Thursday, January 20, 2011

Alamat ng TT

Wait nyo lang yung drawing ginagawa pa


Nuong unang panahon sa isang malayong lugar ng malabon, may isang kusinero na masipag at masarap magluto. Isang araw sa sobrang pagod nakatulog ang kusinero. At dito na nagsimula ang lahat.....

Nagfiesta ang mga rekado sa kusina dahil walang masesentensyahan sa mainit na kawali.


Patatas: Yahooo!!! akala ko araw ko na!
Talong: Hoy patatas! wag ka magsaya, alam mo naman na dapat ka na maluto dahil nabubulok ka na. Ambaho mo! umalis ka nga sa harap ko!

Si Talong ang pinakamaganda, pinakamakinis at pantasya ng buong kusina. Ngunit taglay nya rin ang hindi magandang ugali. Walang nagbalak manligaw sa kanya dahil dito maliban kay Itlog.


Itlog: Hi Talong... Ang ganda mo ngayon
Talong: Alam ko na yan, pwede ba umalis ka din sa harap ko bugok na itlog!
Itlog: May ireregalo sana ako sayo
Talong: Ano?
Itlog: Mga bulaklak
Talong: Ano naman ang gagawin ko dyan?!
Itlog: Ano ba ang gusto mo lahat ibibigay ko kahit...

Hindi pa man tapos magsalita si Itlog, tumalikod kaagad si Talong at naglakad palayo. Napadaan siya sa tambayan ni Okra ang reyna ng okrayan.

Okra: Aba! Aba! bakit nandito ang nagmamagandang Talong?
Talong: Bakit ikaw ba may-ari ng lugar na 'to?
Okra: Paano kung sabihin kong oo?
Talong: E'di sayo na! saksakmo sa lungs mo.. che!

Biglang dumating si Carrots, ang pinakagwapo, pinakamakisig at kilalang babaero sa buong kusina.

Talong: Eto na pala ang boyfriend ko *sabay halik kay Carrots
Carrots: Ummmhh.. teka... sino ka?

Inakit ni Talong si Carrots nung araw na yun. At bumigay na rin ito. Mga 5 minutes. At dahil likas na malibog babaero itong si Carrots, inaya nya si Talong mag-date sila sa loob ng refrigerator para cool, at para hindi sya makita ng gelpren nya na si Carrotene.

Talong: Nilalamig ako dito...
Carrots: Walang problema yayakapin kita

Syempre sinamantala ni Carrots ang pagkakataon...

Lingid sa kaalaman nila na nagsumbong pala si Okra sa gelpren nitong si Carrotene at huling-huli ni Carrotene ang lampungan ng dalawa. Madali itong lumapit dito at....

Carrotene: Mga walanghiya! Isa kang taksil!!! Ikaw naman Talong mangaagaw ka! *sabay sampal

Tumakbo si Carrotene upang magsumbong sa mga kamag-anak netong mga Bandidong Sibuyas na miyembro ng Al Qaida.

Sumugod sila papuntang refrigerator dala ang mga armas ng sikyuriti guard. Hinanap nila kaagad si Carrots pero dahil isa itong Tunay na Babaero, hindi nila ito nakita. Tanging si Talong lang ang inabutan nila.

Abdul Sibuyas: Nasaan na ang taksil na si Carrots
Talong: Aba MAPA *sabay taas ng kilay
Abdul Sibuyas: Anong MAPA?
Talong: Malay ko, Pakelam ko... Ambobo neto!
Abdul Sibuyas: Pilosopo ka ah... mga tropa sunugin ang kelot na 'to

Dahil saging lang ang may puso. Ginahasa muna nila si Talong bago tuluyang sunugin.

Sunog at lasog-lasog ang katawan nito.

Nalaman ito ni Itlog at nagmamadali na makarating sa pinangyarihan... ngunit hindi nya na naabutan pang buhay si Talong.

Itlog: Magpapakamatay nalang ako!

Kumuha sya ng lubid at itinali ito sa kisame at isinabit sa leeg.

Blaaag!! Nahulog sya mula taas dahil lumusot lang ang leeg nya sa tali. At hindi pa sya DEAD. Naisip nya na wala naman pala syang leeg dahit itlog sya. Kaya nagisip sya muli ng ibang paraan.

Itlog: Tatalon nalang ako sa mataas na lugar.

At tumalon nga si Itlog...

Plak! Basag ang pula ni itlog.

Naglabasan ang mga Chismosong Paminta at Asin upang kumuha ng chika sa pagkabasag ni Itlog.

Dito na nagising ang kusinero at nakita nya na may Talong na nakahandusay at Itlog na basag. Pinaghalo nya ang dalawang ito at nilagyan ng paminta at asin.

At tinawag nya itong... Tortang Talong.

Tortang Talong = Talong na tinorture at nilagyan ng itlog, paminta at asit tska pinirito.

Moral Lesson: Wag chismoso. Ayan nadamay pa tuloy kayo (paminta at asin)

Wednesday, January 12, 2011

Manifesto ng tunay na babaero

Disclaimer: Ang manifesto na ito ay nabuo habang nakasakay sa Tren. Kung may pagkakahawig ang mga manifesto na ito sa mga naisulat sa ibang website, hindi  ibigsabihin na kinopya eto. Maaring hindi lang ako  isa ang tunay na babaero kundi marami kami sila.



Ang tunay na babaero hanggat maari hindi gumagawa ng facebook o ano mang social network, at kung meron man picture lang at konting information.

Ang tunay na babaero hindi ma-tag sa facebook. Kahit magpost sa wall nya hindi pwede.

Ang tunay na babaero maraming sim card na ibat-ibang network.

Ang tunay na babaero hindi nakikipag-textmate. Maaring trap lang ito.

Ang tunay na babaero maingat at mapanuri sa bawat kilos.

Ang tunay na babaero hindi nagsasabi ng tunay na pangalan.

Ang tunay na babaero hindi basta-basta naniniwala sa mga ka-chat na nagpapadala ng magandang picture.

Ang tunay na babaero hindi namimili ng babae. Lahat pwede.

Ang tunay na babaero hindi dinidiskriminate ang bakla dahil alam nya na may mga kaibigan ito na malalanding babae.

Ang tunay na babaero iginagalang ang babae at dinadamayan ito lalo na kapag may problema.

Ang tunay na babaero parating online pero naka invisible mode.

Ang tunay na babaero friendly.

Ang tunay na babaero walang syota.

Ang tunay na babaero walang ex-girlfriend.

Ang tunay na babaero ayaw makipagholding hands sa matataong lugar.

Ang tunay na babaero bumibitaw ng matitinding banat.

Ang tunay na babaero tumatambay sa eskwelahan, bilyaran, discobar, at nakikipag eyeball.

Ang tunay na babaero hindi nagpapahuli na namboboso dahil alam nya na malaki ang bawas neto sa pogi points.

Ang tunay na babaero maharot.

Ang tunay na babaero maraming baon na joke (jokes).

Ang tunay na babaero maraming kwento, hindi nauubusan kahit magdamagan.

Ang tunay na babaero kaladkarin. Kahit saan sumasama basta may kasamang babae.

Ang tunay na babaero napapa-ibig kaagad ang babae kahit sa text at chat palang.

Ang tunay na babaero hindi nagsasabi ng "I Love You"

Ang tunay na babaero hindi nagreregalo ng bulalaklak.

Ang tunay na babaero hindi nanliligaw.

Ang tunay na babaero hindi nagpupunta sa bahay ng babae.

Ang tunay na babaero hindi tumatambay sa beerhouse.

Ang tunay na babaero hindi nagsasayang ng pera sa babae.

Ang tunay na babaero nahuhuli din minsan, pero minsan lang.

Ang tunay na babaero huli na tinatanggi pa.

Ang tunay na babaero nangangako na hindi na uulitin pero uulit-ulitin parin.

Ang tunay na babaero laging nagsosorry.

Ang tunay na babaero magaling magpalusot at laging may katuwiran.

Ang tunay na babaero malambing.
 
Ang tunay na babaero hard to get (hard muna bago ma-get)

Ang tunay na babaero nagcocontribute ng manifesto ng tunay na babaero...

Sunday, January 9, 2011

Manila Machine

Eto ang dream business ko...

Location: Los Angeles

Layo naman, pwede kaya magpadeliver dito?

Food + Art + Culture =  Manila Machine 

Owner/Blogger: Natassia Johnson (L) and Marvin Gapultos (R) 
Natassia's blog site: http://theletmeeatcake.com/

Dahil dyan, Apir! apir! apir! at pakiss Natassia :* muaahh!!! crush na kita



Thursday, January 6, 2011

Her name is Lina

"Importante lang naman ang isang bagay kapag kailangan mo, pero kapag hindi na BASURA nalang eto sayo"
 Inaamin ko na naging makasarili ako. Ang gusto ko lang ay yung makuha ang gusto ko.
Ang kulet nya promis! mamatay ka man.
Ginugulo nya ako sa email. Hindi nya ba napapansin na wala na akong gusto sa kanya at iniiwasan ko na sya. Nakuha ko na ang gusto ko! tapos!!!

Minsan nga ni replyan ko na sya sabi ko: "Lina, tama na ang pagpapadala mo sa akin ng email ayoko na! tama na! itigil na natin 'to tutal nakuha ko na ang gusto ko sayo" hindi naman sya nagreply dito.

Hindi ko rin sya masisi kasi ako ang unang lumapit sakanya at nagpapansin kaya siguro feeling close at email ng email. Mabait naman sya at walang kibo kaya inisip ko nalang na siguro napagutusan lang sya na guluhin at bwisitin ang buhay ko. Kung sino? hindi ko alam...

Kaya ayun, nakaisip ako ng solusyon ilalagay ko nalang ang mga email nya as spam email. Hehehe matalino man ang matsing mas matalino parin ang may saging!

Pero kelan lang muli syang nagparamdam sa akin this time hindi na sa email... kundi sa Facebook! WTF

Wednesday, January 5, 2011

My son is not a drug user

Chavit: My son is not a drug user


Ronald Singson was arrested at the Customs arrival hall of Chek Lap Kok International Airport last July 11, 2010 for possession of 26.1 grams of cocaine and 2 tablets of diazepam, more commonly known as Valium.

"I am appealing to Congress since my son is one of their colleagues. Wag niyo na dagdagan ang problema dahil biktima lang ang anak ko. Kung pusher o trafficker ang anak ko, wag na po silang lalayo. Ako na ang papatay. Dapat patayin ang mga pusher o drug trafficker na yan," -Chavit Singson

"He was supposed to go back to prison, which was why we were very sad since he would have to spend New Year in prison. The lawyer convinced us to admit so he wouldn't be jailed," -Chavit Singson

Source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/04/11/chavit-my-son-not-drug-user

 Siguro nga hindi adik anak mo at ikaw yung adik!!! Ulol ka! 

Isa ka dito: