Diabetic na yata ako kasi ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin gumagaling ang sugat na iniwan nya sa akin at sa tuwing makakakita ako ng magsyota na magkaholding hands kumikirot ito at muling sumasariwa ang nakaraan.
Ganito kasi kami nuon, halos ayaw namin bitawan ang isat-isa, kaya nung nawala sya feeling ko putol na din ang isang braso ko. Nakakalungkot.. sobrang lungkot... Kaya ang magsyota na yan, magkakahiwalay din tulad namin isa taon, dalawa taon o baka tatlong buwan lang. (hahaha bitter talaga ako)
Nabalitaan ko kahapon ikinasal na sya sa bago nyang bf at nagsupaan sila na magmamahalan habambuhay. Habambuhay? hahaha Naks naman! may pagasa pa pala ako sa kabilang buhay. Kung ako lang sana ang pinakasalan nya maging sa kabilang buhay susumpa ako.
Gusto ko na nga magsuicide para dun sa kabilang buhay ko nalang sya antayin. Dadalahin ko nalang mga ala-ala namin nung magkasama pa kami at muli ko itong ipapaalala sa kanya. Romantic di ba? pero hindi ko alam kung saan ako mapupunta tapos nun. Baka naman nasa impyerno ako tapos sya nasa langit e di ganun din palpak parin ang plano ko, sayang pa ang eport at tiyak papagalitan ako ni inang dahil wala syang pampalibing sa akin. Pesteng life.
***
Kakaisip ng kung ano-anu heto at napadpad ako sa dati naming tagpuan, sa ilalim ng punong mangga sa tapat ng simbahan. Matagal ko na din iniiwasan ang lugar na 'to pero dito ako dinala ng aking mga paa. kung bakit? Hindi ko din alam.
Maya-maya pa'y biglang nagiba ang pakiramdam ko, bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan dahil nakita ko sya nakaupo duon sa dati naming tagpuan. Natatakpan ng kanyang buhok ang buo nyang mukha habang nakayakap sa kanyang tuhod tila umiiyak. Mabilis ko syang nilapitan pero mabigat ang bawat hakbang na parang may pumipigil sa akin. Umupo ako sa tabi nya, gusto ko sana syang yakapin ngunit hindi ko kaya. Mali ang gagawin ko may nagmamayari na sa kanyang iba.
"N-Nandito k-ka pala... B-Bakit?" nauutal kong tanong.
"Mahal mo ba sya?" sinagot nya ako ng isang tanong na hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya dahil ni minsan hindi ako nagmahal ng iba.
"Wala akong ibang minahal kundi ikaw" hindi ko na napigilan yakapin sya.
"sandali!!!"
Mabilis nya akong tinulak at sinampal. Gumimbal sa aking ang babaeng hindi ko kakilala.
"Pasensya ka na miss akala ko ikaw yung..."
"Yung ex mo?!" putol nya.
Pinandilatan nya ako ng mata sabay inihampas sa dibdib ko ang piraso ng papel. Malakas ang pagkakahampas na halos iluwa ko ang baga ko sa lakas.
"Hayan basahin mo galing sa kanya yan"
Binasa ko ang nakasulat pero hindi ko ito maintindihan walang letra at kung ano-anong karakter ang nakasulat. At nung tatanungin ko na sana sya bakit ganun ang nakasulat, bigla syang nawala. Napagtripan ba ako o guni-guni ko lang ang lahat? Pero nasa akin ang ebidensya, ang sulat na inabot nya.
Imbes na matakot lalo ako nagkaroon ng pagasa na muli kong makikita si Anya. Araw-araw bumabalik ako dito sa puno at tinitingnan ang sulat na hindi ko naman maintindihan. Wala naman sigurong masama kung umasa ako at maniwala sa bagay na walang kasiguraduhan at di nakikita.
***
Habang nakaupo ako sa damuhan sa ilalim ng puno, may narinig akong boses mula sa likod ko. Kung hindi ako nagkakamali bumalik ang babaeng nagbigay ng sulat.
"Hindi mo talaga maiintindihan yan! halika samahan mo ako" Mabilis nyang hinatak ang aking kamay kaya nasubsob ako sa damuhan at nadumihan ang puti kong tshirt. Nagpunta kami sa isang restaurant. Uhaw at gutom na gutom na raw sya habang ako naman ay hindi nakakaramdam ng gutom. Pinagmamasdan ko lang sya habang kumakain, dun ko lang napansin ang kanyang ganda. Ang matangos nyang ilong, maamong mata, maliit na labi at ang pagkakalugay ng kanyang buhok na lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan.
TOINK!!! malakas na konyat mula sa kanya ang nagbalik sa aking kahibangan
"Makinig ka sa sinasabi ko!!!"
Sabay sigaw at pinandilatan nanaman ako. Naku kung hindi lang 'to babae sinapak ko na 'to kanina pa.
"Sorry..." tipid kong sagot sabay kamot sa ulo.
Kung ano-ano ang ikinuwento nya nung araw na yun pero hindi ko iyon iniintindi dahil hindi naman yun ang mahalaga sa akin. Ang mahalaga ay kung ano ang ibigsabihin ng sulat na ibinigay nya at kung kelan kami magkikita ulit ni Anya.
Nasundan pa ang mga pagkikita namin na yun at parang nadedevelop na ako sa kanya. Nakikita ko ang katauhan ni anya sa kanya, ang mga sampal at konyat na inaabot ko tuwing di ko sya pinakikingan walang sakit pero tumatagos hanggang puso ko. Napagod na siguro ako kakahintay sa taong hindi naman dumarating kaya heto pilit kong hinahanap sa kanya ang pagkakatulad nila.
Isang araw pinagtapat nya sa akin na may kakayahan daw syang makuha ang panaginip na ligaw mula sa mga taong biglang nagigising ngunit wala syang kapangyarihan na ibalik ang mga ito. Pinagtawanan ko lang sya kasi ang weird diba? pero seryoso sya nung sinabi nya yun sa akin. Marami sana akong gusto itanong pero hindi naman ako makasingit tuwing nagkukwento sya, ang gusto nya lang sya lang ang pinakikinggan. Mga babae nga naman...
Kilala nya raw si Anya mula nung bata pa at parehas daw silang nakakakita ng panaginip ng iba, sya daw ang nagturo sa kanya upang lumawak ang kapangyarihan pero di kalaunan nawala na daw kay Anya ang kakayahan dahil di neto madalas gamitin sa personal na kadahilanan. Ipinahiram nya raw ang panaginip nya kaya ang taong nakakasama ko madalas ay hindi sya, kundi si Anya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung oras na yun, sandaling tumigil ang mundo ko. Hinawakan nya ang aking kamay at sinabi:
"Wala ka tunay mong mundo, ikaw ay nasa pagitan ng tulog at gising, hindi mo alam ang pagkakaiba sa pagitan ng katotohanan at pantasiya. Nilikha ka at niligaw mula sa panaginip ni Anya."
Mula nuon hindi ko na sya muling nakita pa. Paulit-ulit lang ang lahat at nandito parin ako naghihintay at umaasa na isang araw muli syang babalik upang tuparin ang isinulat nya sa papel.
Ikaw ay nasa lugar at oras kung saan ako masaya,
muli akong pipikit at matutulog upang makasama ka.
-Anya
Lagi kitang naaalala
Kahit na pilitin kong limutin ka.
Nilimot na kita sa aking buhay
Ngunit pangarap din kita.
Habang ikaw ay nililimot
Ay lalong sumisidhi ang pag-irog.
Sa aking puso ay nakalarawan,
pag-ibig mo, lamang.
Kung tunay ang tanging pagmamahal
Ay di mapaparam
Habang nagdudulot ng pighati
Lalong di mapawi.
Lagi kitang naaalala
Kahit na pilitin kong limutin ka.
Sa aking puso ay nakalarawan
pag-ibig mo, hirang.
Pag-ibig ko'y laging ikaw
-Levi Celerio