sa politika...
-ang gumagawa ng batas ang numero unong lumalabag dito.
-legal na magnanakaw ang mga nasa gobyerno.
-pa-simpleng kumakandidato na kahit malayo pa ang eleksyon (deny to death pa!)
-magka-tropa ang pulis at magnanakaw.
-pwedeng ilipat ang petsa ng holiday.
-may 'pro' at 'anti'
-lahat ng president may impeachment complain.
-legal ang sugal sa text.
Sa kalsada...
-overload ang mga pampasaherong sasakyan.
-trabaho ng trapik enforcer ang manghuli, hindi magayos ng trapik.
-hindi nagsusukli ang taxi driver.
-favorite ng pulis ang kulay violet. hate nya ang orange.
-favorite tapunan ng basura yung pader na may nakasulat na 'bawal magtapon dito'
-favorite din umihi ng lalake sa pader na may nakasulat na 'bawal ihi putol tite'
-hindi nasusunod ang bus stop.
-gusto ng pasahero sa mismong gate ng bahay nila sya ibababa ng bus.
-bawat kanto may pila ng tricycle.
-may tumatawid sa ilalim ng overpass.
-meron din sa ibabaw ng underpass.
Sa eskwelahan...
-ang pamagat ng lupang hinirang ay "bayang magiliw"
-usong assignment kapag pasukan ang manila paper, cartolina, cardboard, crayola, bunot, dustpan, basahan.
-may bayad ang test paper.
-madumi ang toilet.
-Sideline ng tindera ang pagiging teacher (elementary)
-Sideline ng mahihilig sa special project ang pagiging teacher (highschool)
-parang kabuteng nagsusulputan sa bakanteng building ang mga computer/caregiver schools.
-business na ang education.
-may bilyaran sa tabi ng mga school.
-may inuman sa tabi ng mga school.
-may computershop sa tabi ng mga school.
-may pokpok sa loob ng school.-may manyakis na prof. (lahat ng kasarian)
-may manyakis na estudyante. (karamihan)
-vandalism sa kubeta, hagdanan, upuan at pader.
Sa Television naman..
-Cooking show every sunday morning.
-showbiz chikka naman sa hapon.
-tagalized mexican, korean, chinese, japanese novela.
-sa showbiz kapag pogi, bading.
-kapag malaki tiyan, buntis.
-kapag pumayat, adik.
-kapag mataba, wala nang raket.
-commercial model turned actor.
-actor-turned politician.
-politician-turned actor.
-automated texm8 ang mga artista.
Sa opisina naman...
-3days lang ang life span ng ballpen.
-nagchachat habang nasa opis.
-telebabad habang nasa opis.
-ginagawang chat ang email.
-nagpprint ng assignment ng anak.
-Uso ang chain message sa email.
-chismosong mga guard.
-mautos sa mga OJT.
-mautos sa katrabaho.
-natutulog sa opis.
-ma-epal sa opis.
-naglalaro ng PSP sa opis
-naglalaro ng rubix cube sa opis.
-matagal mag-lunch.
-sobrang matagal mag-lunch (sa goverment office)
-pumapasok para mag-antay ng uwian.
-may lamok sa opis (samin meron, ewan ko sa iba)
-gumagawa ng blog habang nasa opis.
-nagbabasa ng blog habang nasa opis.
Natatawa habang nagbabasa...
Tuesday, July 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment