"Sana isa nalang akong eraser... para pwede kitang BURAHIN"
Syempre umepal ako:
"Erasing any of life's experiences would be a great mistake. :D Just leave it there, and forget about it!"
Kung nabubura ang nakaraan... siguradong kulang na ang kasalukuyan.
Sumagi na rin sa isip ko na sana pambura nalang din ako... may mga tao, bagay at pangyayarin na gusto kong alisin mula sa nakaraan. Mga bagay na kapag naaalala mo may sakit parin na naiiwan kahit gaano na ito katagal. May mga kwento na walang tuldok sa katapusan, mga pangyayari na hindi dapat naganap, mga taong hindi mo inaasahan na may kasamang tanong... Bakit?
Dahil hindi naman talagang nabubura ang nakaraan minsan naisip ko na burahin ko nalang kaya ang sarili ko sa kasalukuyan? Pero minsan ko lang ito inisip at hindi ko na muling uulitin pa. Kung nasa mataas na gusali ka at nasusunog na ito, hindi ka dapat tumalon kung may Fire Exit naman na malapit sayo. Deadbol ka rin naman kung tatakas ka sa pagtalon, bakit hindi mo nalang gawan ng paraan kung saan alam mo ginamit mo ang parte ng katawan mo na nasa taas na bahagi ng ulo mo.
Parte ng buhay ang nakaraan, marami na ang sumubok at nagisip kung paano ito babalikan para burahin o itama pero lahat sila tinalikuran ng panahon at naiwan sa imahinasyon.
6 comments:
Parekoy, Bloggers Dinner tomorrow @ IKEA Tampines. Pwede ka?
good thinking pare!
@chilaxjukebox apir! apir! apir!
hi! hahaha ni-link na kita. tama ka naman. pero makulit pa rin ako, binubura ko pa rin ang mga ayaw ko. hindi ko alam kung paano ko nagagawa pero nabubura ko naman. siguro powerful lang ang imagination ko. hahaha.
Good sense of humor! Di ko alam kung paano ako napunta dito s blog mo pero nag enjoy ako magbasa ng mga post mo... Good job!
sempai salamat!
Post a Comment