Tuesday, July 15, 2008

Oily ba ang face mo Inday?

Dear Papa Chris,

Kami po ay nakatira sa ilalim ng tulay somewhere in Makati Area. Matagal na po kaming ganito, isang kahig isang tuka... katunayan tindera lang po sa palengke si Daddy, si Mommy naman po Janitress sa isang Big Company here in Makati. Isang beses sa isang araw lang kami kumain, at tuyo pa ang ulam... How sad di ba?!
Pero di po iyan yung problem ko, eto po:
Oily po ang face ko, Meron po ba kayo maipapayo kung paano ito mawawala?
Hereditary po ba ito kasi oily din ang face ng daddy ko....
How much po ba magpaconsult kay Dra. Bello?

Thanks and More Powers,
Inday



Oily ba ang face mo Inday?
pwes! maswerte ka!
Alam mo ba na nagkakagulo na ang bansang Pilipinas dahil sa langis na yan! at yang pagmumukha mo lang pala ang solusyon sa problema natin.

Isa kang bayani kung sakaling kaya mo magproduce ng 10litro kada araw.
Malamang patayuan ka pa ng sarili mong company sponsored by the Goverment c/o Madam Arroyo.

Pero wag ka basta papayag na abusuhin nila, dahil kayamanan mo yan.

Kung inaakala mo na madali lang gumawa ng Gasolina mula sa Oily mong face e, nagkakamali ka! may tinatawag na Oil Refining o Pagsala sa Tagalog bago ito maging Gasolina.

Marami at ibat-iba ang processong pwedeng gawin:

May tinatawag na Fractional Distilllation.
Kung saan pinapakuluan ang krudo at sa pamamagitan nito, nakakaproduced ng Kerosese, Gasoline, Gas, Diesel at iba pa....

Meron din namang tinatawag na Chemical Processing.
May tatlong paraan ang Chemical Processing
1. Cracking
2. Unification
3. Alteration
Ang Hirap diba?
Kaya ikaw Inday, wag ka basta nalang papayag sa mga gustong gawin sa face mo kung sakaling madiscover ka ng Arroyo family. Karapatan mong tumanggi....
Wag mo din sisihin ang mga magulang mo kung bakit Oily ang face mo! Hindi naman ito Hereditary o namamana. Talagang pinagpala ka lang! Try mo gamitin yan sa pagprito ng isda.
Bilib din ako sa lakas din ng loob mong magpakonsulta kay Dra. Bello, wala na nga kayo makain gusto mo pa magpakunsulta sa kanya! Walangya ka....
Lovelots,
Papa Chris

No comments:

Isa ka dito: