Sa mga masugid, masipag, matiisin at walang trabaho sa opisina kundi magbasa ng blog eto nagblog na ulit ako...
Late na ako umuwi kahapon siguro 9:20pm na at siguradong wala nang byaheng LRT ng ganitong oras. Second option ko ay ang FX from Gil Puyat to Monumento via C3 road. Kamahalan nga lang kung dito ako sasakay dahil 40pesos ang pamasahe tapos pagbaba ko ng C3 no choice kundi magspecial ng Tricycle papunta sa mismong bahay namin. Kung susumahin 75pesos lahat kamahalan di ba? kasama na dyan ang Bus from makati to Gil Puyat, compare kung aabutan ko ang LRT, 41 pesos lang. Pero hindi importante yan sa kwento ko ngayon wala lang gusto ko lang sabihin at wala ka nang pakealam blog ko 'to!
Pagsakay ko sa FX para kaming sardinas (hindi ko alam kung pwede pang gamiting ang sawikain na ito kasi napansin ko hindi na siksik ang sardinas ngayon. Its getting bigger and bigger... pero lata lang!). 3 ang nasa harap including ang driver, apat ang sa gitna (ako yung pangalawa sa gitna, at apat din sa hulihan. Siksikan di ba? Sumagot ka!
Okey eto ang nangyari habang umaandar ang FX.....
Dahil late na nga, medyo inaantok na ang lahat maliban sa driver (wag naman sana di ko pa nakikita ang panganay ko) nagulat ako dahil parang may tumutusok sa kaliwang balikat ko masakit parang karayum na marami kaya naman napalingon ako pakaliwa at sakto!!! natutulog ang katabi ko na naka bukas ang bibig, at nung paglingon ko halos mahalikan ko. Sheeet!!! tapat na tapat ang ilong ko sa bibig nya, nagising ako bigla, kung alam mo yung feeling ng nakasinghot ng Mighty Bond parang ganun gumuguhit mula ilong, lalamunan at hanggang utak wheeeww... amuy ebak promis at ang tumutusok sa balikat ko e yung balbas nya na parang Acupuncture lang. Masakit na nakakakiliti na nakakainis na parang gusto ko syang ututan bilang ganti.
Sabi dati ng teacher ko nung highschool kapag pinigil mo daw ang utot mo sa bibig daw ito lalabas, pero di ako sangayon sa mga sinabi nya na yun, gusto ko sana magconduct pa kami ng isang laboratory test kung totoo ba ito, pero wala hindi nya kaya itong patunayan. minsan kasi pinigil ko ang utot ko at inamuy ko ang hininga ko, pero hindi naman ito amuy utot. I therefore conclude mali ang mga sinasabi nya, pero kahapon parang nagdadalawang isip na ako kung totoo ba ito.
Umabot halos isang oras ang byahe ganun din ang sakripisyong ginawa ko, parang napaaga ata ang pagsasakripisyong ginawa ko, malayo pa ang semanasanta ang alam ko April pa yun, advance naman 'to.
Thursday, March 26, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment