Tax is a financial charge or other levy imposed on an individual or a legal entity by a state or a functional equivalent of a state (for example, secessionist movements or revolutionary movements). -source: http://en.wikipedia.org/wiki/Tax
Tuwing bubuksan ko ang payslip ko, at makikita ang Tax na ibinabawas sa akin sumasama na ang loob ko. Naiintindihan ko naman ang kahalagahan ng Tax, sang-ayon ako sa Batas na ito. Walang duda malaki ang naitutulong nito sa Bansa.
"Tax can result in anything from the mechanisms of slavery to the fruits of re-distributive social revolution, depending on the details of its implementation."
Highschool at College may Subject akong Economics, at natatalakay dito ang Taxation sa Pilipinas. Hindi ako lumiliban sa klase,always present! pero ang isip ko, cutting classes nagiisip kung ano ang ulam na masarap sa karinderya. Hay ang tagal naman matapos ng klasena 'to. "Press the button to eject the teacher" yan yung nakasulat sa desk ko. Hindi ko alam kung sino yung nagsulat nito. Malamang boring yun sa teacher o sa subject. Ako sa Subject.
Hindi ko pa ramdam ang tax nuon, hanggang sa nagkaroon na ako ng trabaho. Head of the family ang inilagay ko. Mas maliit daw ang tax na ibabawas kapag ganito ang status mo. Pero parang waepek!. Anino na ng trabaho ang Tax. Mahirap magtrabaho sa Pinas halos pagpawisan ang singit mo at dumugo ang brain cells kakaisip. Pero ang sahod? hmmm.... pangbinata!
Nakakabwiset lang kasi kapag naiisip mo ang hirap ng trabaho. At kung saan napupunta ang Tax na ibinabawas sa sahod mo. Ito yung ginagamit sa mga Goverment Projects at ipinapasahod sa mga Goverment Officials and Employees. Tapos kapag dumaan ka sa kalsada lubak-lubak, at kapag minamalas kapa huhulihin ka ng mga buwayang pulis. Kung ano-anong violation ang isasampa sayo hanggang mapilitan ka mag-abot ng lagay. Take note, di sila tumataggap ng ibang national hero, ang gusto nila si Manuel Roxas o di kaya si Ninoy.
Sa tanggapan naman ng Gobyeno, ito ang scenarion na makikita mo...
Nagdadaldalan na parang nasa palengke lang.
Nagchachat, internet, at nagprint ng assignment ng kanilang anak.
Nagtetext.
Nagpapaload.
Palakad-lakad.
Chismisan.
Kumakain.
Telebabad.
Kliyenteng nahi-highblood na sa haba ng pila.
Bwiset diba?. Kasi mula sa butil ng pawis mo ang sahod na natatanggap nila, tapos di ka mapagsilbihan ng mahusay.
Handa ako magbigay ng malaking buwis, pero sana katanggap-tangap naman ito. Sulit kumbaga.
Sunday, June 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment