Saturday, June 21, 2008

Dear Papa Chris (3rd edition)

Dear Papabol Chris,

Isa po ako masugid na taga subaybay ng inyong programa.
At dahil dyan naisipan ko po na lumiham at idulog ang ang
sarili kong problema. Napansin ko na mabilis at maganda naman
ang inyong response sa mga lumiliham. Maliban nalang po sa PH Care,
kasi po may brand na PH Care... at nagamit kona ito (hihihihi).

Ito po ang aking problema:
Ilang boyfriend na rin po ang nagdaan sa akin pero lahat sila ay iniwan po ako.
Masakit dahil ibinigay ko ang lahat. As in lahat-lahat! at kahit na ano handa ako
ibigay, maliban lang sa anak. Matagal ko na itong ipinagdarasal, na sana isang
araw ay mabigyan kami ng boyfriend ko. Marami narin akong sinubukan. Nandyan
yung sumayaw ako sa obando. Nagdasal at nagalay sa fertility statue, Nagpakunsultasa doktor, albularyo, manghuhula, at dun sa kapitbahay naming parang kuneho (hehehe).
Sinubukan narin po naminang ibat-ibang style pero waepek!!!
Marahil ito na po ang dahilan kung bakit nila ako iniiwan. Hindi ko maibigay ang bagay na makakakumpleto ng pamilya. Kaya naman naisipan ko ikwento ang problema ko sayo papa chris baka sakaling may maganda kang payo, at makapagbigay ng tulong.

Lovelots,
Rodel (Muah!!)




Rodel,

Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa! MALANTUDAY ka iha, este iho
kahit anong sayaw mo sa obando, marilao, bucaue, bulacan e hindi
ka mabubuntis dahil wala kang Martres/Ovary naintindihan mo ba?
Muli mong balikan ang Grade 6 notebook mo, kung may naisulat kasa
reproductive organ. kung wala naman dun sa dati mong klasmate kung
buhay pa ang notebook nya. Baka kasi ginawa nang pambalot ng tinapa.
Mahirap talaga yang problema mo! idinamay mo pa ako.
Walangjo naman kahit anong posisyon ang gawin nyo di talaga bubukol yan.
May kasabihan na "Kung di ukol, di bubukol" i-print mo yan at isabit sa pintuan
mo harap at likod para lagi mo matandaan. Tungkol naman sa PH care, alam
mo ba na kabubukas lang ng factory na yan matapos ko sagutin ang liham.
Nawa'y nalinawan ka sa sagot ko. Kung malabo, Magsalamin ka! mata mo lang
ang malabo.


/Papa chris

Isa ka dito: