Wednesday, December 29, 2010

Politiko!

Wala na talaga akong tiwala sa mga politiko ngayon.. Lahat sila Pakingshet!!!!

Imagine nagpa-endorse kay Optimus Prime! Pakshet naman oh!

Namigay ng mani si Ricky Sandoval! hirap kainin neto

Manny-ral Water
Magulo... (ang buhok!) 

 Bading!
Ang Chaka mo! Sarap mo bunutan ng bigote
 Mandaraya! (kamay mo ba talaga yan? parang edited e)
 Eto naman bastos..
At ang panalo sa lahat... Drug Addict!

Thursday, December 23, 2010

Sent Items

Sinong nagsabing hindi ako Masaya?
Oo hindi nga…
Nandito ako ngayon sa bansa ng mga singkit na may makinis na balat at maiksing palda na hinaluan ng maiitim na amuy shawarma at mga kayumangi na dating pango.
Iba ang PASKO dito!

Mas Masaya parin ang pasko dyan kahit parehas lang tayo ng oras. Pero naisip ko na isang beses lang naman ang pasko sa isang taon pero ang sahod dalawang beses sa isang buwan, mas maraming araw parin ako magiging Masaya.

Pero malungkot ako at gusto ko bumalik ng Pinas sa panahon na ‘to. There’s no place like HOME.

Dito may Christmas tree at parol pero walang diwa di ko maramdaman. parang server na hindi naman nagagamit buti pa yung Domain server kahit luma at nasisira atleast nararamdaman mo at may bakbakan na nagaganap.

Mis ko na kayo at alam ko mis nyo rin ako hayaan nyo pagdating ko tagiisang iphone4 kau

Merry Christmas PVB!
Wag umasa,
Papa Chris

Sunday, July 18, 2010

Halika laruin mko!

Lumaki ako sa isang lugar na hindi uso ang high-tech na laruan, okey lang naman dahil wala pang inggit ang isip ko. Pero inaamin ko na gusto ko din magkaroon ng Family Computer, eto na kasi ang pinaka astig nuon. Kapag meron ka nito sa lugar namin tatlong bagay lang pumapasok sa isip ko.
Una, ang tatay mo ay seaman, yung pagumuuwi laging naka maong na jacktet at parang may hepatitis - kulay dilaw ang leeg at daliri dahil sa ginto.
Pangalawa, galling middle east ang tatay mo kaparehas ng porma ng seaman pinagkaiba lang nila mas maraming pasalubong na chocolate at may picture sila katabi ang magandang kotse na hindi naman sa kanila. Sila din ang salarin bakit sandamakmak ang Ownertype Jeep na may nakasulat “Katas ng Saudi” (Alam ko mabaho ang katas ng Saudi pero di ko alam na nagiging pera pala iyon at nakakabili ng owner)
Pangatlo, may tita ka sa Japan. Sila ang mga japayuki na sobrang ganda, mapuputi at makikinis. Kaya hindi ako makapaniwala nung minsan pinagmamalaki ng kalaro ko tita nya japayuki, kasi nung makita ko ‘to mukhang kubrador lang ng jueteng, hindi maputi at flawless. “Weh di nga? Yan yung tita mo! Sige nga nasaan ang family computer nyo, pakita mo sakin”

Hindi rin nagtagal nagkaroon din kami ng Family Computer salamat kay tatay, dahil naarbor nya ang lumang family computer ng tito kong seaman, problema lang wala kaming bala kaya nanghihiram pa kami ng 100-in-1 tapos kapag ayaw gumana iihipan yung loob ng bala, baka may dumi lang o kulang sa laway.

Gayunpaman hindi parin kayang tumbasan ng Family Computer ang mga laro ko nuon…

Hindi ko alam ang tawag sa ginagawa naming nuon, parang nagaapir ang mga kamay namin habang kinakanta eto:

Nanay, Tatay
Gusto ko tinapay
Ate , Kuya,
Gusto ko kape
Lahat ng gusto ko ay susundin mo
ang magkamali ay pipingutin ko
Isa Dalawa Tatlo

Ki-Ki-Kinagat ako ng putakti
dinala ako sa makati
binigyan ako ng One...
One two three

Si Si Si Nena ay bata pa, kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.
Si Nena ay dalaga na kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.
Si Nena ay matanda na, kaya ang sabi niya ay um-um-um-ah-ah.

Sarah Sarah princesa
Lavinya Lavinya isnabera
Lottie Lottie iyakin
Pinagalitan ni Mis Minchin

Eto naman yung paraan para malaman kung ikaw nga ba ang magiging taya:

Mangga, mangga hinog ka na ba?
Oo Oo hinog na ako!
Kung hinog ka na ay umalis ka na


JAK EN POY! Hale hale hoy! Sinong matalo syang unggoy!
JAK EN POY! Hale hale hoy! Sinong matalo syang kabayo! (vesion ng baklita)


Monkey monkey anabel how many monkey did you see? (magsasabi ng number yung huling naituro tapos bibilangin, at ang huling bilang maaring alis o taya – hindi maiwasan na magkaroon ng dayaan dahil nabibilang na agad ng naituro kung sino posibleng mataya, maliban nalang kung mahina sa math ang kalaro mo!)

Langit Lupa impyerno,
im im impyerno,
saksak puso tulo ang dugo
patay o buhay dalahin sa ospital
uno, dos, tres sya ang alis... alis!


Chinese garter song:

RED WHITE and BLUE.. Stars over you. Mama said, Papa Said, I LOVE YOU

I... Love... you teleber-teleber
isnooky, dina bonnevie...
sharon, sharon love gabi!
Teleber-teleber...

10-20-30-40-50-60-70-80-90-100
*dead for all – meaning bubuhayin nya ang mga kakamping di marunong magbilang! nyahaha

Eto naman yung pagbibilang ng teks:

Isang babae binarako sa tabi paglabas buntis = 17
Isa-dalawa-tatlo-apat-cha = 9
*Isa=2
*Cha=1

Pang-asar na kanta:

Ang kapal ng mukha. Di na nahiya.
Dapat sa’yo pasabugin ang mukha!
Ulo-ulo lang di kasama katawan,
‘pag kasama katawan, sabog pati laman

One two three asawa ni marie
araw gabi walang panty

Sabihin mo sa ate mo break na kami
nakita ko ang panti nya ganun kalaki

Paboritong laro:
Bahay-bahayan
Luto-lutuan
Shake-shake shampoo
Agawan base
Agawan panyo
Agawan syota
Pikpakboom
Siato
Luksong tinik
Luksong bakla
Habulan-gahasa
Hide and sex

*eto ang blog na dumugo ang utak ko kakaisip sa mga laro namin nuon, marami pang hindi ko na isinama dahil nagka-brain damage ako!


Tuesday, July 13, 2010

Sulat para kay EX

Dear Ex,

Kamusta? sana mas masaya ka ngayon kesa nung mag BF/GF tayo. Alam ko marami akong pagkukulang sayo nuon. Gayunpaman mahal na mahal mo parin ako.

Maraming salamat nga pala sa lahat ng pinagdaanan natin. Alam mo bang sobrang saya ko tuwing kasama ka. At yun ang bagay na hindi matutumbasan ng iba.

Alam ko din naman na naging masaya ka sa piling ko maski paano. Wag mong i-deny yan kasi ilang beses kita nahuling nakatitig sa akin. Medyo natakot ako sayo kasi naman kapag tinitigan mo ako para kang manyak! Gigil na gigil at anu mang oras handang kumagat, yun pala kinilig ka lang…

Pasensya na din sa kakulitan ko tuwing itetext kita ng Gudam! Gudafternun! Gudnyt! I love you sweetdreams! Muah muah muah (may kasamang emoticons) Wat gawa mo? kumain ka na ba? At sangkatutak na miscol kapag hindi ka nagreply dahil nagdodownload ka sa kubeta. Sa mga cheesy line ko sayo na kahit korni benta parin sayo. Hindi ko tuloy alam kung pinaplastik mo ako o mababaw ka lang talaga. Sorry pinanganak akong makulet.

Kung minsan para kang chicharon, nakakahighblood ka ambilis mo kasi mapikon ang akala kong debate lang natin nauuwi sa personalan hanggang sa hindi tayo magpansinan. Infairness naman sayo mabilis mawala ang galit mo konting lambing ko lang okey ka na.

Hindi sumagi sa isip ko na darating pala ang araw na ito
Ang araw na kinakatakot ko na hindi na tayo tatawagin mag syota.
Pero ganun talaga nagbabago ang panahon,

Ang pag-ibig parang ulan. Kung kelan di ka handa, saka bubuhos. Kahit magtago ka, mababasa ka. Kung kelan naman nag-eenjoy ka, saka naman titila at mawawala.

Natandaan mo pa ba ang text na ‘to? sana Oo

Nagmamahal,
Ang iyong asawa


Saturday, July 3, 2010

Mineral Water

Isa sa mga pangarap ko ay ang maging isang commercial model dahil napansin ko marami sa mga artista ay nagsimula dito. Pagaartista naman talaga ang gusto kong pasukin dahil ang sabi ni nanay ampogi ko daw! kering keri ko ang pagiging artista.

Si Cesar Montano ang naging paborito kong artista dahil sa makisig nyang tindig at alindog sa mga kababaihan pero parang nagiba ang tingin ko nung nakita ko ang commercial nya sa mineral water. AMPUTAH so GAY!!!!


Ayan ang katibayan na so GAY si pareng Cesar! punyeta inumin mo ba namang ang tubig na ganyan ang pagkakahawak... Hindi pa na swak ang tubig sa bibig nya dahil ngumiti pa! tsk tsk

Tuesday, January 12, 2010

Gusto ko ulitin

Iba na talaga ang buhay ko ngayon kumpara nung bata pa ako. Bata parin naman ako ngayon, ayoko lang talaga magcompute ng edad ko lumalaki lang ang galit ko sa Math. Nasa kalendaryo pa naman ako, hindi tulad ng ibang nagbabasa ng blog ko wala na. Pero wag kayo mag-alala may Bingo pa, hanggang 75 yun.

Sabi nga nila ang pagiging bata ay ang pinakamasayang stages sa buhay ng tao. Malaya kang gawin ang lahat nang walang iniisip na problema. Ang lahat ay laro lamang.

Matagal ko nang hindi nagagawang ang humalakhak kasama ang mga kaibigan habang nagpapagulong sa damuhan. Nagtatawanan sa walang kwentang bagay na hindi alam kung bakit nga ba (bakit nga ba?). Tanging ang mura naming isip lang ang makakapagpapaliwanag na hindi ko na taglay ngayon.

Madalas ako maglaro sa ulan at kahit pa sa maduduming tubig ng estero wala akong pakealam, ang alam ko lang masaya ako!. Paguwi ng bahay pawisan sa maghapong takbuhan at puro dumi ang damit sabay salubong sa sermon ni nanay. "Ang dumi-dumi mo nanaman! kakaligo mo lang kanina ah!"
Hindi pa uso nuon ang downy isang banlaw kaya bumubula ako sa sermon. Pasok sa kanang tenga labas sa kaliwang tenga.. ganun lang kasimple tanggapin ang sermon. Di tulad ngayon.

Isa pa sa kinagagalit ni nanay ay ang hindi ko pagtulog sa hapon dahil ito ang prime time ng paglalaro namin. Madalas akong tumakas kahit nakakandado ang gate parang si tiyagong akyat kabisado ko kahit nakapikit ang bakod namin, tamang paglukso at paglapag na walang tunog na maririnig.

Kalog at tansing ang paborito ko at ang paglalabanan namin ay balat ng kendi, tansan at sigarilyo. Kapag ang items mo ay kakaiba yung tipong hard to find mataas ang value nito. Kaya naman kung saan saan kami napupunta hanggang makaabot sa pagawaan ng patis at toyo. Medyo malayo na ito pero wala kaming pakealam saan mang sulok yan makakuha lang ng hard to find tansan at balat ng kendi.

Madami rin akong kalokohan nuon, tiyak na di mo mabibilang at kung pwde lang siguro mabilanggo ang bata e tiyak nasa kulungan nako ngayon. Nandyan yung binansagan namin na "storm" yung matandang maputi ang buhok. Galit na galit sya sa batang maiingay tulad namin. Lalabas sya sa bahay para sermunan kami na waepek naman sa amin at lalo pa kaming magiingay sabay takbo at tago. Maya maya muling lalabas at magiinggay ulit. Nangaasar kumbaga. Buti nalang at walang sakit si Storm at di namin sya napatay sa kunsimisyon. Pero balita ko patay na sya ilang taon na din dahil sa katandaan. Sumalangit nawa at patawad po.
Ilang beses ko din nilagyan ng thumbtask ang upuan ng klasmate ko na hanggang ngayon di nila alam na ako ang may sala. Nilagyan din namin ng mga basura ang bag ng klasmate ko, tinanggal namin yung libro at notebook na di nya pansin sabay uwi. Kinabukasan galit na galit hinahanap yung notebook at libro dahil nasermunan daw sya bakit puro kalat ang nasa bag nya paguwi. Ayun wala syang assignment. Parehas na kami. Lamang lang ako dahil dala ko ang libro at notebook sa bahay tamad lang talaga gumawa ng assignment. Naidrawing ko din ang teacher ko na naka bikini sabay kusot at tapon sa basurahan hahahahaha. Binilang ko din ang manerismo ng teacher ko na "Okey... okey class ganito yan!" morethan 40 times nya itong binabangit sa klase -everyday namin itong binibilang. Maswerte pa sya at di namin binibilang yung talsik ng laway nya. Kaya siguro yung klasmate ko sa harap laging may facetowel at lumalabas after ng subject, siguro maghugas ng mukha.

Ang saya sobra.

Hindi tulad ngayon kailangan mong problemahin lahat mula sa isusuot mong damit, pantalon, hairstyle, pati load ng cellphone, Depektibong Gelpren/Boypren, Naglalakihang pores at hindi maubos na tigyawat at maramin pang iba na hindi ko kayang isulat sa dami....

Wednesday, January 6, 2010

Eksena ni Nobita at Doraemon

Nobita: Doraemon, meron ka ba diyang gamit yung mapapasagot ko agad si Shizuka?
Doraemon: Meron.
Nobita: Ah pahiram ako!
Doraemon: Ayoko nga!
Nobita: Ang damot mo! Bakit naman?!
Doraemon: Kung tunay kang nagmamahal, hihintayin mo sya kahit gaano pa katagal

Isa ka dito: