Tuesday, March 31, 2009

About the author

Isang simpleng tao na nangangarap maging host ng isang travel show, manunulat, musikero, artista porn, DJ, VJ, Direktor at makagawa ng isang indie-film at documentary. Mahilig umakyat ng bundok, magpunta sa ibat-ibang lugar, kumuha ng larawan at makipagkaibigan. Idol nya mula pa nung bata ang The Beatles, hindi maipaliwanag kung bakit. Maaring gusto nya lang ang musika nila. Isinilang at lumaki sa Dagat-dagatan, Malabon City, dito kung saan nahubog ang katalinuhan, katarantaduhan, kalokohan, at kagaguhan. Inshort buong pagkatao nya.

Preschool
School: Day Care Center
Nagsimula pumasok sa eskwelahan sa edad na apat na taon, tinawag syang saling-pusa dahil hindi naman talaga pagaaral ang pakay, kundi manggulo ng mga nagaaral.
Edad na limang taon.... eto na nagaral na sya, dito nya natutunan kung paano isulat at basahin ang mga alphabeto. Nakilala nya rin ang ibat-ibang kulay at natutong gumuhit sa pader . Paborito nya ang palabas na Batibot, lalong-lalo na ang mga kwento ni kuya bodgie at ate shienna. Unang performance nya ay ang gayahin ang pelikula ni sharon cuneta ang "pasan ko ang daigdig" sa loob ng eskwelahan at sumayaw habang kumakanta ng Gary V song "Di bale nalang kaya"

Gradeschool
School: Imelda Elementary School
Anim na taon, isa sa pinaka-batang magaaral para sa Grade1. Muntik na syang hindi payagan, ngunit, datapwat, subalit naipasa nya ang entrance exam at marunong na magbasa, nakalusot at pinayagan narin. Mula Grade1 hanggang Grade6 hindi sya naalis sa section 1 Mayabang sya Hindi sya matalino pero hindi rin naman bobo. Lagi syang Friday Cleaners dahil sa unang titik ng kanyang apelyido. Paborito nya ang magtapon ng basura dahil nakakapaglakwatsa sya habang itinatapon ang basura sa likod ng eskwelahan. Hate nya ang magbunot kasi nakakapagod.

Highschool
School: Westminster High School
Isang Chinese-Christian School ang napasukan nya. 1st year may chinese language subject sya at dahil hindi nya naman ito pinagtuonan ng pansin BAGSAK. Pero okey lang yun, hindi naman kailangan balikan at i-summer ang subject na 'to, strategy lang ng school para kumita. Naging paborito nya ang mga musika ng eraserhead dahil sa impluwensya ng klasmate nya at sa biniling tape ng tatay nya.

College
School: AMA Computer College - Caloocan
Hindi nya alam kung paano sya napunta sa eskwelahan na 'to. Basta nalang kasi sya nagexam dito kasama ang dalawa nyang katropa nung highskul. tsk! tsk! pangarap nya makapag-aral sa Unibersidang ng Pilipinas pero di nya nagawang magexam duon. Dahil tuwing magpapaalam sa highskul teacher nya na mageexam at magaaply sa mga school e nagcucuting lang silang tatlo ng tropa nya. Tinapos nya ang kursong Computer Engineering sa tulong ng PVAO Scholarship (Phil. Veterans Affairs Office). sa awa ng Maykapal.
At sa kasalukuyan sya ngayon ay nagtratrabaho na para gumawa ng blog sa WAKAS.

Monday, March 30, 2009

Congratulation Graduates Graduate ka na!

Tuwing Marso hindi na bago sa ating mga pinoy ang makakita ng "Congratulation Graduates" mula sa mga walang kwentang politiko. Nakasabit ito sa Kalsada, eskwelahan, simbahan, pedestrian crossing, beer house, hotel, motel at kung saan-saan basta maraming tao makakakita kahit sa lugar na wala silang pakealam sa mga gragraduate.Ang importante e makita ang picture at pangalan ng politikong bumabati.Kung papansinin mo ang mga tarpaulin na 'to lalo kang mabubwiset, dahil masmalaki pa ang pangalan ng politikosa mga pagbati nito. Nakahilatsa din dyan ang pagmumukha nila na naka-ngiti na parang di kayang gumawa ng kasalanan.
Parang ganito:


Hindi lang naman tuwing graduation nagkakaroon ng ganitong mga pagbati ang mga politiko. Sa lahat ng okasyon present din ang pagbati nila. "Merry Christmas and Happy New Year" "Happy Fiesta" "Welcome Alumni" "Happy Birthday" etc-etc... Lahat ng pwede batiin binabati nila kahit siguro bagong tuli "Congratulations to the newly circumsize"
Mahirap talaga pumili ng iboboto, kasi nga naman hindi pa eleksyon patuloy na sila sa pandaraya. Hindi man tahasan na pangangampanya ito e ganun narin ang ibig sabihin nila dito. Hindi naman siguro tayo mga munting bata na walang alam at madali nilang maloloko.
Ang sakit ng lipunan ay malala na pero patuloy parin tayo sa paghahanap ng lunas dito kaya kung sino-sino ang nais natin ihalal na nagbabakasakali na sila ang gamot. Kung gusto mo lumakas ang liver mo, liveraid. Para gumanda ang eyesight, Optine araw araw. Para pumuti, Metathione. Para pumayat ng walang kahirap-hirap, Fit&Right. Mataas ang sugarlevel, ampalaya plus. Sakit sa puso, Heartvit.

Lahat ng ito ay may nakasulat na "No approved Therapeutic Claims" meaning walang matibay na ebidensya na nakakapagpagaling nga ito, gayun pa man marami parin ang nagtitiwala at nagbabakasakaling mapagaling ang karamdaman nila sa paginum nito. Ganito rin ang pagbabakasakali natin na masolusyunan ang sakit ng lipunan, yun nga lang marami talaga ang mapagsamantala. Tsk! Tsk!

Thursday, March 26, 2009

Acupuncture

Sa mga masugid, masipag, matiisin at walang trabaho sa opisina kundi magbasa ng blog eto nagblog na ulit ako...
Late na ako umuwi kahapon siguro 9:20pm na at siguradong wala nang byaheng LRT ng ganitong oras. Second option ko ay ang FX from Gil Puyat to Monumento via C3 road. Kamahalan nga lang kung dito ako sasakay dahil 40pesos ang pamasahe tapos pagbaba ko ng C3 no choice kundi magspecial ng Tricycle papunta sa mismong bahay namin. Kung susumahin 75pesos lahat kamahalan di ba? kasama na dyan ang Bus from makati to Gil Puyat, compare kung aabutan ko ang LRT, 41 pesos lang. Pero hindi importante yan sa kwento ko ngayon wala lang gusto ko lang sabihin at wala ka nang pakealam blog ko 'to!
Pagsakay ko sa FX para kaming sardinas (hindi ko alam kung pwede pang gamiting ang sawikain na ito kasi napansin ko hindi na siksik ang sardinas ngayon. Its getting bigger and bigger... pero lata lang!). 3 ang nasa harap including ang driver, apat ang sa gitna (ako yung pangalawa sa gitna, at apat din sa hulihan. Siksikan di ba? Sumagot ka!
Okey eto ang nangyari habang umaandar ang FX.....
Dahil late na nga, medyo inaantok na ang lahat maliban sa driver (wag naman sana di ko pa nakikita ang panganay ko) nagulat ako dahil parang may tumutusok sa kaliwang balikat ko masakit parang karayum na marami kaya naman napalingon ako pakaliwa at sakto!!! natutulog ang katabi ko na naka bukas ang bibig, at nung paglingon ko halos mahalikan ko. Sheeet!!! tapat na tapat ang ilong ko sa bibig nya, nagising ako bigla, kung alam mo yung feeling ng nakasinghot ng Mighty Bond parang ganun gumuguhit mula ilong, lalamunan at hanggang utak wheeeww... amuy ebak promis at ang tumutusok sa balikat ko e yung balbas nya na parang Acupuncture lang. Masakit na nakakakiliti na nakakainis na parang gusto ko syang ututan bilang ganti.
Sabi dati ng teacher ko nung highschool kapag pinigil mo daw ang utot mo sa bibig daw ito lalabas, pero di ako sangayon sa mga sinabi nya na yun, gusto ko sana magconduct pa kami ng isang laboratory test kung totoo ba ito, pero wala hindi nya kaya itong patunayan. minsan kasi pinigil ko ang utot ko at inamuy ko ang hininga ko, pero hindi naman ito amuy utot. I therefore conclude mali ang mga sinasabi nya, pero kahapon parang nagdadalawang isip na ako kung totoo ba ito.
Umabot halos isang oras ang byahe ganun din ang sakripisyong ginawa ko, parang napaaga ata ang pagsasakripisyong ginawa ko, malayo pa ang semanasanta ang alam ko April pa yun, advance naman 'to.

Isa ka dito: