Monday, September 15, 2008

The LactobacillusShirotaStrain


Ito ang paborito kong inumin nung bata pa ako halos araw araw ko hinahunting ang tindera nito na naka uniform pa na parang katulong sa mga telenovela at may dalang maliit na refrigirator este icebox.
Bukod sa pampatibay at pampalakas ng katawan masarap din ang lasa nito. walang katulad sa sarap. Kaya lang ang problema ko napakaliit nito, bitin na bitin ako wooohoho di ko na alam kung makakaya ko pa di bale nalang kaya.
Di ako kuntento sa isang bote nito kaya halos maglupasay ako sa kalsada kapag isa lang ang binili sakin ng nanay ko! halos taktakin ko ang plastik na bote, ipasok ang dila sa loob at sirain para lamang makuha ang huling patak.. ganito ako kaadik sa Yakult!!!
Nitong nakaraan muli ko syang natikman, at parang bumalik ako sa nakaraan muli kong naramdaman ang bitin na sandali... agad akong bumalik sa Ministop at bumili ng 3bote pa para laklakin at tuluyan mapatid ang pagkabitin.
Naisip ko na bakit di nila gawin 500ml ang Yakult parang softdrinks? kaya naman nagsurvey ako sa mga ka officemate ko kung bitin din ba sila sa Yakult at iisa lang ang sagot nila "Oo" kaya naman nais kong gumawa ng isang malawakang rally para sa ikapapayapa ng ating kalooban. Ang magkaroon ng Yakult 500ml!
Sugod na sa Edsa mga kapatid at nang makamit natin ang Tagumpay....

Monday, September 8, 2008

Ang Sumpa

Isang sumpa ang bumabalot sa apat na sulok ng aming eskwelahan nung ako'y elementary pa. Isa itong bangungot para sa mga batang magaaral. Dahil tiyak tatlong K ang mararanasan mo... Kahihiyan, katatawanan at kawalang ng tiwala sa sarili sa oras na mapasaiyo ang sumpa. Dinapuan nito ang klasmate kong si Alfred (di tunay na pangalan). Hindi ko inaasahan na magkakaganito sya dahil isa sya sa mga malilinis kong klasmate (madungis kasi kami dati).
Isang araw may napansin akong dumi sa kanyang uniform sa bandang kaliwa ng bulsa. Mabilis na tumakbo sa isip ko na ito ay tae... Oo positive tae nga! malinaw pa ang mga mata ko at para itong microscope nakikita ko ang bacteria.
Napansin ko na medyo balisa nga sya at hindi mapakali kaya positibo akong dinapuan nga sya ng sumpa. Nagtawanan kaagad ang mga kolokoy kong klasmate dahil sa nakakatawang stuff sa kaliwang bulsa ni Alfred. Todo deny pa ito at sinabing chocolate lang daw yun. Pero isa sa mga klasmate ko ang naglakas loob na sumubok itong amuyin (wow tamang trip!). Inilapit nya ang ilong sa hinihinalang tae ngunit sa kasamaang palad e napasobra ito at nadikit sa ilong nya *wapak! Napasigaw sya na parang nanalo sa lotto Taaaaeeee NGA! Put@NgNa!!!! Tae!!!! mabilis syang tumakbo sa kubeta upang hugasan ang ilong na nadikitsa chocolate este tae pala!Hindi mapigil ang tawanan sa loob ng classroom habang hiyanghiya naman si Alfred sa nangyari. Sa totoo lang awang-awa ako sa kanya pero mas lamang parin ang katatawanan kaya tumawa narin ako hahahaha.

Moral lesson: Hindi inaamoy ang chocolate, tinitikman ito...

Gumawa ako ng isang imbestigasyon kung saan nga ba galing ang sumpang ito. Inisa-isa ko ang sunod-sunod na pangyayari hanggang dumating ako sa kongklusyon na si Mang Johnny pala ang salarin. Sya yung Janitor namin sa skul, businessman na din at the sametime. Kapag nakita ka nito na palakad-lakad sa paligid ng eskwelahan ay tatawagin ka, pero wag ka mabahala dahil di ka nito isusumbong sa titser o prinsipal ang dapat mo lang gawin ay bumili ng tinda nyang bayabas na halos dalawang buwan na yatang di nabebenta kumbaga sa tao amuy lupa na! halos tubuan na ito ng ugat, pero dahil takot ka ma-guidance at mapatawag ang magulang sa skul eh tiyak na ibibili mo na ang natitira mong pera sa kanya. May mga variety din naman syang tinda tulad ng yema, manggang hilaw at sampaloc, pero ang talagang ibebenta nya sayo ay yung old bayabas. Napansin ko na tinatamad syang linisin ang CR dahil mas mahal nya ang pagiging businessman nya. Minsan nga nahuli nya kaming pakalat-kalat sa labas at tinawag, ang buong akala ko bebentahan nya kami ng old bayabas yun pala ay paglilinisin kami ng kubeta. Anak ng tokwa't baboy naman! gawin ba kamin janitor? pero dahil bata kami at madaling matakot e sinunod na namin ang utos nya. Ang buong akala nya naman maloloko nya kami dahil pag alis nya agad kaming tumigil sa paglinis at tumakbo papuntang canteen (section 1 yata 'to).
Mabaho, Madumi at puno ng kwentong kababalaghan at nakatatakutan ang CR sa school namin kaya maging ako ay takot umihi dito ng mag isa. Paano nalang yung mga batang natatae?maghahanap pa ba sila ng kasabay tumae? kung malakas naman ang loob mo at di ka takot sa mga kwentong multo e tiyak ang papatay sayo ay ang amoy nito.... paano ka dudumi kung ang inodoro ay barado at may naka-load na din?
Nagpapasalamat ako dahil sa malapit lang ang eskwelahan sa bahay namin, siguro mga tatlumpung hakbang pasulong at 5 hakbang paatras lang bahay na namin. Kung kaya't nalagpasan ko ang sumpa, muntik na din ako duon. Buzzer beater lang!

Hindi naman pala Johhy talaga ang pangalan ni mang johnny, tinawag lang itong johnny dahil sa trabaho nyang 'Janitor' kung sino ang nagbansag sa kanya at kelan ay di ko masasagot... wala daw clue. Ganun din daw kasi ang pangalang ng janitor ng kaibigan ko sa ibang eskwelahan. Isa lang ang masasabi ko.. Johnny Rocks!!!

Nung Elementary ka, may natae din ba sa klasmate mo? o ikaw mismo? kung ikaw mismo kalimutan mo na ito at magpalit na kaagad ng pangalan at magparetoke ng mukha. Wag mong aminin na ikaw yun nakakahiya.

Moral lesson: WALA

Sunday, September 7, 2008

Giant Modess


Kung nagtratrabaho ka sa makati area at napadaan ka sa underpass nito, malamang nakita mo na ang famous Giant Modess...
Mga ilang linggo napansin ko na parang unti-unti itong natatanggal sa pagkakadikit, siguro may mga taong gusto nakawin ito hindi ko matukoy kung babae ba lalake o mga di-tiyak ang nag nais maiuwi ang Giant Modess. kamuzta naman sila! kasya ba sa kanila ito? Buti nalang at may mga guard sa underpass kaya siguro hindi nila ito madaling matangal sa pagkakadikit!

Thursday, September 4, 2008

Dearest Papa Chris

My Dearest Papa Chris,

Nahihilig po ako sa street foods nitong nagdaan na school year. Sarap na sarap ako tuwing kinakain ko sila, nakakaadik narin kung minsan at dito nauubos ang baon kong pera sa eskwela. Feeling ko rin tumataba na ako ng husto... Halos araw-araw ko po kasi silang nadadaanan sa tuwing papasok at uuwi ako. Nangangati ang lalamunan ko kapag di ako nakatikim ng favorite kong fishball, kikiam, squidball, kwek-kwek, sagot't gulaman, isaw, betamax, tokneneng and many more...
Hindi po pera o di kaya yung pagtaba ko ang problema ko now!
Nais ko lang po malaman kung ang fishballs po ba ay bayag ng fish?
at ang quidballs po ba ay bayag ng squid? e yung kikiam po, saan kaya gawa ito? at bakit tinawag na kikiam?


Lubos na gumagalang,
Miss Toni


Miss Toni,

Bwiseeeet! buong akala ko matatahimik na ang mundo ko sa mga letter sender hindi pa pala. Alam mo ba na parang nakainum ako ng dalawang paketeng extra joss nang mabasa ko ang liham mo.
Walangjo na tanong yan, may bayag ba ang isda? mahilig ako magluto ng isda, pero ni minsan dko pa nasalat na may bayag nga ito. Tinanong ko din ang kumpare kong si google ukol sa tanong mo at heto ang sagot nya:
Honestly, it depends on the type of fish. For example, male betta fish generally have long, flowing fins, while females are generally duller in color and have shorter fins. Livebearers, such as guppies, mollies, and platys, are slightly more difficult to tell, but it isn't so hard if you know what you are looking for. The anal fin of a male livebearer is pointy, while the female's hangs down like a flag. For other fish, like certain cichlids and other fish, sometimes color plays a factor in the determination of gender. In general, the brighter the color of the fish, the more likely the fish is a male. A lot of times, females are larger than males. All of this, as I said before, depends on the type of fish. For specifics, look up the fish whose gender you wish to determine to better identify your fish's gender.

Wala rin syang nabangit ng may balls nga ang fish, at ngayon ko lang nakitang nagkamot ng ulo ang kumpare kong yan! heto pa, pati ang squid mukhang wala din http://www.nzherald.co.nz/section/2/story.cfm?c_id=2&objectid=10348470 click mo ang link na yan...

Saan nga ba gawa ang kikiam?
ito ay gawa sa ground pork and vegetables wrapped in bean curd sheets then deep-fried until golden. hindi lang malinaw kung saang parte ng pork nila kinukuha ang laman pero nakasisigurado ako na hindi ito galing sa K ng baboy lalo na kapag lalake ang kinatay nila.

ang salitang kikiam naman ay mula sa salitang instik at kung di nyo naitatanong ang inyong likod ay may lahing instik ayon sa mga ninuno ko at nag aral din po ako ng salitang intsik nung highskul kaya madali kong masasagot yan!
Ang salitang pilipino ay may mga rules o batas na sinusunod tulad ng 'kung anong bigkas,sya ring sulat' tulad ng cake... sa tagalog keyk
kaya ang Que-kiam ay isinalin din sa tagalog 'kikiam' pero ang mga istudyanteng absent nung itunuro ito sa klase e ang buong akala nila kiki-am (ano 'to text message kiki sa am(umuga))mga bastos!!!!

Nawa'y nasagot ko ang malaki mong problem...
/papa chris

Isa ka dito: