Finally after more than 5 years of waiting... the pinoy band that mattered ERASERHEADS together again for one night only concert on August 30 2008.
Una kong napakinggan ang eheads sa radyo, "toyang" ang unang hit single nila tapos kinabukasan nakita ko na may Tape album kami ng eheads (UltraelectroMagneticPop) binili ng tatay ko, hindi ko alam na nagustuhan nya rin pala ang kanta na yun. Pero bago ko sila nagustuhan fan nako ng 'The Beatles' nanghihiram nako ng tape sa klasmate ko na ganun din ang hilig, grade 3 pala kami nun at ang tape na hinihiram ko ay tape ng tatay nya. Ang tape kasi namin sa bahay Nazareth, Led Zeppelin, ABBA, at mga Instrumental, walang Beatles. Kaya nagulat ang tatay ko bakit ako may Beatles na tape at bakit yun ang nakahiligan ko samantalang hindi ko naabutan ang mga yun. Ang sagot ko ay "Ewan!" hindi ko rin alam kung bakit, dahil siguro nagustuhan ko ang musika, tono at lyrics ng kanta?. Baliktad nga ang nangyari, ako may tape ng 'The Beatles' tatay ko 'EraserHeads' weird.
Highschool ako nung nag-hit ang Eraserheads, sikat na sikat yung mga kanta nila at kapag may bagong album, tiyak naguunahan ang mga klasmate ko magbilihan. Payabangan kung sino ang unang magkakaroon ng bagong album... Hindi pa uso nuon ang CD at Mp3 player, kaya naman sa Blank tape pa ako kumukopya, isa na siguro ako sa kauna-unahang pirata dito sa pilipinas dahil cant afford ako sa tape nilang 200 pesos. Pero iba parin yung original copy kasi mas maaapreciate mo yung album kung may lyrics with picture na kasama.
Nitong martes ko lang natiyak na may concert nga ang Eheads, kaya naman sabik na sabik ako na marinig ulit ang hit songs nila, at makita na muling kumpleto ang banda. Nagtext ako sa dating kong klasmate nung highschool at ibinalita na may reunion concert sila. (isa rin kasi sa mga fanatiko ng Eheads yun). Hindi sya makapaniwala sa text ko, at hindi rin siguro ako kapanipaniwalang tao, kaya naman pinagtawanan lang nya ako.
Nagpunta ako sa Ticketnet.com para tingnan kung magkano ang ticket price, pero walang Eheads concert dun, kaya naman nag search ako at naki balita sa Chat. At ayun may nakapagbigay alam sa akin na Free concert daw ito at sa CCP Open ground gaganapin ang concert. For more info mag-log on daw ako sa Marlboro.com kasi sila yung sponsor at magbibigay ng libreng ticket.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras, nagpunta nga ako sa site, pero nangailangan pa ng kung ano-anong ID number para makapag sign-up. Tinitiyak nila na 18 above nga ang magreregister sa site. At dapat nagyoyosi ka tinatanong din kung anong brand ang favorite mong ipasok sa baga mo (Pwede magsinungaling!).
Problema ko kung ayaw ko magsinungaling? Kasi nilalagay sa database yung name mo at ipapasa nila ito kay San Pedro para kunin kana (Biro lang... )
Isa pang problema, hindi nakalagay dun kung Second-hand smoker ka tulad ko at kung anong brand ang libre mong nasisinghot o favorite mong singhutin.
Problema nga talaga 'to mga tol!
Mga smokers lang ba ang pwedeng manuod sa EraserHeads One night concert?
Paano naman kaming Second-hand smokers?
Yung hindi smokers? at walang pambili ng yosi?
Yung dating smokers na ngayon ay may sakit ng TB?
Yung may TB at huminto na mag Yosi?
Hindi ba pwedeng gawin 2nights concert? yung isa sa smokers! yung isa sa second-hand smokers! ASTIG di ba? suggestion lang po ito..... Salamat!
No comments:
Post a Comment