Isang sumpa ang bumabalot sa apat na sulok ng aming eskwelahan nung ako'y elementary pa. Isa itong bangungot para sa mga batang magaaral. Dahil tiyak tatlong K ang mararanasan mo... Kahihiyan, katatawanan at kawalang ng tiwala sa sarili sa oras na mapasaiyo ang sumpa. Dinapuan nito ang klasmate kong si Alfred (di tunay na pangalan). Hindi ko inaasahan na magkakaganito sya dahil isa sya sa mga malilinis kong klasmate (madungis kasi kami dati).
Isang araw may napansin akong dumi sa kanyang uniform sa bandang kaliwa ng bulsa. Mabilis na tumakbo sa isip ko na ito ay tae... Oo positive tae nga! malinaw pa ang mga mata ko at para itong microscope nakikita ko ang bacteria.
Napansin ko na medyo balisa nga sya at hindi mapakali kaya positibo akong dinapuan nga sya ng sumpa. Nagtawanan kaagad ang mga kolokoy kong klasmate dahil sa nakakatawang stuff sa kaliwang bulsa ni Alfred. Todo deny pa ito at sinabing chocolate lang daw yun. Pero isa sa mga klasmate ko ang naglakas loob na sumubok itong amuyin (wow tamang trip!). Inilapit nya ang ilong sa hinihinalang tae ngunit sa kasamaang palad e napasobra ito at nadikit sa ilong nya *wapak! Napasigaw sya na parang nanalo sa lotto Taaaaeeee NGA! Put@NgNa!!!! Tae!!!! mabilis syang tumakbo sa kubeta upang hugasan ang ilong na nadikitsa chocolate este tae pala!Hindi mapigil ang tawanan sa loob ng classroom habang hiyanghiya naman si Alfred sa nangyari. Sa totoo lang awang-awa ako sa kanya pero mas lamang parin ang katatawanan kaya tumawa narin ako hahahaha.
Moral lesson: Hindi inaamoy ang chocolate, tinitikman ito...
Gumawa ako ng isang imbestigasyon kung saan nga ba galing ang sumpang ito. Inisa-isa ko ang sunod-sunod na pangyayari hanggang dumating ako sa kongklusyon na si Mang Johnny pala ang salarin. Sya yung Janitor namin sa skul, businessman na din at the sametime. Kapag nakita ka nito na palakad-lakad sa paligid ng eskwelahan ay tatawagin ka, pero wag ka mabahala dahil di ka nito isusumbong sa titser o prinsipal ang dapat mo lang gawin ay bumili ng tinda nyang bayabas na halos dalawang buwan na yatang di nabebenta kumbaga sa tao amuy lupa na! halos tubuan na ito ng ugat, pero dahil takot ka ma-guidance at mapatawag ang magulang sa skul eh tiyak na ibibili mo na ang natitira mong pera sa kanya. May mga variety din naman syang tinda tulad ng yema, manggang hilaw at sampaloc, pero ang talagang ibebenta nya sayo ay yung old bayabas. Napansin ko na tinatamad syang linisin ang CR dahil mas mahal nya ang pagiging businessman nya. Minsan nga nahuli nya kaming pakalat-kalat sa labas at tinawag, ang buong akala ko bebentahan nya kami ng old bayabas yun pala ay paglilinisin kami ng kubeta. Anak ng tokwa't baboy naman! gawin ba kamin janitor? pero dahil bata kami at madaling matakot e sinunod na namin ang utos nya. Ang buong akala nya naman maloloko nya kami dahil pag alis nya agad kaming tumigil sa paglinis at tumakbo papuntang canteen (section 1 yata 'to).
Mabaho, Madumi at puno ng kwentong kababalaghan at nakatatakutan ang CR sa school namin kaya maging ako ay takot umihi dito ng mag isa. Paano nalang yung mga batang natatae?maghahanap pa ba sila ng kasabay tumae? kung malakas naman ang loob mo at di ka takot sa mga kwentong multo e tiyak ang papatay sayo ay ang amoy nito.... paano ka dudumi kung ang inodoro ay barado at may naka-load na din?
Nagpapasalamat ako dahil sa malapit lang ang eskwelahan sa bahay namin, siguro mga tatlumpung hakbang pasulong at 5 hakbang paatras lang bahay na namin. Kung kaya't nalagpasan ko ang sumpa, muntik na din ako duon. Buzzer beater lang!
Hindi naman pala Johhy talaga ang pangalan ni mang johnny, tinawag lang itong johnny dahil sa trabaho nyang 'Janitor' kung sino ang nagbansag sa kanya at kelan ay di ko masasagot... wala daw clue. Ganun din daw kasi ang pangalang ng janitor ng kaibigan ko sa ibang eskwelahan. Isa lang ang masasabi ko.. Johnny Rocks!!!
Nung Elementary ka, may natae din ba sa klasmate mo? o ikaw mismo? kung ikaw mismo kalimutan mo na ito at magpalit na kaagad ng pangalan at magparetoke ng mukha. Wag mong aminin na ikaw yun nakakahiya.
Moral lesson: WALA
Monday, September 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
URBAN LEGEND talaga ang mga yan sa elementarya lalo na sa public.
natae na dina ko dati pero hindi bumakat.lols
Post a Comment