Tuesday, September 1, 2009

Insekto Bedtime Story part II

Politiko ka ba? Wag kang madaya magbasa ka muna ng nakaraan
Part I
II
"Ilabas mo na yan..." bulong ni jobert sa sarili habang inaabangan ang pagtae ng pusa. lumingon sa likod ang pusa, tiningnan kung may makakakita sa gagawin nyang krimen. Ilang segundong umiri ang pusa at presto dumungaw na ang kapangyarihang inaantay ni jobert. Mabilis nyang dinambahan ang etchas habang hindi pa ito sumasayad sa lupa. Matagumpay nya itong nagawa habang ang pusa naman ay nabwiset dahil sa naputol na etchas. Pumikit ng sandali sa Jobert at humiling na gawin syang surot ng makapangyarihang etchas. "Kaboom" isang malakas na pagsabog. Naisip ni Jobert na isa na syang surot sa mga oras na iyon dahil sa pagsabog na narinig tulad sa mga pelikula ni Darnat at Kaptain Barbell na may sabog epek kapag magtratransform.

Mabilis syang nagpunta sa bahay ni Dingdong pero wala ito duon nasa shooting daw ang sabi ng napagtanungan nyang ipis sa loob ng bahay, kaya ang next target nya ay si Piolo. Pagdating sa bahay agad syang nagpunta sa upuan at inantay na maupo si Piolo. Ilang sandali pa at mukhang uupo na ito. "Heto na ang pagkakataon ko" sabik na sabik na si Jobert kumagat ng artistahing singgit. Matapos maupo ni Piolo... pisak ang baklitang lamok! hindi pala sya nagtransform sa pagiging surot. Mali nanaman ang chismaks ni Cristy tulad ng dati. Balitang balita sa sangkalamukan ang kabobohan ni Jobert ganun din sa buong lahi ng insekto. Kaliwat-kanan na batikos at panglalait ang natamo ng mga lamok. Laman sila ng pahayag tulad ng Tiktik, Remate, Abante, at maging Dividendazo.
"Tsk! tsk! tsk! sadyang maliit talaga ang utak ng mga lamok na 'to paniwalang paniwala kay Cristy eh ilan na ang kaso nun sa korte na libel" sabi ng isang pilosopong ipis sa isang column ng Tiktik.

Masakit ito para sa sangkalamukan, isa itong sampal sa kanilang lahi. Nagtipon-tipon ang mga lamok sa isang sikretong lugar ng Tondo at duon sila nagmeeting kung paano nila muli maibabangon ang kanilang lahi. At dahil sa dami ng attendance nung araw na yung wala silang mabuo at mapagkasunduan. Madaming idea na walang kabuluhan. Ideang hindi sapat upang makabawi sa pagkakalugmok ng kanilang lahi.

Naisipan ng isang batang lamok na si Deng-deng na simulan sa sarili nya ang pagbabagong nais makamtan.

"Ako mismo" sigaw nito sa sarili

ipagpapatuloy...

No comments:

Isa ka dito: