Tuesday, September 15, 2009

Dear Anya,

Hindi talaga kita kilala, ni hindi pa nagkatagpo ang ating landas, maging ang anino mo ay hindi ko pa nakita. Pero sa mga kwento ng kaibigan ko, parang kilala na kita. Sa mga larawan na ipinakita nya parang naroon narin ako at nagkakilala tayo. Malinaw nyang nailarawan sa akin ang mga masasayang araw ng kanyang buhay kasama ka. Napakikislot nito ang aking imahinasyon na parang nanunuod ako ng isang magandang pelikula. Kinilig ako, baduy man ito pero yan ang totoo. Mula nung lumayo ka parang nawalan na sya ng pagasa na umibig pa, hindi man nya ito aminin ramdam ko eto. Para kang taxi habang lumalayo lalong napapamahal. Ang cheesy noh! pinasaya ko lang ang pagbabasa mo baka kasi tumulo ang luha mo, ayaw nya yun. Ayoko magbigay ng konklusyon sa problema nyo kasi isang panig lang naman ang narinig ko. Madalas nya maikwento yun pero hindi ko nalang masyado binibigyan ng halaga. Wala syang galit sa sino man at yun ang pinakamagandang nakita ko sa ugali nya. Dahil kung ako yung nasa kalagayan nya, siguradong World War III na at maghahanda na ako ng mga kamikazee. Minsan ko syang pinayuhan na wag manatiling tahimik. Itinulad ko sya kay Rizal na nagsulat ng libro laban sa kastila na nangailangan pang basahin at intindihin bago maghimagsik. Matagal na processo na tingin ko hindi akma sa puso. Tumatakbo ang oras.. bawat segundo mahalaga mahirap ang maiwan hindi ito LRT na may next train na darating.
Kapag nagpupunta kami sa R.O.X para mag shopping ang mata at matunaw sa inggit lagi nya tinitingnan ang map of the world at ilalagay ang lens sa Canada. Tinanung ko sya kung bakit, ang sinagot nya lang may hinahanap sya duon. Sabi ko i-google earth nya, pero sabi nya wag na daw. hmmm... dun ko lang nalaman ikaw pala yung nasa canada. kamusta ka naman dyan? malamig ba dyan? malinis ba ang tubig at hangin? dito kasi may waterstation na bawat kanto. Natatakot ako na baka dumating ang araw pati hangin e kailangan na din bilihin. Ang sarap siguro dyan parehong malinis ang tubig at hangin. Pero di ako pwde dyan hindi dyan ang habitat ko. Si berto gusto magpunta dyan hindi dahil malinis ang tubig at hangin at hindi rin dahil dyan ang gusto nyang habitat kundi nandyan ka. Natutuwa ako dahil di ka nya kayang palitan sa kahit na sino at naisip pa nya na tatandang binata nalang sya (matanda na tatanda pa?) kahangahangang itong kaibigan ko ayaw sumuko. Seryoso sya nung sinabi nya sa akin yan at walang halong ka eklabuhan ang mga mata. Alam mo ba na natotorete na ako kapag nagkikita kami dahil walang oras na lumalampas na di ko naririnig ang salitang "Anya" at "Canada" kung pwede lang nga mute ko na ang salitang yan, pero hindi ko kaya alam kong ikagagalit nya yun sa akin. Sana dumating ang araw na magkita ulit kayo. Tiyak ko kikiligin ang mga FANS nyo at magcecelebrate ng Grand Fans Day sa Araneta.
Mukhang napahaba ata ang sulat ko sayo, o sya uuwi nako sa bahay sa office kasi ako gumagawa ng blog. Sana magkita kayo muli at magkita din tayo

Umaasa,
/C2

Isa ka dito: