Tuesday, October 14, 2008

A Trip to the Stars

Stardust
Location:1182 Quezon Ave. Q.C
Description: Night Club
Date: 10-10-2008
Guilty people: Genesis, Dante, Cute, Henry, Chris, Toni

Ito ang unang beses ko makapasok sa Stardust (hindi ko rin masabi kung ito na nga ba ang huli). Pero hindi ito ang unang beses ko nakapasok sa ganitong lugar. Sa totoo lang madami narin, pero nabibilang pa naman sa mga daliri ko at ng katabi ko. Mahilig talaga ako sa ganitong lugar Hindi ako mahilig sa ganitong lugar promis at ni minsan ako pa nagaaya hindi pa ako nagaya magpunta sa ganitong lugar, maaring sa Mall lang at Gym. Taong kuripot kasi ako, mas gugustuhin ko pa kasi ipamigay ang mga pera ko sa mahihirap nating kababayan kesa sa mga GRO (*wapak!) nagbibiiro lang po...


The Dance
Halos lahat ng napuntahan kong Night Club e halos pareparehas lang ang dance move. Abante-abante Giling Atras-atras Giling Kaliwa-kaliwa Giling Kanan-kanan Giling lapit sa tubo bubukaka tatalikod yuyuko... asus!
I therefore conclude iisa lang ang choreographer ng mga Night Club

The Sounds
I got it from my mama- Wil. I. Am.
Lean like a cholo - Down
Soulja boy - soulja boy
Umbrella - Rihanna
Careless Whisper - George Michael

DJ: "And now.... let's welcome our first set of Lovely ladies"
Kung mapapansin mo din, halos lahat ng DJ sa mga Night Club magkakaparehas ng boses... yung tipong buong-buo na parang may plema sa lalamunan na mahirap maalis.

The Dress
Swimsuit, Sexy Night Dress, Hot Night Dress, basta sleeping dress na ready to fight!
Usually Color Red dahil ito ang kulay na nakakaakit sa mga Kalalakihan.
Highheels - hindi pwede ang flat shoes dahil mas nakakaakit ang matangkad.
Topless - kapag madaling araw na tska lalabas ang mga babae hindi tinatablan ng lamig... at nandyan narin ang mga matang naglalakihan habang nirerecord sa kanilang photographic memory.

The Girls
Medyo malabo na ang mata ko kaya kung ako ang huhusga at nakainum na, lahat sila aprub sa akin. "Ayun... yung number.... basta yun! ano pangalan nun? tawagin mo table ko sya!"

The Cost
*note: Prices may vary depending on size, color, and currencies exchange rates

Php400/hour - ang number na color green (eto ang tinatawag na GRO)
Php560/hour - Model (sila yung mas maganda sa GRO)
Php800/hour - Solo (may kasama nang ladies drink, maaring mas maganda ito sa Model)

Hindi ko lang sure kung binabawasan din sila ng Tax, Pag-big, Philhealth, SSS, GSIS, Tardiness, Undertime. Meron din kaya silang overtime? 13th month pay? Christmas bonus?

Kung ikukumpara mo ang 800/hr nila sa isang empleyado na nagpakadalubhasa ng 4 na taon sa Unibersidad, Nagtake ng ibat-ibang exam, Nagreview sa mamahaling review center, Naghirap gumawa ng kodigo, Nagbayad sa Prof, Nagpagawa ng Project, siguro iisipin mo din mag GRO nalang.

Eco101:
The Law of Supply and Demand.
Limited supply, lots of demand.
Limited nga ba ang supply ng GRO sa bansang Pilipinas? bakit maraming Demand?
Kailangan na bang magimport tayo ng GRO from China? Hindi kaya may melamine naman ang maiimport natin na GRO galing sa kanila?

"Mabuhay ang mga Pokpok"

3 comments:

chroneicon said...

dagdag ko lang...

lahat yata ng mga djs sa ganyang lugar ay gibberish ang mga salita maliban na lamang sa pangalan ng sasayaw.

sample:

aek fdak mlksdjf erog abilibidun...
Shaina!

ito naman ay nakuwento lang sa akin

diery said...

ganun pala sa mga bar noh..buti nalang na kwento mo...hehehe

RJ said...

hahaha! napadaan lang po.

iyan ang isa sa mga pangunahing export ng pilipinas. madami tayong supply nyan.

ingat din sa babaeng 'dragon' kung lumaklak at butas ang bulsa mo. hehehe

ito rin ay naikwento lang din sakin. =D hahaha!

Isa ka dito: