Saturday, March 7, 2015

Dear Rose,

Napakahirap talaga maghanap ng kasambahay. Ilang buwan na kaming naghahanap pero mission failed parin. Nagpost na kami sa Jobstreet at naghanap sa LinkedIn pero wala talaga. May mga referal pero hindi nagtatagal rereglahin lang ako sa inis.
Mapili na din ang mga kasambahay ngayon. Gusto nila may wifi ang bahay para nakakapag facebook.

Yung unang kasambahay namin maayos naman at tumagal maski paano. Pero dahil sa bata pa sya at gusto din siguro makahanap ng mas magandang buhay eh nagdesisyon na umalis at sumama sa boyfren (*joke wala atang boyfren)

Yung sumunod referal ng kasambahay ng kapatid ko. Nakilala nya lang sa tabi-tabi kesyo minamaltrato daw ng amo kaya balak umalis at naghahanap ng lilipatan. Kwento pa nya pinapatulog daw sya sa ilalim ng lamesa at tinuturing na parang baboy. *Take note baboy

Unang araw nya magtrabaho sa bahay alas siete na nagising. Mukhang naghahanap nga agad ng almusal at kape. Imbes na nakatulong lalo pang nadagdagan ang problema namin sa bahay dahil sa kanya. Yung tatlong gatang na bigas na kasya para sa amin eh halos kanya lang. Ganun ka takaw yung nakuha namin. Napatunayan ko na tama ang dati nyang amo, isa syang baboy!!!
Kapag naglinis naman halos maubos ang sabon, downy at zonrox. Hinala ko iniinum nya yung iba.

Binigyan namin sya ng konting panahon baka naman dahil bago pa lang at hindi pa nakakapag adjust. At matapos ang isang linggo nakapag adjust na sya. Nadagdagan ang kachikahan sa kapit-bahay na one time pumasok ng dirediretso sa loob ng bahay yung katulong ng kapitbahay namin. Taena!!! may pumasok na di namin kakilala *highblood ang lahat ng tao sa bahay. Juice colored mapapatay ko ang baboy na 'to!

Sumunod naman nanigarilyo sya sa kwarto, amoy na amoy ang usok ng sigarilyo pero todo deny pa sya "hindi po" habang umuusok ang bibig. Itinatapon pa nya ang upos ng sigarilyo sa bubong kaya hindi sya pwede mag deny. Walang naninigarilyo sa amin FYI.

Pinalagpasa namin ang tagpong ito na sana wag na maulit dahil baka magkasunod at hindi kami sanay sa amoy ng sigarilyo. Natupad naman.  Sa labas na sya naninigarilyo.

                                                                  ***
Lagi nyang pinagmamalaki na marunong sya magluto kahit linis lang bahay ang gusto namin pagawa sa kanya. At dahil gusto namin tuparin ang wish nya. Pinagluto namin, baka talagang may tinatagong talent si ate.

Paguwi ko kinagabihan galing trabaho excited ako tikman ang luto nya. Ginisang Munggo. Pero parang hindi ako sure kung ginisang munggo nga ba talaga ang ulam kasi may kalabasa. First time ko kakain ng munggong may kalabasa. Why not baka masarap naman talaga....
Ito lang masasabi ko: "Tangina makakapatay ako ng baboy!!!"

Sumunod na raw nagluto si Papa ng kare-kare at napannsin na wala ng bagoong. Nung narinig nya ito nagpresinta sya na ang bibili. 10:00am sya umalis pero 11:00pm na wala parin. Hindi kami nagisip ng masama kasi alam naman namin na walang gagawa sa kanya ng masama (bakit kaya?). 11:30pm dumating na sya at naka-ngiti habang kami galit na galit. Kasama nya daw yung katulong sa kabilang bahay sinamahan lang daw nya. Nakakainit ng ulo di ba? at mas nakakainit pa ng ulo yung binili nya na bagoong eh bagoong isda! Pwede mo ba ipartner sa Kare-kare yun?!
Bago pa namin sya makatay at ibaon sa lupa. Napagdesisyonan ng board of directors na paalisin nalang sya.

haayy salamat normal na ang buhay

No comments:

Isa ka dito: