Monday, May 18, 2009

Madalas ko syang makasabay sa LRT, malayo palang kitang-kita mo na sya dahil sa puti at kinis ng kutis nya, para syang glow in the dark. At dahil may girls at mens area ang LRT hindi ko sya nakakatabi hanggang tingin nalang ako. Pero di ko alam kung bakit ngayong araw ay nasa mens area sya, maaring sobrang dami ang tao sa girls area kaya lumipat sya dito, o dahil nakita nya ako (*wapak asa pa!) wala naman kasi syang kasamang lalake sya lang magisa -bakit sya nandito?.

Nilapitan ko sya... malapit na malapit at wow ang bango parang ayoko na umalis sa tabi nya. Parang nawala ang antok ko nung oras na yun. Sobrang ganda nya sa malapitan, mahaba ang kanyang buhok at maamo ang kanyang mga mata. Infatuation ba 'to o Love? ambilis naman kasi kung sasabihin kong inlove ako agad ng di ko pa sya nakakausap.Pero nung dumating na ang tren, nawala na sya bigla sa isip ko, handa na ko makipag tulakan at makipagsiksikan dahil malalate nanaman ako.

Dahil three times champion ako sa Trip to jerusalem nung elementary, mabilis ako nakaupo. "Sa wakas makakaidlip ako ng sandali" ang sabi ko sa sarili, pero nung nakita ko sya bigla akong napasalita ng "Miss dito kana" sabay pa-cute, hindi ko alam kung instinct ko ba yun o dahil sa kinain kong almusal. Bihira kasi ako magpaupo maliban nalang kung matanda at disabled. Maraming bagay ang hindi ko alam bakit ko ginagawa ngayon parang automatic ang lahat.

Biglang pumasok sa isip ko ang itsura ko, hindi ba ako mukhang antok? inaantok? may muta ba ang mata? Maayos ba ang buhok ko? nalimutan ko ba maglagay ng pabango o baka oily ang face ko?. Kaya kinuha ko ang panyo ko sa bulsa, at sa kasamaang palad nahulog ito. Mabilis kong dinampot, hindi ko alam na dinampot nya rin pala, ayun nagka-untugan kami. Pero imbes na masaktan, parehas kami nangiti at natawa. At dun na nagsimula ang makulay na mga oras ng buhay ko. Para akong nakasinghot ng katol. Panalo!

Draegon Keytol lahmowk seygoradohng tehypowk
- American cowboy na nagpupumilit managalog

***

Parehas kaming bumaba sa Gil Puyat station pero after nun di na kami nagkita dahil sa dami ng tao. At kahit anong lingon ko e di ko na talaga sya makita. Badtrip! di ko man lang pala natanong ang pangalan nya bwiseet! speechless o may daga sa dibdib ko? "Nextym nalang" yan ang nasa isip ko.

Ilang araw ko din syang tinityempuhang makasabay pero talagang mailap ang panahon, sadyang di ko na sya nakikita mula nung araw na yun. Hindi na ako umasa pa at tuluyan ko na syang kinalimutan na makita pa. Ang senti ko noh pero di totoo yan, ako pa! umaasa at patuloy na umaasa na magkikita pa kami hanggang isang araw nung late na ako umuwi galing trabaho muli ko syang nakasabay sa LRT at ang malufet pa nito katabi ko sya. Feeling ko hindi nya na ako matandaan kaya naman ginamit ko ang 'Para-paraan move'

Dagdag kaalaman:
Para-paraan move
= eto ang move na ginagamit kapag tingin mo hindi ka napapansin ng taong gusto mo mapansin ka. Simple lang gawin ito, magisip ka ng kung anong bagay na pwede mo itanong o gawin para mapansin ka. Ang mga taong gumagawa nito ay natatawag na 'Papampam'

***

Tinanong ko sya kung anong oras na, kahit may orasan ang cellphone ko. Nakangiti syang sumagot "alas-otso" lalo tuloy gumanda ang gabi ko nang makita ko syang ngumiti. "ahhmm... kaw ba yung nakasabay ko dati sa LRT na nakauntugan ko?" follow-up na banat yan. At sumagot "Ay, oo natatandaan mo pa yun?!" At dito na nagsimula ang matamis naming conversation...


Teka saan ba ang exit dito? na trap ako sa puso mo.


Mabilis ang tibok ng aking puso nung time na yun kaya kahit pagod na ako at toxic eh pilit parin ako nagpapacute. Ewan ko lang kung nahahalata nya yun. Hindi naman sya suplada, infact masaya syang kakwentuhan. Parang ayoko na nga huminto pa ang Tren kung pwede lang.
Sabay kaming bumaba ng Monumento Station at tinanong ko kung saan sya umuuuwi ang tanging sagot nya lang sa akin ay "Dito lang". At bigla syang nawala sa paningin ko. Pinilit kong hanapin sya pero sa sobrang dami ng taong naguunahang makalabas, hindi ko sya nakita, maaring natulak narin sya palabas at hinahanap din ako. Ang malas ko nga naman talaga sayang ang effort at para-paraan move. Tsk! Tsk! Pero di bale nakuha ko naman ang cellphone nya este cellphone number nya.

Mula nung araw na yun madalas ko na syang nakakatext. Umaga, hapon at gabi walang patid na kamustahan at send ng mga quotes at jokes. Kaya kahit hindi ko na sya nakakasabay sa Tren feeling ko katabi ko parin sya. Salamat sa nag imbento ng Cellphone.

Isang araw naisipan ko syang sabayan sa Tren at tinanong kung anong oras sya nanduon, mabilis naman syang pumayag na sabayan ko. Magkahalong saya at excited ang nararamdaman ko habang bumabyahe patungong LRT. At pagdating duon muli kong nakita ang kanyang kagandahan. Nakasinghot nanaman ako ng katol. This time hindi na sya makakawala sa paningin ko. Sinabi ko sakanya na nais ko syang ihatid sa kanilang bahay, pero tumanggi sya nung una. At dahil sa mapilit talaga ako... tatlo at apat na pagpupumilit, napilitan narin sya. Pagdating ng Monumento station sabay kaming bumaba siksikan nanaman ang eksena pero ang sabi ko nga di na sya makakawala pa sa paningin ko. Nagulat ako nang hinawakan nya ang kamay ko at mabilis na hinatak papalabas. Ang lambot ng kanyang kamay at ang bango amuy Ethyl alcohol (biro lang, pero promis ambango). Sa sobrang tuwa ko na magkahawak kami ng kamay hindi ko namalayan na naglalakad na pala kami sa lugar nila. Magaganda ang mga bahay at puno ng ilaw, para kang nasa Disneyland. Ilang minuto pa at narating na namin ang gate ng bahay nila. Napakalaki nito at pagpasok sa loob isang napakagandang bahay ang bumungad sa aking paningin. Medyo nahiya ako dahil ang yaman pala nila parang nakakahiyang tumapak sa loob ng bahay.

Bago kami pumasok sa loob ng bahay kinausap nya ako na wag daw ako kakain ng anuman kahit alukin pa ako. Medyo sumama ang tingin ko sa kanya, ano tingin nya sa akin patay gutom? well wishingwell sa 5 star hotel kaya ako nagaalmusal (joke lang). Pagpasok sa loob ng bahay agad kaming sinalubong ng magulang at mga kaibigan nya, pinakilala nya ako bilang bago nyang kaibigan. May kasiyahan pala sa loob ng bahay, parang JSProm nakabihis ng magagara ang lahat, nakakahiya talaga ang itsura ko, pero dibale sabi nga ng nanay ko "dibale nang madungis wag lang panget".

Sadali syang nagpaalam sa akin upang magpalit ng damit. At sa mga sandaling yun patuloy ako sa pagkamanghang sa mga nakikita ko. Malalaking chandelier at mamahaling mga gamit na sa pelikula ko lang nakikita. Mula sa hagdanan sandaling akong napatigil na napatulala, para syang isang anghel sa kanyang suot at feeling ko susunduin nya na ako patungong langit. Kung ganito lang ang susundo sa akin malamang wala nako ngayon. Isang lalake ang bumasag sa aking kahibangan, inalok nya ako ng makakain habang todo emote ako sa pagkakatitig sa kanya. Gusto ko gulpihin at pulbusin ang dibdib sa suntok ang lalakeng yun, pero nung makita ko, malaki pala sya at pumuputok ang maskels sa laki. Tiyak sasakit ang BRABABINTAWAN ko sa oras na gawin ko yun. Kaya kumuha nalang ako ng isang pirasong tinapay at tinikman ko, masarap parang krispy kreme, sumunod nito inalok nya naman ako ng alak. Tinikman ko ito pero hindi ko malasahan kaya muli akong kumuha, pero hindi parin.. tatlo, apat, lima wala talaga!

Mayamaya lumapit sya sa akin at tinanong kung kumain ba ako ng pagkain, muli bumalik sa aking alaala na hindi nga pala nya ako pinapakain ng anuman mula sa handa nila. "Nabigla lang ako" defensive kong sagot. Hinatak nya ako palabas habang ang lahat ay nakatingin sa akin ng masama at nanlilisik. Habang tumatakbo kami tinanong ko sya kung bakit. "Alam na nila na hindi ka namin kauri" may halong kaba ang kanyang pagsagot at ramdam ko yun sa mga higpit ng hawak nya. Paglingon ko sa likuran marami na ang humahabol sa amin, hindi ko maaninag sa sobrang dilim, pero tinitiyak ko na kamatayan kung sakaling maabutan nila ako. Madulas na malambot ang daan dahil sa mga nahulog na dahon at maulan na pahahon. Pagod nko kakatakbo pero patuloy parin kami at patuloy parin sila sa paghabol naririnig ko na malapit na malapit na sila sa akin. Mga ugol ng leon na gutom na gutom at sabik na sa muling pagkain. Nakarating kami sa isang lugar na medyo maliwanag at dito nya ako niyakap sabay nagpaalam at nagpasalamat sa mga masasayang sandali.Ganun din ako na halos ayoko na syang bitawan, pero tinulak nya ako dahil paparating na ang mga humahabol sa amin. Tumulo ang kanyang luha habang nagpapaalam hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandaling yun at patuloy na sinisisi ang sarili....


"Hoy! Gising na boy, Monumento na!" sabi ng isang security guard na malaki ang maskels. "Kanina ka pa nga namin ginigising ang sarap ng tulog mo!" dagdag ng friday cleaners sa LRT




======================================================
Question and Answer portion:

Question: Ano po ba ang pamagat?
Answer: Wala pa akong maisip na maganda sa ngayon, baka may masusuggest ka email mo lang sa orthochild@yahoo.com at kung sakaling ang entry mo ang maswerteng mapipili, ikaw ay maguuwi ng isang sakong rice na luto na.

Question: Ano po ang pangalan ng babae sa kwento nyo?
Answer: Bebang. Kaya lang di pa sya sikat malalaos na. Kaya di ko na nilagyan ng pangalan ang sagwa kasi.

Question: Inlab po ba kayo habang ginagawa nyo ang kwentong yan?
Answer: Hindi. Brokenhearted ako... Pakelam mo ba? chismosa ka!

Question: Gagawa ka pa ba ng isang maikling kwento matapos nito?
Answer: Hindi na, tama na yan!

Question: Can i get your number?
Answer: Bwiseeeeet!
======================================================

Monday, April 13, 2009

Meaningless Vacation

Maligo
Kumain
Matulog
Magtext
Mangulet
Magpagod
Tumambay
Manuod ng TV
Mag-swimming
Makipag-inuman
Magbasa ng libro
Maglaro ng Basketball
Meaningless di ba?
tapos mainit pa sa bahay
namimiss ko talaga ang OPISINA
hindi ang maraming trabaho at overtime
kundi ang AIRCON.

Tuesday, April 7, 2009

Congrats Dustin & Cynthia

Congratulation sa mga ka-batch ko nung high school na pumasa sa 2008 bar exam at sa mga papasa palang Goodluck and Godbless.
"Huwag magasawa ng maaga, nang di maabala"

Madalas ako manuod ng "That's My Boy" at "Little Ms. Philippines" sa EAT BULAGA, at heto ang madalas sabihin ng mga bata tuwing tinatanong sila ni Vic Sotto at Joey De Leon kung ano ba ang gusto nila maging paglaki:
"Gusto ko maging Doktor, dahil gusto ko makatulong sa mga may sakit!"
"Gusto ko maging Abogado, dahil gusto ko makatulong sa mga naaapi"
Madali para sa mga bata ang sabihin ang salitang eto, pero sa tulad ko, tulad mo na polluted na ang utak na kailangan narin siguro ng Brain Hour. Mahirap gawin ang salitang eto.
Makatulong? o Magkapera?
Tsk! Tsk!
Shutdown muna ang brain for 1 hour baka sakaling bumalik ulit sa dati... TABULARASA

Sample Flowchart

Pindutin para lumaki (sagwa pakinggan, english nalang)
Click the image to enlarge.


Tuesday, March 31, 2009

About the author

Isang simpleng tao na nangangarap maging host ng isang travel show, manunulat, musikero, artista porn, DJ, VJ, Direktor at makagawa ng isang indie-film at documentary. Mahilig umakyat ng bundok, magpunta sa ibat-ibang lugar, kumuha ng larawan at makipagkaibigan. Idol nya mula pa nung bata ang The Beatles, hindi maipaliwanag kung bakit. Maaring gusto nya lang ang musika nila. Isinilang at lumaki sa Dagat-dagatan, Malabon City, dito kung saan nahubog ang katalinuhan, katarantaduhan, kalokohan, at kagaguhan. Inshort buong pagkatao nya.

Preschool
School: Day Care Center
Nagsimula pumasok sa eskwelahan sa edad na apat na taon, tinawag syang saling-pusa dahil hindi naman talaga pagaaral ang pakay, kundi manggulo ng mga nagaaral.
Edad na limang taon.... eto na nagaral na sya, dito nya natutunan kung paano isulat at basahin ang mga alphabeto. Nakilala nya rin ang ibat-ibang kulay at natutong gumuhit sa pader . Paborito nya ang palabas na Batibot, lalong-lalo na ang mga kwento ni kuya bodgie at ate shienna. Unang performance nya ay ang gayahin ang pelikula ni sharon cuneta ang "pasan ko ang daigdig" sa loob ng eskwelahan at sumayaw habang kumakanta ng Gary V song "Di bale nalang kaya"

Gradeschool
School: Imelda Elementary School
Anim na taon, isa sa pinaka-batang magaaral para sa Grade1. Muntik na syang hindi payagan, ngunit, datapwat, subalit naipasa nya ang entrance exam at marunong na magbasa, nakalusot at pinayagan narin. Mula Grade1 hanggang Grade6 hindi sya naalis sa section 1 Mayabang sya Hindi sya matalino pero hindi rin naman bobo. Lagi syang Friday Cleaners dahil sa unang titik ng kanyang apelyido. Paborito nya ang magtapon ng basura dahil nakakapaglakwatsa sya habang itinatapon ang basura sa likod ng eskwelahan. Hate nya ang magbunot kasi nakakapagod.

Highschool
School: Westminster High School
Isang Chinese-Christian School ang napasukan nya. 1st year may chinese language subject sya at dahil hindi nya naman ito pinagtuonan ng pansin BAGSAK. Pero okey lang yun, hindi naman kailangan balikan at i-summer ang subject na 'to, strategy lang ng school para kumita. Naging paborito nya ang mga musika ng eraserhead dahil sa impluwensya ng klasmate nya at sa biniling tape ng tatay nya.

College
School: AMA Computer College - Caloocan
Hindi nya alam kung paano sya napunta sa eskwelahan na 'to. Basta nalang kasi sya nagexam dito kasama ang dalawa nyang katropa nung highskul. tsk! tsk! pangarap nya makapag-aral sa Unibersidang ng Pilipinas pero di nya nagawang magexam duon. Dahil tuwing magpapaalam sa highskul teacher nya na mageexam at magaaply sa mga school e nagcucuting lang silang tatlo ng tropa nya. Tinapos nya ang kursong Computer Engineering sa tulong ng PVAO Scholarship (Phil. Veterans Affairs Office). sa awa ng Maykapal.
At sa kasalukuyan sya ngayon ay nagtratrabaho na para gumawa ng blog sa WAKAS.

Monday, March 30, 2009

Congratulation Graduates Graduate ka na!

Tuwing Marso hindi na bago sa ating mga pinoy ang makakita ng "Congratulation Graduates" mula sa mga walang kwentang politiko. Nakasabit ito sa Kalsada, eskwelahan, simbahan, pedestrian crossing, beer house, hotel, motel at kung saan-saan basta maraming tao makakakita kahit sa lugar na wala silang pakealam sa mga gragraduate.Ang importante e makita ang picture at pangalan ng politikong bumabati.Kung papansinin mo ang mga tarpaulin na 'to lalo kang mabubwiset, dahil masmalaki pa ang pangalan ng politikosa mga pagbati nito. Nakahilatsa din dyan ang pagmumukha nila na naka-ngiti na parang di kayang gumawa ng kasalanan.
Parang ganito:


Hindi lang naman tuwing graduation nagkakaroon ng ganitong mga pagbati ang mga politiko. Sa lahat ng okasyon present din ang pagbati nila. "Merry Christmas and Happy New Year" "Happy Fiesta" "Welcome Alumni" "Happy Birthday" etc-etc... Lahat ng pwede batiin binabati nila kahit siguro bagong tuli "Congratulations to the newly circumsize"
Mahirap talaga pumili ng iboboto, kasi nga naman hindi pa eleksyon patuloy na sila sa pandaraya. Hindi man tahasan na pangangampanya ito e ganun narin ang ibig sabihin nila dito. Hindi naman siguro tayo mga munting bata na walang alam at madali nilang maloloko.
Ang sakit ng lipunan ay malala na pero patuloy parin tayo sa paghahanap ng lunas dito kaya kung sino-sino ang nais natin ihalal na nagbabakasakali na sila ang gamot. Kung gusto mo lumakas ang liver mo, liveraid. Para gumanda ang eyesight, Optine araw araw. Para pumuti, Metathione. Para pumayat ng walang kahirap-hirap, Fit&Right. Mataas ang sugarlevel, ampalaya plus. Sakit sa puso, Heartvit.

Lahat ng ito ay may nakasulat na "No approved Therapeutic Claims" meaning walang matibay na ebidensya na nakakapagpagaling nga ito, gayun pa man marami parin ang nagtitiwala at nagbabakasakaling mapagaling ang karamdaman nila sa paginum nito. Ganito rin ang pagbabakasakali natin na masolusyunan ang sakit ng lipunan, yun nga lang marami talaga ang mapagsamantala. Tsk! Tsk!

Thursday, March 26, 2009

Acupuncture

Sa mga masugid, masipag, matiisin at walang trabaho sa opisina kundi magbasa ng blog eto nagblog na ulit ako...
Late na ako umuwi kahapon siguro 9:20pm na at siguradong wala nang byaheng LRT ng ganitong oras. Second option ko ay ang FX from Gil Puyat to Monumento via C3 road. Kamahalan nga lang kung dito ako sasakay dahil 40pesos ang pamasahe tapos pagbaba ko ng C3 no choice kundi magspecial ng Tricycle papunta sa mismong bahay namin. Kung susumahin 75pesos lahat kamahalan di ba? kasama na dyan ang Bus from makati to Gil Puyat, compare kung aabutan ko ang LRT, 41 pesos lang. Pero hindi importante yan sa kwento ko ngayon wala lang gusto ko lang sabihin at wala ka nang pakealam blog ko 'to!
Pagsakay ko sa FX para kaming sardinas (hindi ko alam kung pwede pang gamiting ang sawikain na ito kasi napansin ko hindi na siksik ang sardinas ngayon. Its getting bigger and bigger... pero lata lang!). 3 ang nasa harap including ang driver, apat ang sa gitna (ako yung pangalawa sa gitna, at apat din sa hulihan. Siksikan di ba? Sumagot ka!
Okey eto ang nangyari habang umaandar ang FX.....
Dahil late na nga, medyo inaantok na ang lahat maliban sa driver (wag naman sana di ko pa nakikita ang panganay ko) nagulat ako dahil parang may tumutusok sa kaliwang balikat ko masakit parang karayum na marami kaya naman napalingon ako pakaliwa at sakto!!! natutulog ang katabi ko na naka bukas ang bibig, at nung paglingon ko halos mahalikan ko. Sheeet!!! tapat na tapat ang ilong ko sa bibig nya, nagising ako bigla, kung alam mo yung feeling ng nakasinghot ng Mighty Bond parang ganun gumuguhit mula ilong, lalamunan at hanggang utak wheeeww... amuy ebak promis at ang tumutusok sa balikat ko e yung balbas nya na parang Acupuncture lang. Masakit na nakakakiliti na nakakainis na parang gusto ko syang ututan bilang ganti.
Sabi dati ng teacher ko nung highschool kapag pinigil mo daw ang utot mo sa bibig daw ito lalabas, pero di ako sangayon sa mga sinabi nya na yun, gusto ko sana magconduct pa kami ng isang laboratory test kung totoo ba ito, pero wala hindi nya kaya itong patunayan. minsan kasi pinigil ko ang utot ko at inamuy ko ang hininga ko, pero hindi naman ito amuy utot. I therefore conclude mali ang mga sinasabi nya, pero kahapon parang nagdadalawang isip na ako kung totoo ba ito.
Umabot halos isang oras ang byahe ganun din ang sakripisyong ginawa ko, parang napaaga ata ang pagsasakripisyong ginawa ko, malayo pa ang semanasanta ang alam ko April pa yun, advance naman 'to.

Isa ka dito: