Wednesday, February 19, 2014

Hustisya para sa mga nawalang itlog!

Sa wakas!
Nabigyan din ng hustisya ng mga nawawalang itlog
Akala ko nung una sign of aging na, kasi madalas may mga bagay na nawawala at hindi ko alam kung nasaan na.
Kahit anong recall ko hindi ko talaga alam.
"Nandito lang yun!"
Minsan pinaghinalaan ko pa ang mga maligno,duwende,multo at kung ano-anong bagay na hindi nakikita.

Ilang beses din ako napagalitan na burara at malilimutin.
"Kung hindi nakakabit yang itlog mo! malamang wala na yan!!!"
Thank you scrutum for holding my balls

*******
Netong nakaraan nahuli ng housemate namin yung isang housemate namin na nagnanakaw ng pera sa kanya. Navideohan nya ito habang ginagawa ang pagnanakaw.

Nagkaroon sya ng idea nung isang beses na nahuli nya ito na pumasok ng kwarto nya. Akala siguro ng magnanakaw eh pumasok sya sa opisina. Naka leave kasi sya nung araw na iyon. At syempre nag alibi ang gago at dinahilan ang anak na naglalaro lang sila kaya biglang napasok sa kwarto nya.
Siguro naglalaro sila ng taguan at napiling nyang magtago sa kwartong naka-lock. Oo naka lock nga! at kinuha nya ang extrang susi sa pinagtataguan neto. Alam nya kung saan hmmm.....

Halos lingo-lingo nagsisimba ang pamilya ng magnanakaw. Infairness medyo mabait naman sila kaya hindi mo paghihinalaan (MEDYO lang ang sinabi ko). Sa katunayan, ako ang pinaka-unang nakahuli sa kanya nung pumasok sya sa kwarto ko.
Syempre may depensa parin sya kung bakit sya napasok. Ang dahilan nya nagkamali lang sya ng pasok. hmmmm...ulit!
Accepted naman kasi magkatabi ang kwarto namin, pero ako hindi ko pa nagawang magkamali ng pasok kahit magkatabi ang pintuan ng kwarto namin.

Medyo tanga kasi itong magnanakaw na housemate namin kaya napaniwala nya ako na nagkamali lang sya. Nasa personality nya na kasi ang pagiging tanga at tamad.

Ayun sa kwento ng housemate ko, nawalan sya ng 50sgd kahapon pati ngayon at sigurado pati bukas. Ginawang ATM machine ang wallet nya. Halos araw araw may withdrawal pero walang withdrawal slip.

Nagtaka na sya at galit na galit hulihin ang salarin.
Kaya nagsetup sya ng camera para makasigurado sya kung sino
Habang nsa kubeta sya at tumatae biglang sumalisi ang magnanakaw para magwithdraw.

Nakakapangilabot ang video kasi di ako sanay na makita yung housemate namin na nagnanakaw...

Halos walang puknat pa kasi ang pamilya nila sa pagsisimba tuwing lingo at madalas pa magpost ng bible qoutes sa facebook.
Kaya isa lang masasabi ko sa kanila:
PAKYU KAYO! mas mabait pa ang tulad ko na minsan lang magsimba

Hindi na napigilan ng housemate ko isumbong ang salarin sa pulis at ipakita ang video ng pagnanakaw. Ilang araw matapos makilatis ng pulis eh hinuli na ang salarin. At ang loko nakapag bail. Tsk! tsk!

Parang telenovela na inaabangan ko ang susunod na pangyayari, gusto ko din kasi makulong ang salarin at magdusa sya kahit isang buwan lang sa kulungan. Para maranasan nya ang paghimas sa malamig na rehas hehehehe

Thursday, February 13, 2014

Wag mo syang hanapin,
Hindi sya nawawala.
Hindi ka nya makikita,
Kasi wala syang mata.
Bakit aantayin mo,
Kilala mo ba sya?
Baka kaharap mo na

Happy Valentines!

Isa ka dito: