Thursday, January 20, 2011

Alamat ng TT

Wait nyo lang yung drawing ginagawa pa


Nuong unang panahon sa isang malayong lugar ng malabon, may isang kusinero na masipag at masarap magluto. Isang araw sa sobrang pagod nakatulog ang kusinero. At dito na nagsimula ang lahat.....

Nagfiesta ang mga rekado sa kusina dahil walang masesentensyahan sa mainit na kawali.


Patatas: Yahooo!!! akala ko araw ko na!
Talong: Hoy patatas! wag ka magsaya, alam mo naman na dapat ka na maluto dahil nabubulok ka na. Ambaho mo! umalis ka nga sa harap ko!

Si Talong ang pinakamaganda, pinakamakinis at pantasya ng buong kusina. Ngunit taglay nya rin ang hindi magandang ugali. Walang nagbalak manligaw sa kanya dahil dito maliban kay Itlog.


Itlog: Hi Talong... Ang ganda mo ngayon
Talong: Alam ko na yan, pwede ba umalis ka din sa harap ko bugok na itlog!
Itlog: May ireregalo sana ako sayo
Talong: Ano?
Itlog: Mga bulaklak
Talong: Ano naman ang gagawin ko dyan?!
Itlog: Ano ba ang gusto mo lahat ibibigay ko kahit...

Hindi pa man tapos magsalita si Itlog, tumalikod kaagad si Talong at naglakad palayo. Napadaan siya sa tambayan ni Okra ang reyna ng okrayan.

Okra: Aba! Aba! bakit nandito ang nagmamagandang Talong?
Talong: Bakit ikaw ba may-ari ng lugar na 'to?
Okra: Paano kung sabihin kong oo?
Talong: E'di sayo na! saksakmo sa lungs mo.. che!

Biglang dumating si Carrots, ang pinakagwapo, pinakamakisig at kilalang babaero sa buong kusina.

Talong: Eto na pala ang boyfriend ko *sabay halik kay Carrots
Carrots: Ummmhh.. teka... sino ka?

Inakit ni Talong si Carrots nung araw na yun. At bumigay na rin ito. Mga 5 minutes. At dahil likas na malibog babaero itong si Carrots, inaya nya si Talong mag-date sila sa loob ng refrigerator para cool, at para hindi sya makita ng gelpren nya na si Carrotene.

Talong: Nilalamig ako dito...
Carrots: Walang problema yayakapin kita

Syempre sinamantala ni Carrots ang pagkakataon...

Lingid sa kaalaman nila na nagsumbong pala si Okra sa gelpren nitong si Carrotene at huling-huli ni Carrotene ang lampungan ng dalawa. Madali itong lumapit dito at....

Carrotene: Mga walanghiya! Isa kang taksil!!! Ikaw naman Talong mangaagaw ka! *sabay sampal

Tumakbo si Carrotene upang magsumbong sa mga kamag-anak netong mga Bandidong Sibuyas na miyembro ng Al Qaida.

Sumugod sila papuntang refrigerator dala ang mga armas ng sikyuriti guard. Hinanap nila kaagad si Carrots pero dahil isa itong Tunay na Babaero, hindi nila ito nakita. Tanging si Talong lang ang inabutan nila.

Abdul Sibuyas: Nasaan na ang taksil na si Carrots
Talong: Aba MAPA *sabay taas ng kilay
Abdul Sibuyas: Anong MAPA?
Talong: Malay ko, Pakelam ko... Ambobo neto!
Abdul Sibuyas: Pilosopo ka ah... mga tropa sunugin ang kelot na 'to

Dahil saging lang ang may puso. Ginahasa muna nila si Talong bago tuluyang sunugin.

Sunog at lasog-lasog ang katawan nito.

Nalaman ito ni Itlog at nagmamadali na makarating sa pinangyarihan... ngunit hindi nya na naabutan pang buhay si Talong.

Itlog: Magpapakamatay nalang ako!

Kumuha sya ng lubid at itinali ito sa kisame at isinabit sa leeg.

Blaaag!! Nahulog sya mula taas dahil lumusot lang ang leeg nya sa tali. At hindi pa sya DEAD. Naisip nya na wala naman pala syang leeg dahit itlog sya. Kaya nagisip sya muli ng ibang paraan.

Itlog: Tatalon nalang ako sa mataas na lugar.

At tumalon nga si Itlog...

Plak! Basag ang pula ni itlog.

Naglabasan ang mga Chismosong Paminta at Asin upang kumuha ng chika sa pagkabasag ni Itlog.

Dito na nagising ang kusinero at nakita nya na may Talong na nakahandusay at Itlog na basag. Pinaghalo nya ang dalawang ito at nilagyan ng paminta at asin.

At tinawag nya itong... Tortang Talong.

Tortang Talong = Talong na tinorture at nilagyan ng itlog, paminta at asit tska pinirito.

Moral Lesson: Wag chismoso. Ayan nadamay pa tuloy kayo (paminta at asin)

3 comments:

Anonymous said...

wahahahahaha!!!! taenang yan!
aus ka brad, idol! :D

Chris aka C2 said...

@espag salamat sa comment mo brad! pakiss nga! hahaha joke. Wag mo na ako tawaging idol magfollow ka nalang sa blog ko. salamat ulit :D

Unknown said...

galing, natawa talaga ako...

Isa ka dito: