kahapon ng umaga pagising ko diretso ako ng kubeta, bubuksan ang gripo at sabay buhos ng tubig 'whooosh put@*#$ ang lamig!" (yan ang madalas kong ritwal sa umaga). Tapos kukuha ako ng paborito kong shampoo ('di ko na sasabihin kasi magiging product endorser na dating ko). Medyo nagulat ako sa paborito kong shampoo kasi naiba yung kulay at lumaki. Sabi dito 30 persent more! WoW naka tipit kami! akalain mo yun may libre din pala sa hirap ng buhay ngayon... Subalit hindi dyan nagtatapos ang kwento ko. Kasi naghihinala pa rin ako (Tamang hinala kasi ako nung araw na 'yun) kinuha ko yung dating lalagyanan kinumpara ko yung laman ng luma at laman ng bago. Alam mo ba kung ano nalaman ko? (sumagot ka ng "ano?" para maganda usapan natin). "Ano?" eh di parehas lang ang laman ng bago at luma. Walang hiya yan!. Lumaki lang ang lalagyanan at nadagdagan ng babaeng modelo na mas maganda kesa sa dati (pero mas malaki yung sakop ng buhok kesa sa mukha ng babae). Hindi lang yan, tinanong ko din ang nanay ko kung magkano ang bili sa bagong paborito kong shampoo (sumagot ka naman ng "magkano?"). "Makano?" mas mahal ng dalawang piso kesa dati kasi daw may "30 persent more" anak ng tinapa! nagdadag tayo para sa lalagyan?. Bwiset talaga naloko at ninakawan nanaman tayo ng mga punyetang bisnesman na yan ok lang sana kung mahihirap maiintindihan ko pa. Dito sa pilipinas yung mga mayayaman at makapangyarihan ang syang magnanakaw at manloloko! ang mayayaman lalong yumayaman ang mahihirap patuloy na niloloko ngunit walang magawa (dayain ka ba naman sa pamamagitan ng mga produktong kailang mo tulad ng pagkain at gamit sa pangaraw-araw). Wala na talaga! masyado na kurap, maitim ang budhi, kili-kili singit at kuyukot ng mga taong ito..... Kaya ako? bibili parin at gagamitin parin ang paborito kong shampoo kasi nga paborito ko eh! at wala na akong magagawa. Kung pwede lang pigain yung lalagyanan eh gagawin ko para lang masulit ko! ayaw mapiga eh! nasugatan lang ako...bye! uuwi nako!
Note: Matagal ko na po ito na post sa Friendster now ko lang upload sa blogger.
Monday, June 2, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment