Halos araw-araw ko binabaybay ang Ayala paliko ng Dela Rosa patungo sa mahal kong opisina, dito kasi ang tamang babaan ng mga pasahero. Ibat-bang tao ang nakakasabay at nakakasalubong ko dito. Karamihan ay mga empleyadong nagmamadaling makapasok dahil late nanaman sanhi ng araw-araw na trapik. Alam naman namin trapik at malalate kami pero iba parin talaga ang may thrill sa buhay. Yung tipong makikipagtulakan ka sa mga kapwa pasahero at halos talunin mo na ang bus mala-bruce willis makasakay lang. Hindi pa natatapos yan dahil makikipag brasuhan ka sa pagswipe ng ID sa kapwa mo empleyado, tapos kinakabahan ka tuwing may darating na sobre dahil inaakala mo memo nanaman to. whew! walang sinabi ang mga rides ng enchanted kingdom.
Kanina habang mabilis akong naglalakad tinawag ng isang babae ang aking pansin. Hindi ko alam kung bakit parang naposes ako sa kanya samantalang nakatalikod sya. Siguro dahil sa tangkad, Sexy, at Longsilky smooth hair na parang nagparebond. Binilisan ko ang paglakad upang makita ko kung kasing ganda ng likod nya ang harap nya. (Hindi yung harap na iniisip mo! pero kasama na rin yun..). Nagovertake ako sa ibang kasabay ko, presto at naabutan ko sya. Pasimple akong lumingon at tiningnan sya. Panalo! kung anong ganda ng likod ganun din ang harap. Kasi minsan may mga Talikogenic na babae, eto yung kapag nakatalikod lang maganda.
Hulmang-hulma ang kanyang sexy na katawan sa pencil cut nya na palda at blazer. Talagang nakakaakit at sigurado ako na di ako uubra sa mga ganito kaganda, medyo gwapo lang kasi ako at hindi sobrang gwapo. Malamang galing sya sa isang sikat ng coffee shop kasi bitbit nya pa ang cup nito. Gusto ko nga sana syang tanungin "Miss Google ka ba? Lahat kasi ng hinahanap ko nasa 'yo na"
Nakakatulala talaga ang ganda nya halos lahat ng pwede ko maimagine naimagine ko na nung time na yun. Tumulo nga ata yung laway ko. Ilang hakbang nya lang naiwan na ako sa haba ng hita nya. Pero nabasag ang imahinasyon ko at nabalik ako sa tunay na realidad nung itinapon nya ang kanyang hawak na cup sa kalsada. Sandali akong nahinto parang kababalik lang mula sa timespacewarp ng ganda nya. Dinamput ko ang cup na tinapon nya at may narinig akong nahalinghinan na mga babae sa likod ko. Akala siguro nila na sisipsipin ko ang straw na nasa cup na parang naglip-to-lips kami nung babae. Pero mali sila andami kayang tao, buti sana kung wala.
Maayos kong tinapon ang cup sa basurahan kasabay ng paghangga ko sa kagandahan nya. Hindi ko gawain ang mamulot ng basura ng iba, pero bakit nung araw na yun eh automatic kong pinulot? ambilis ng pangyayari.
Napatunayan ko tuloy sa sarili ko na hindi pala talaga ako tumitingin sa kaanyuan ng isang tao. At yung mga nasa likod ko na babae parang humanga ata sa ginawa ko na hindi ko naman talaga ginagawa. Instant pogi points yun ah... ang yabang tuloy ng lakad ko papunta ng office. Sobrang ganda ng mood ko halos halikan ko lahat ng babaeng makasalubong ko kasi nakagawa ako ng isang magandang bagay para sa kalikasan.
"Miss Google ka ba? sorry Yahoo ang type ko"
Tuesday, September 29, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Tano? ikaw ba talaga yan??! ayaw mo na ng mga mala-Ms Google? wahehe.. isama kaya naten yun sa isang clean up climb, at sya ang pagbuhatin ng lahat ng kalat. Hindi lahat ng maganda ay maganda din ang ugali... hay naku!
ako nga 'to julie, nakakaturn off talaga ang ganun pero konting akit pa bibigay nko bwahahahah
aliw naman yun..
Post a Comment