Monday, September 21, 2009

Insekto Bedtime Story part III

Politiko ka ba? Wag kang madaya magbasa ka muna ng nakaraan
Part I
Part II

III
Nilisan ni Dengdeng ang kanilang lugar upang magenroll sa ministop isang computer school sa may kanto ng recto na katabi ng bilyaran at computershop. Dahil naniniwala sya na ang katalinuhan na makukuha nya mula dito ang makakasalba sa pagkakalugmok ng kanilang lahi at ito rin ay isang yaman na di maaring maagaw ng sino man.
Masipag na masipag si Dengdeng pumasok halos araw-araw kahit sabado't lingggo at maging holiday... ang lupet! kaya lang hindi sa eskwelahan kundi sa mga katabi nito. tsk! tsk! tsk! napabarkada kasi sya sa mga walang kwentang estudyante na ang hilig lang ay maglustay ng pera na ibinibigay ng kanilang magulang. Ayun Drop lahat ng subject nya.
Hindi sya naging matagumpay sa pagkamit ng katalinuhang inaasam, gayun pa man nagkaroon sya ng malaking farm, yumaman, at nagkaroon ng sandamakmak na kaibigan sa facebook. Naging husler din sya sa larong bilyar at hinangaan ng mga estudyanteng tambay.

Muli syang bumalik sa kanilang lugar makaraan ang ilang buwan. Daladala nya ang mga trophy ng bilyaran at online game karamihan dito sya ang champion. Astig. Pero hindi ito pinapansin ng sangkalamukan at insekto world. Itinuturing parin na ang lamok ay may maliit na utak at madaling patayin ng mga tao hindi tulad ng mga lahing ipis minsan nagpapataypatayan pero sa totoo lang buhay pa sila, paraan upang makatakas sa malupit ng tsinelas. Ang mga surot naman ay magaling sa pagtago maging foam o kahoy pa yan. Matitinik sila parang bangus.
Hindi matapos tapos ang paksyon kung sino ba talaga ang lahi ng insekto ang pinaka-malakas kaya naman naisipan ng mga namumuno dito na gumawa ng paligsahan. Magtatagisan ng lakas, talino at bagsik ang mga kalahok na magrerepresinta ng bawat lahi. Medyo problemado ang lamok community kung sino ang nararapat magrepresinta sa lahi nila dahil karamihan sa kanila e maliliit ang katawan at walang bagsik. Pero may isang lamok na naglakas ng loob magtaas ng kamay upang ipaglabang ang lahi... at ito ay si Dengdeng.

Ilang araw bago ang kumpetisyon naghahanda na ang bawat lahi. Naghire ng imported coach ang mga ipis, si coach freddy coackroach, isang sikat na coach mula sa amerika. Hindi rin naman nagpatalo ang maangas na lahi ng surot, naghire din sila, si Maybadweather Sr. sikat na coach din naman ito pero di ako sure. Ang mga langaw ay kumuha ng local coach ayaw kasi nila magbayad ng mahal nagtitipid sila ngayon. Kanya-kanyang training at paraan na gagawin upang manalo. May mga naiisip din na mandaya nalang dahil aminado silang mahina ang kanilang lahi. lahi sila ng mga politiko.

ipagpapatuloy...

No comments:

Isa ka dito: