Parang ganito:
Hindi lang naman tuwing graduation nagkakaroon ng ganitong mga pagbati ang mga politiko. Sa lahat ng okasyon present din ang pagbati nila. "Merry Christmas and Happy New Year" "Happy Fiesta" "Welcome Alumni" "Happy Birthday" etc-etc... Lahat ng pwede batiin binabati nila kahit siguro bagong tuli "Congratulations to the newly circumsize"
Mahirap talaga pumili ng iboboto, kasi nga naman hindi pa eleksyon patuloy na sila sa pandaraya. Hindi man tahasan na pangangampanya ito e ganun narin ang ibig sabihin nila dito. Hindi naman siguro tayo mga munting bata na walang alam at madali nilang maloloko.
Ang sakit ng lipunan ay malala na pero patuloy parin tayo sa paghahanap ng lunas dito kaya kung sino-sino ang nais natin ihalal na nagbabakasakali na sila ang gamot. Kung gusto mo lumakas ang liver mo, liveraid. Para gumanda ang eyesight, Optine araw araw. Para pumuti, Metathione. Para pumayat ng walang kahirap-hirap, Fit&Right. Mataas ang sugarlevel, ampalaya plus. Sakit sa puso, Heartvit.
Lahat ng ito ay may nakasulat na "No approved Therapeutic Claims" meaning walang matibay na ebidensya na nakakapagpagaling nga ito, gayun pa man marami parin ang nagtitiwala at nagbabakasakaling mapagaling ang karamdaman nila sa paginum nito. Ganito rin ang pagbabakasakali natin na masolusyunan ang sakit ng lipunan, yun nga lang marami talaga ang mapagsamantala. Tsk! Tsk!
2 comments:
Speaking of graduation?!
alam mo ba na ang ibig sabihin ng "commencement exercise"? sa salitang commencement meaning "A beginning; a start". ang pinagtataka ko lang ay baket ito ginagamit tuwing graduation day??? graduation ay pagtatapos?
Post a Comment