. Paulit-ulit itong dumadalaw sa kanyang panaginip wariy naiingit sya...
Hanggang isang araw may narinig syang chismis mula sa kapitbahay nilang si Cristy na yung tae ng pusa na di pa sumasayad sa lupa ay may angking kakayahan upang makapag-transform sila sa kahit na anong klaseng insekto. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Jobert at dali daling hinunting ang mga pusang tumatae sa bubong.

ipagpapatuloy...

Sunday, August 23, 2009

Slumbook

Slumbook: Eto ang tactics ng mga babae kapag crush nila ang isang guy. Inaantay nilang sagutin ang tanong na "Who is your crush" feeling naman kasi nila name nila ang ilalagay duon.
Sobrang bihira ako sumagot ng Slumbook nuon, hindi ko nga alam kung bakit.. eh ang sabi naman ng nanay ang pogi ko daw. Siguro hindi lang nila ako type o sadyang di nila ma-appreciate ang kagwapuhan ko. Pero pwede rin dahilan ang lagi kong binababoy ang mga sagot kapag pinapasulat nila ako sa Slumbook.

*Sa mga klasmate ko dati na ilang beses pununit ang Slumbook na sinagutan ko... I am Sorry

Name: Christopher Tano
Nicks: Bhong, Chris, C2
Birthday: March 10 1983
Age: Compute mo nalang
Location: Malabon City
Likes: Madami
Dislikes: Madami din
Favorite time of day: Morning
What would u be as a veggie?: Talong (wag mo icompare huh)
What is your favorite book: Humpy Dumpy
School: Many to mention
Most hated subject: English
Anong brand ng bag mo: Bobcat
Anong brand ng tsinelas mo: Ramboo
Sinong artista nasa notebook mo?: Romnick Sarmienta and Sheryl Cruz
Cofee brewed or decaf?: 3 in 1
Favorite junkfood: Pompoms and Zebzeb
Favorite TV show: Batibot
Favorite color: Green
Favorite artist: Kuya bogie and ate shienna
Favorite sports: Basketball
Favorite magazine: Liwayway and Dividendazo(the sports magazine)favorite ko magbasa ng mga kabayo name
Favorite song: basta kanta ng the beatles
Favorite teacher: Mr(not sure) Bello
Who is your first kiss: Mother and Father
When was your first kiss: When i was born
Who is your Love: God and Parents
Who is your crush: Many to mention (kasama ka!)
What is crush: Crush means paghanga
What is love: Love is like a rosary that full of mystery
Motto in life: Time is Gold
Dedication: JAPAN Just Always Pray At Night

Friday, August 21, 2009

Mag bati tayo... bati-an portion

Dahil hindi naman ako artista para bumati sa TV eto ang naisip kong paraan para batiin ang mga mahal ko sa buhay. in 30 seconds lang...
timer starts now!

Hi sa mga ka-officemate ko sa Philippine Veterans Bank hindi na kayo makakapag Facebook sa oras ng trabaho promis.
Hello Nay, Tay, at sa nagiisa kong kapatid na si Cathy.
Hello sa mga classmate ko nung Elementary, Highschool at College.
Hello din sa mga kasama ko kanina sa photoshoot...Frameshots. Ang gagaling nyo!
Hello sa mga tambay sa lugar namin, dyan lang kayo ah
Hello din sa mga chismosang kapitbahay dyan lang din kayo bwiseeeeeet!
Binabati ko din si Rodel, Carl, Chris A., Erwin at Pervie sila yung kasama ko lagi maglunch. Yung softdrinks wag nyo kalimutan
Hello sa lahat ng mga kaibigan ko.
At sa nagbabasa nito Hello din sayo.

Time na po!

Monday, August 3, 2009

Bakit

Bakit ako sinalubong ng malakas na hangin na may pabugso-bugsong ulan kanina?
Bakit may nakangiting matabang lalake sa akin na feeling kilala nya ako, e diko naman sya kilala... at kahit anong restore ko ng memory di ko sya talaga kilala.
Bakit walang pila sa FX?
Bakit may nakasabay akong maganda sa FX?
Bakit may nakasabay silang pogi sa FX?
Bakit masyadong matrapik sa makati? -ganito kami lagi sa makati
Bakit lagi akong late? -tinatanong pa ba yan
Bakit sa buendia matinding ulan, sa makati maaraw?
Bakit abnormal na ang panahon? -tulad ko
Bakit umaaraw umuuulan? -rivermaya
Bakit 25years bago magreply ang bago kong dentist? -thanks at inantay nya ako kahit 730pm na
Bakit lowbat ang kakacharge ko palang na battery?
Bakit mabagal ang internet sa opisina? -saan ba ang problema
Bakit mali ang horoscope ko for the day?
Bakit ayaw magpatalo ni Mo Twister sa caller nya?
Bakit labis kitang mahal ang pinatutugtog ni chris acosta?
Bakit ngayon ka lang dumating ang sunod na kanta
Bakit ako nagpost ng blog ngayon? -kasi mabilis ang internet
Bakit elevator, paano na yung pababa... delevator
Bakit escalator, paano na yung pababa... descalator
Bakit building parin ang tawag kahit tapos na gawin ang building
Bakit ang initial reaction ng katabi kong babae kanina kapag nagugulat sya "Ay PUKE!" -ako naman "Saan?"
Bakit may nagtanong ng pinaka malupet na tanong "Bakit ako ginawa ng Diyos tapos parurusahan lang din sa dulo kapalit ng mga nagawa ko dito sa lupa eh unang una di ko naman hiniling sa kanya na gawin nya ako?"

Bakit nga ba?

Isa ka dito: