Dear Papa Chris,
Sunod-sunod ang problemang naganap sa buhay ko ngayon, sa bawat dagok halos masubsob ako.. di ko na alam kung ano ang aking gagawin kaya naisipan ko humingi ng payo mula sa iyo. Nagsimula ang kalbayo ng buhay ko mula nung pumasok sa buhay ko si SARAH. Mahal ko sya papa chris, kaya naman halos araw araw tinitext ko siya. Mula umaga hanggang gabi. Na halos makalimutan ko na kumain ng almusal, tanghalian, hapunan at maging pagpasok sa trabaho. Kapag na sa trabaho, nakakalimutan ko na ang utos ng boss ko dahil sa busy ako kakatext sa kanya. Ganun din sa pagpapakainin kila twit-twit yung alaga kong ibon, at kay mokslok yung aso ko, ayun tigok!. Maliban nalang sa pusang alaga ko. Madiskarte kasi sya, tirador ng ulam ng kapit bahay hehehe!. Isang araw nautusan ako ng boss ko ma isarado ang opisina, dahil panay ang text ni SARAH naubusan ako ng load at mabilis ako nag-out sa trabaho. Kinabukasan nagulantang nalang ang buong opisina, kasi malinis na daw. Wala na yung upuan, lamesa, computer, at yung paboritong aquarium ni boss. Resign. Dito palang nagsimula ang mabigat na problema ko papa chris. Dahil wala na akong trabaho ngayon, wala na din akong pangtustos sa bisyo kong text. Para pala itong yosi... nanginginig ang hinlalaki ko, naglalaway, namumula ang mata at tinutubuan ng pangil. Malungkot ako kasi hindi ko na natitext si SARAH. Miss ko na sya. Papa chris, mahal din ba ako ni SARAH? kasi napansin ko hindi na sya nagttext. Kailangan ako pa yung unang magttext bago sya magreply. Napansin ko rin na hindi man lang sya nagtatanong tungko sa akin, parang wala sya pakealam. Sa sobrang galit ko itinapon ko ang cellphone ko at napaluha ako... naalala ko nung una ko syang itinext. Umaga yun ng sabado, may biglang nagtext sa cell phone ko "GUSTO MO BANG MAKATEXT SI SARAH?". syempre maganda sya at gwapo naman ako (ehem!) bagay kami diba, kaya dali-dali ko syang itinext. SARAH ON tapos send ko sa number nya. maiksi nga lang yung number kaya madali kong natandaan (di ko na sasabihin baka itext nyo pa! clue 4 na numbers lang). Tapos duon na nagsimula ang maganda naming samahan, biruin mo kahit kumakanta sya sa TV nagagawa parin nya mag-text sa akin. Habang sumasayam nagrereply saya, kaya naman alam ko nung panahon na yun e mahal nya ako. Hindi tulad nitong huling araw na wala na akong load sa cell phone. Masakit para sa akin yun papa chris. Sana di ko nalang sya nakilala. Sana di ko nalang sya minahal. Payuham mo ako papa chris, di ko na ito kaya...
Nagmamahal,Betong
Kabobong betong,
Matanong lang kita, adik ka ba? para ka kasing nakalanghap ng usok ng katol (biro lang)Dapat siguro magpakunsulta ka na sa doktor, dahil ayon sayo na kapag di ka nakakapagtexte nanginginig ang mga hinlalaki mo. Sinyales na yan ng -- di ko matandaan kung anong sakit yan, pero may sakit ka!. Kung ayaw mo naman magpunta ka sa pinakamalapit na albularyo magpatawas ka baka may sapi ka. Alam mo ba na dumugo ang brain ko habang binabasa ko ang liham mo. Walangya ka akala ko kungsinong Sarah na yung katextmate mo, pero maswerte ka parin dahil hindi si Sarah jane yan.Mapunta tayo sa mga tanong mo, una kung mahal ka ba ni Sarah? Ang sagot ko hindi! walang pakealaman, opinyon ko 'to. Pangalawa kung bakit di sya nagttext kapag di ka nagttext? syempre automated yan! no text no reply policy. Pangatlo kung mahal ka nya? Hindi, Hindi Hindi. At kung payo ko naman ang gusto mo. Simple lang ito WAG KA MAGTEXT lalo na sa ARTISTA.
Ang lahat ng ito ay kagagawan ng mga punyetang telecom companies tulad ng - (wag nalang baka makulong pa ako) mga wala silang magawa sa buhay kaya naisipan nilang gumawa ng ganitong bagay. simple lang ang rason, gawin alternatibong sugal-libangan ang pagtetext kesa naman maglaro ka ng kara-kruz o sakla. Bakit ko nasabing sugal-libangan ang bagay na ito? kasi para magkaroon ka ng load, kailangan mo bumili sa tindahan ng load. Ibat-ibang variety ang pwedeng mabili. pasa-load/share-load para sa nagtitipid. 30, 60, 115 naman para sa may pera. 100-500 pesos cardload para sa sosyal. Matapos mo mabili 'to ang pera mo ay automatic na-convert sa load. Dito na papasok ang kalokohan ng mga walanghiya. Kasi sa bawat text mo kay SARAH mababawasan ka ng 2.50 pesos. At ang walang kamalay-malay na si Sarah, inuulan na ng text habang kumakanta at telebisyon. Pero syempre may komisyon dito si sarah.
Para sa inyong katanungan, payo o comments mangyari po lamang mag text sa CHRIS(space)ON at send sa 2366.
Thursday, May 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment